Ano ang mahahalagang sintomas ng pancreatic cancer? Kadalasan, ang pancreatic cancer ay hindi natutuklasan hanggang sa ito ay kumalat na lang at mahirap na gamutin. Dahil mayroong higit sa 95% ng mga kaso ng exocrine pancreatic cancer, ating similan ang paglalarawan at pagtatalakay ng mga sintomas na ito bago pa man magpatuloy sa mga hindi gaanong karaniwang uri.
Epekto Ng Lokasyon Sa Sintomas
Karaniwang nagsisimula ang pancreatic cancer bilang tahimik at walang pananakit na uri ng kondisyon. Ngunit, kalaunan, ito ay kumakalat sa labas ng pancreas kapag sapat na ang laki nito upang magdulot ng mga sintomas. Ang lokasyon ng pancreas sa katawan ay nauugnay sa mga sumusunod na sintomas:
Ang mga ito ay sanhi ng mga bahagi ng apdo na namumuo sa dugo bilang resulta ng pancreatic cancer na nakabara sa karaniwang bile duct. Nagdudulot ang jaundice ng paninilaw na balat at mga mata.
Maaaring sintomas ng pancreatic cancer ang dull stomachache na siyang nararamdaman. Ito ay nagmumula sa itaas na tiyan hanggang sa likod. Mahalagang tandaan na ang pagkakaroon ng anuman o lahat ng mga sintomas na ito ay hindi nangangahulugang may pancreatic cancer ang isang tao. Maaaring mawala at bumalik pa rin ang pananakit. Ilan sa mga ito ay ang pananakit ng likod, pagdurugo, pagduduwal, pagsusuka, at mga sintomas mula sa mga pancreatic tumor sa ulo na karaniwang maagang nagpapakita kaysa sa mga nasa katawan at dulong bahagi. Ang ilang mga taong may pancreatic cancer ay posibleng makaranas ng masakit abdominal bloating o isang maagang pakiramdam ng pagkabusog matapos kumain (satiety).
Sintomas Ng Pancreatic Cancer
Ano ang mga senyales at sintomas ng pancreatic cancer na dapat mong malaman at matandaan? Habang kumakalat at umuunlad ang pancreatic cancer, ito ay nagkakaroon ng epekto sa buong katawan. Ang pagbaba ng timbang, pakiramdam na may sakit, at pagbaba ng gana sa pagkain ay ilan sa mga ito.
Ang ilang mga taong may pancreatic cancer ay nagpapatuloy na magkaroon ng diabetes dahil ang malignancy ay nakaaapekto sa kakayahan ng pancreas na gumawa ng insulin, na siyang nagreresulta sa mataas na antas ng asukal sa dugo.
Mga Sintomas Ng Rare Pancreatic Cancer
Ang mga islet cell tumor, na kilala rin bilang neuroendocrine tumor, ay nagmumula sa mga hormone-producing cells sa pancreas. Ito ay bumubuo sa mas mababa sa 5% ng lahat ng pancreatic malignancies. Gayunpaman, ang mga islet cell tumor ay hindi kadalasang malignant. Katulad ng pancreatic adenocarcinomas, ang islet cell tumor ay maaaring magdulot ng pagduduwal, pagsusuka, pagbaba ng timbang, at pananakit ng tiyan.
Ang mga sumusunod ay karagdagang senyales na dala ng mga hormone na inilabas ng islet cell tumor:
- Insulinomas (sobrang insulin), na nagdudulot ng mga sintomas tulad ng panginginig, pagpapawis, pagkabalisa, at low blood sugar fainting
- Glucagonomas (sobrang glucagon), na siya namang sanhi ng mga sintomas tulad ng pagbaba ng timbang, pagkauhaw, at pagtatae
- Gastrinomas (sobrang gastrin), na siyang nagdudulot ng pagbaba ng timbang, bleeding stomach ulcers, reflux, at pananakit ng tiyan
- Somatostatinomas (sobrang somatostatin), na sanhi ng matubig na pagtatae at pananakit ng tiyan
- VIPomas (sobrang vasoactive intestinal peptide), na nakapagdudulot ng pamumula ng mukha
Maaaring Nakatago Ang Mga Sintomas Ng Pancreatic Cancer
Ang pambihira at kalabuan ng mga pangyayaring ito ay nagpapakita kung gaano kahirap na tuklasin ang pancreatic cancer nang maaga. Ngunit ang mga sintomas tulad ng hindi inaasahang pagbaba ng timbang, talamak na pagkawala ng gana sa pagkain, paninilaw ng balat o mata, maitim na kulay ng ihi, o maputlang dumi ay dapat palaging bantayan. Sa kasamaang palad, walang nakikitang pattern ang mananaliksik patungkol sa mga sanhi nito, maging sa paraan ng pagtuklas.
Ano Ang Maaari Mong Gawin Kapag Nakaranas Ka Ng Mga Sintomas?
Magpatingin sa iyong doktor kung nakararanas ka ng anumang hindi maipaliwanag na mga sintomas na humahantong na upang ikaw ay mag-alala. Dahil maraming iba pang kondisyon ang maaaring magdulot ng mga naturang sintomas, maaaring suriin ng iyong doktor ang mga kondisyong ito bilang karagdagan sa pancreatic cancer. Karamihan sa mga pasyente na may pancreatic cancer ay namamatay sa liver failure dahil sa tumor na posibleng tumubo rito.
Key Takeaways
Dahil ang pancreatic cancer ay karaniwang walang sintomas, humigit-kumulang 50% ng mga kaso ay hindi natutuklasan hanggang sa kumalat na lamang ito sa ibang mga organ at iba pang bahagi ng katawan. Upang matiyak na nasa mabuting kamay ang iyong kalusugan, makipag-ugnayan kaagad sa iyong doktor para sa anumang pag-aagam-agam.
Alamin ang iba pa tungkol sa Pancreatic Cancer dito.