backup og meta

Ano Ang Borderline Diabetes? Maaagapan Pa Ba Ito?

Ano Ang Borderline Diabetes? Maaagapan Pa Ba Ito?

Ang diabetes ay seryosong kondisyon na kinakailangan ng mainam na pag-aalaga upang maiwasan ang seryosong komplikasyon. Ngunit ano naman ang borderline diabetes? Ano ang maaaring gawin ng mga tao sa ganitong kondisyon? Tulad rin ba ito ng pagkakaroon ng diabetes?

Ano Ang Borderline Diabetes?

Ano ang borderline diabetes at paano ito naiiba sa diabetes?

Ang borderline diabetes ay kilala rin sa tawag na prediabetes. Sa kondisyon na ito, ang tao ay may mataas na lebel ng blood sugar kaysa sa normal, ngunit mas mababa kaysa sa diabetics.

Ang pagkakaroon ng prediabetes ay nangangahulugan na mas mataas na banta na magkaroon ng diabetes, at lalong posible na umusbong ang sakit na ito kung hindi mo babaguhin ang iyong pamumuhay.

Kadalasan, ang mga doktor ay nagdi-diagnose ng diabetes gamit ang HBA1c test. Gayunpaman, dahil hindi ito laganap na available at mayroong kakulangan sa standardization ng resulta, ang mga doktor ay gumagamit nito na may pag-iingat at kinokompirma ang resulta sa pagsasagawa ng mga sumusunod:

  • Fasting plasma glucose
  • Oral glucose tolerance
  • Random plasma glucose

Hindi tulad ng diabetes, ang prediabetes ay kadalasang walang mga pisikal na sintomas. Ibig sabihin na ang isang tao ay maaaring prediabetic sa loob ng maraming taon na hindi ito nalalaman, at biglaang makaranas ng mga sintomas ng diabetes. Kaya’t mahalaga na ang mga tao ay sumailalim sa check-up taon-taon.

Partikular na sa mga taong labis ang katabaan, labis ang timbang, maging ang mga miyembro ng pamilya na may type 2 diabetes ay kinakailangang isaisip ang prediabetes. Kung parte ka ng mga nasabing grupo, magandang ideya na magpa-test taon-taon upang mapanatili ang track ng iyong lebel ng blood sugar.

Kailangan Ka Bang Mangamba?

Ang pagkakaroon ng prediabetes ay hindi nangangahulugan na 100% na magde-develop ang diabetes kalaunan. Bagaman, may mataas na tsansa na mangyari ito kung wala kang gagawin tungkol dito.

Ngunit ang prediabetes ay hindi lang nangangahulugan na ikaw ay nasa banta ng diabetes. Maaaring posible rin na ang pinsala na sanhi ng diabetes ay nagsimula na. Sa partikular, ang iyong mga bato, puso, at blood vessels ay maaaring may banta ng pinsala.

Sa ibang mga kaso, ang prediabetes ay maaaring maging sanhi rin ng retinopathy o pinsala sa optic nerves. Maaari nitong maapektuhan ang iyong paningin, at maaaring maging dahilan ng pagkabulag. Ngunit mabuti na lamang, ang prediabetes ay maaari pang malunasan. At mas mainam na magsimula sa lalong madaling panahon.

Hindi mo dapat basta-basta lamang na tinitignan ang prediabetes. Ito dapat ay makagising sa iyo na kinakailangan mo nang magbago ng lifestyle. Hindi lang ito upang mabawasan ang banta ng diabetes, ngunit maging ang banta ng sakit sa puso, cardiovascular na sakit, at maging ang stroke.

Magbebenepisyo ang iyong katawan sa desisyon maging mas malusog sa maraming paraan, kaya’t isa itong magandang desisyon.

Ano Ang Iyong Magagawa Rito?

Ngayong alam na natin kung ano ang borderline diabetes, ano ang maaaring gawin tungkol dito? Maraming mga paraan upang malunasan ang prediabetes. Narito ang ilan sa mga epektibong paraan:

Magbawas Ng Timbang

Kung ikaw ay labis ang katabaan o labis ang timbang at na-diagnose ng prediabetes, mahalaga na magkaroon ng mas malusog na timbang. Ito ay sa kadahilanan na ang pagbawas ng timbang ay magpapababa ng banta sa diabetes, gayundin ang problema sa cardiovascular, at hypertension.

[embed-health-tool-bmi]

Mag-Ehersisyo Araw-Araw

Ang araw-araw na pag-ehersisyo ng kahit 30 minuto ay mainam na paraan upang malunasan ang prediabetes. Kahit na simpleng ehersisyo tulad ng jogging, paglalakad ng pataas at pagbaba sa hagdan, pagbibisikleta, o pagbubuhat ng weights ay makatutulong upang mapanatili kang malusog at maiwasan ang diabetes. Ang pag-ehersisyo ay makatutulong din upang magbawas ng timbang, kaya’t magandang ideya na gawin itong parte ng lifestyle.

Kumain Ng Masustansya

Liban sa pag-ehersisyo, mahalaga rin ang pagkain ng masusustansyang pagkain. Iwasan ang pagkain ng fatty, matatamis, maaalat, at processed foods. Sa halip, gawing prayoridad ang pagkain ng sariwang mga prutas at gulay, isda, grain, at masustansyang seeds at mga mani.

Tigilan Ang Paninigarilyo

Ang paninigarilyo, liban sa pagtaas ng banta ng lung cancer, ay maaaring humantong din sa diabetes. Ito ay sa kadahilanan na ang paninigarilyo ay nagpapataas ng body resistance sa insulin, na humahantong sa diabetes.

Manatiling Prayoridad Ang Kalusugan

Sa huli, mahalagang manatiling prayoridad ang kalusugan. Ito ay nangangahulugang pagkakaroon ng taunang check-ups at pag-test ng iyong lebel ng blood sugar. Ito ay makapagbibigay ng kaalaman sa iyong kasalukuyang kalagayan sa kalusugan.

Alamin ang maraming impormasyon tungkol as Diabetes dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Pre-Diabetes: Diagnosis and Management, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/11645-diabetes-prevention, Accessed March 24, 2021

Prediabetes – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/prediabetes/symptoms-causes/syc-20355278, Accessed March 24, 2021

Prediabetes or Borderline Diabetes, https://www.diabetes.co.uk/pre-diabetes.html, Accessed March 24, 2021

The Surprising Truth About Prediabetes | CDC, https://www.cdc.gov/diabetes/library/features/truth-about-prediabetes.html, Accessed March 24, 2021

Diabetes – NHS, https://www.nhs.uk/conditions/diabetes/, Accessed March 24, 2021

http://www.pcdef.org/Documents/Diabetes-United-for-Diabetes-Phil.pdf
Accessed May 24, 2021

Kasalukuyang Version

01/23/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Elfred Landas, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Namamana Ba Ang Diabetes Na Type 2? Heto Ang Facts Tungkol Dito

Epekto Ng Diabetes: Anong Mangyayari Kung Hindi Ito Gamutin?


Narebyung medikal ni

Elfred Landas, MD

General Practitioner · Maxicare Primary Care Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement