Ano ang Prostate Cancer?
Ang prostate cancer ay isang uri ng cancer na nakakaapekto sa prostate. Ito ay isang gland na kasing laki ng walnut sa harap ng rectum sa ibaba lamang ng pantog. Ang prostate gland ang responsable sa paggawa ng seminal fluid na tumutulong sa pagdadala ng mga sperm cell mula sa testes. Ano ang sintomas ng prostate cancer at paano ito nangyayari?
Nangyayari ang prostate cancer kapag ang mga normal cell sa prostate gland ay nagiging abnormal na mga cell at lumaki nang wala sa kontrol.
Ang prostate cancer ay nahahanay bilang pangalawang common type ng cancer sa mga lalaki sa buong mundo. Ito ay kasunod ng lung cancer. Sa Pilipinas, isang pangatlong mga bagong kaso ng cancer noong 2018 ay prostate cancer.
Isa ito sa mga nangungunang uri ng cancer sa mga lalaki sa bansa. At humigit-kumulang isa sa 100 lalaki ang namamatay bago ang edad na 75.
Risk Factors
Bagama’t wala pang malinaw na indikasyon sa direktang sanhi ng prostate cancer, ang edad ay ang pinakakaraniwang dahilan ng panganib.
Mas Karaniwan sa Mga Matatandang Lalaki ang Prostate Cancer
Sa Pilipinas, humigit-kumulang anim sa bawat 10 lalaking na-diagnose na may sakit ay 65 o mas matanda, at bihira ang mga lalaking mas bata sa 40.
Ang mga panganib na kasali sa prostate cancer, ay katulad ng sa iba pang mga uri ng cancer:
- Mga miyembro ng pamilya na may history ng prostate cancer (o ilang uri ng breast cancer)
- Obesity
- Paninigarilyo
- Hindi magandang diet
Anu-ano ang mga sintomas ng prostate cancer?
Mga Palatandaan at Sintomas ng Prostate Cancer
Hindi madaling makita ang mga sintomas ng prostate cancer. Bagama’t kadalasang nakakaapekto ito sa mga matatandang lalaki (karaniwan ay higit sa edad na 50), ang maagang pagtuklas ay may malaking bahagi sa matagumpay na paggamot ng sakit.
Ang mga lalaking may prostate cancer ay maaaring hindi agad magpakita ng mga sintomas sa early stage. Pero habang lumalaki ang kanilang cancer, maaaring makita ang mga sintomas ng prostate cancer sa ibaba:
- Hindi makapagpigil sa ihi, o kawalan ng kakayahang kontrolin ang pag-ihi
- Ang dalas ng pag-ihi, o kailangang umihi nang higit sa karaniwan
- Mas mahinang daloy ng ihi
- May dugo kapag umiihi o nag-e-ejaculate
- Masakit na ejaculation
- Pananakit at/o discomfort sa pelvic/hip area
- Problema sa erection
Habang ang prostate cancer ay may posibilidad na mabagal ang pag-unlad, mayroon pa ring mga panganib na mag-metastisize. Iyon ay: prostate cancer na kumakalat sa iba pang kalapit na bahagi ng katawan, tulad ng pantog o mga buto.
Dahil dito, pinakamahusay na lapitan ang iyong doktor at magpasuri nang maaga. Kung ikaw ay may edad na 50, o kung may alinman sa mga panganib o mga sintomas na nakalista sa itaas.
Screening at Diagnosis
Mayroong ilang mga paraan upang masuri ang prostate cancer. Ginagawa ang screening ng prostate cancer bago ang pagsisimula ng mga sintomas. Ito ay para sa mga indibidwal na may mataas na panganib. Mayroon ding mga bukod na diagnostic test na maaaring gawin para sa mga indibidwal na nagpapakita na ng ilang sintomas ng prostate cancer.
Kapag maagang nahanap sa pamamagitan ng mga pagsusuri, ang prostate cancer ay maaaring matugunan, at ang epekto nito sa kalidad ng buhay ng indibidwal ay maaaring mabawasan.
Prostate Specific Antigen (PSA) Test
Ang isa sa mga naturang pagsusuri ay ang Prostate Specific Antigen (PSA) test. Ito ay isang pagsusuri sa dugo na maaaring magsukat ng isang substance na ginawa ng prostate. Ang mataas na level ng PSA ay maaaring magpahiwatig ng existing condition sa prostate, na maaaring kabilang ang prostate cancer.
Gayunpaman, ang mataas na level ng PSA ay maaari ding sanhi ng:
- Edad
- Iba pang kamakailang mga medikal na pamamaraan
- Ilang iniresetang gamot
- Benign prostatic hyperplasia (BPH), o enlargement ng prostate
- Mga impeksyon sa prostate gland
Dahil dito, karaniwang ginagawa ang screening para sa mga indibidwal na mas may panganib na magkaroon ng prostate cancer.
Karaniwan, ang mga lalaki sa edad na 50 pataas ay inirerekomenda na sumailalim sa screening batay sa kanilang panganib. Pero, kahit na ang mga nasa edad na 45 ay maaaring magpa- screening kung mayroon silang mga kamag-anak na na-diagnose ng prostate cancer sa murang edad.
Digital Rectal Examination (DRE)
Ang PSA test ay maaari ding suportahan ng ilang iba pang mga test, tulad ng isang digital rectal examination (DRE). Sa oras ng test, karaniwang ipinapasok ng physician ang daliri ng may gwantes sa anus ng pasyente upang masuri ang anumang abnormal na pisikal na katangian ng prostate.
Maaari ring gawin ang biopsy at suriin ang tissue ng prostate gland para sa posibleng paglaki ng cancer.
Prostate Cancer Staging
Pagkatapos ng biopsy, at diagnosis ng prostate cancer, karaniwang tutukuyin ng mga doktor ang lawak ng pag-unlad ng cancer sa katawan ng pasyente.
Ito ay tinatawag na staging, kung saan maraming pagsusuri ang gagawin. Upang matukoy kung kumalat na ba o hindi ang cancer sa ibang bahagi ng katawan. Batay sa stage ng prostate cancer, makakapagreseta ang doktor ng mga treatment options na pinakamabisang makakatugon sa cancer.
Paggamot at Pag-iwas
Batay sa mga resulta ng biopsy at sa mga susunod na staging evaluation, ang mga pasyente ay bibigyan ng mga naaayon na treatment plans.
Mga Plano sa Paggamot para sa Prostate Cancer
Ito ay higit na nakasalalay sa kung ang sintomas ng prostate cancer ay kumalat sa ibang mga bahagi ng katawan o hindi, at maaaring kabilang ang:
- Active observation o pagsubaybay sa pasyente sa pamamagitan ng patuloy na PSA level monitoring at regular na nakaiskedyul na mga biopsy sa prostate. Ito ay kung ang cancer ay hindi pa kumalat sa ibang bahagi ng katawan. Kabilang dito ang paggamot sa cancer kung ito ay patuloy na made-develop o magdudulot ng iba pang mga sintomas ng prostate cancer
- Surgery para alisin ang prostate na kilala bilang prostatectomy
- Radiation therapy upang sirain ang cancer cells
- Hormonal therapy upang tuluyang paliitin ang cancer cells sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga hormone na nagpapasigla sa paglaki ng prostate cancer
- Chemotherapy upang direktang sirain ang cancer cells o ihinto ang kanilang paglaki. Ito ay karaniwang inireseta kung ang hormonal therapy ay hindi epektibo.
- Bone-directed therapy magpapagaan ng sakit at maiiwasan ang karagdagang mga komplikasyon kung ang cancer ay kumalat sa mga buto.
Bibigyang pansin din ng treatment plans na ito ang lagay ng pasyente. Kabilang ang edad, inaasahang paggaling at life expectancy, stage ng cancer, pati na rin ang pagkakaroon ng iba pang mga co-morbidities o umiiral na mga kondisyon na maaaring makaapekto sa paggamot at paglala ng cancer.
Ang mga paggamot na ito ay maaaring mag-iba depende sa expertise ng doktor na nilapitan para sa treatment plan. Dahil maaaring iba’t iba ang gagawin dito ng iba’t ibang mga doktor.
Tulad ng anumang kondisyon, pinakamahusay na makipag-usap sa doktor mo at alamin ang mga panganib at epekto ng iyong mga opsyon nang maaga.
Key Takeaways
Ang pag-iwas sa anumang uri ng cancer, kabilang ang prostate cancer, ay tungkol sa pagbabawas ng risk sa pamamagitan ng pamumuhay nang malusog. Karamihan sa mga dahilan ng panganib o cancer ay may kaugnayan sa pamumuhay.
Mga Pagbabago sa Pamumuhay para Maiwasan ang Prostate Cancer
Tandaan ang lifestyle changes sa ibaba, tulad ng:
- Pag-iwas o pagtigil sa paninigarilyo
- Pagpapanatili ng balanced diet na may mga prutas at gulay
- Regular na pag-eehersisyo
- Ang pag-iwas sa labis na pagkain, dahil ang labis na katabaan ay isa pang panganib na kadahilanan na nauugnay sa maraming mga cancer at sakit
- Ang pag-inom ng responsable at hindi madalas
- Pagpapanatili ng magandang iskedyul ng pagtulog
Sa kaalaman sa mga sintomas ng prostate cancer kasama na rin ang paggamot, posible ang isang maaaksyunan na plano para sa pag-iwas.
Dahil sa uri at saklaw ng prostate cancer sa bansa, ipinapayong maging maagap sa pamamahala ng risk factors mo. Makakatulong ito sa iyo na masuri at magamot sa early stage.