backup og meta

Lung Cancer sa Pilipinas: Heto ang Dapat Mong Malaman

Lung Cancer sa Pilipinas: Heto ang Dapat Mong Malaman

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang lung cancer ang pinakakaraniwang uri ng cancer sa buong mundo na may 2.09 milyong kaso na naitala noong 2018.

Lumabas din sa datos ng Department of Health (DOH) na ang lung cancer ay isa sa pinakakaraniwang uri ng cancer sa Pilipinas. Dahil dito, naghanda ang DOH ng komprehensibong plano upang mabawasan ang mga panganib na maaaring magdulot ng lung cancer sa Pilipinas sa pamamagitan ng Philippine Cancer Control Program.

Kung nag-aalala ka tungkol sa iyong kalusugan o sa kalusugan ng isang mahal sa buhay, ang karagdagang pag-aaral at pag-alam tungkol sa lung cancer sa Pilipinas ay maaaring makatulong sa iyong mental at emosyonal na paghahanda para sa mga sitwasyong maaari mong harapin. Ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa kondisyon ay maaari ring magbigay sa iyo ng karagdagang pakiramdam ng seguridad para sa mga hinaharap na desisyon na maaaring kailanganin mong gawin.

Magbasa pa upang higit na matuto tungkol sa mga lung cancer sa Pilipinas. 

Ano Ang Lung Cancer?

Ang lung cancer ay isang kondisyon kung saan ang normal cells sa baga ay nagkakaroon ng hindi makontrol na pagbabago na nagiging mga tumor cells. Ang mga malignant cells ay nagsisimulang sirain ang malusog na tissue ng baga na nakapalibot sa kanila. Kapag nangyari ito, ang baga — at iba pang mga organs na kalauanan ay maapektuhan ng cancer cells — ay nahahadlangan sa maayos na pagtakbo at paggana.

Mga Uri ng Lung Cancer

Mayroong dalawang pangunahing uri ng lung cancer: Small Cell Lung Cancer (SCLC) at Non-Small Cell Lung Cancer (NSCLC). Sa dalawang uri na ito, ang NSCLC kinikilalang mas karaniwan. Tinatayang 80% ng mga kaso ng lung cancer ay maaaring ikategorya bilang NSCLC. Ang ganitong uri ng cancer pangkalahatang kumakalat nang mas mabagal kaysa sa SCLC.

Ang Non-Small Cell Lung Cancer ay maaari ring hatiin sa 3 iba’t ibang uri, katulad ng:

  • Adenocarcinoma – Ang ganitong uri ng NSCLC ay nabubuo sa mga epithelial tissue na nasa linya ng mga baga, kaya naman madalas itong matatagpuan sa mga panlabas na bahagi ng baga.
  • Squamous cell carcinoma – Ang NSCLC na ito ay karaniwang matatagpuan sa gitna ng baga, malapit sa mga pangunahing daanan ng hangin o ang tinatawag na bronchus.
  • Large cell carcinoma – Isang uri ng NSCLC na mas mabilis ang paglaki kaysa sa adenocarcinomas at squamous cell carcinomas; ay matatagpuan kahit saan sa baga.

Samantala, ang Small Cell Lung Cancer (SCLC) ay hindi gaanong karaniwan at halos palaging nauugnay sa mga taong may kasaysayan ng paninigarilyo. Ang SCLC ay bumubuo ng mas mababa sa 20% ng mga kaso ng lung cancer sa Pilipinas.

Maaaring mangailangan ng iba’t ibang klase ng paggamot ang iba’t ibang uri ng cancer. Ang pagtukoy sa uri ng cancer na mayroon ang isang tao ay mahalaga upang siya ring matukoy ang pinakaangkop na mga opsyon sa paggamot. 

Salik ng Panganib Para sa Lung Cancer sa Pilipinas

Karaniwang kaalaman na ang mga taong naninigarilyo at gumagamit ng tabako — lalo na ang mga nagsasagawa ng chainsmoking — ay may mas mataas na panganib na magkaroon ng kanser sa baga. Ang katotohanang ito, gayunpaman, ay hindi sapat upang pigilan ang 30% ng mga Pilipinong nasa hustong gulang sa paninigarilyo noong 2015. Ito ang nag-udyok sa pamahalaan na ipatupad ang Graphic Health Warning law, na layuning magsumikap na mabawasan ang mga potensyal na kaso ng lung cancer sa Pilipinas.

Gayunpaman, maski ang mga taong hindi naninigarilyo ay maaaring magkaroon ng kanser sa baga. Ang mga salik ng panganib ay nauugnay sa pagka-expose sa mga elemento na maaaring magpalaki ng mga pagkakataong magkaroon ng isang partikular na uri ng kanser.

Narito ang mga salik ng panganib para sa lung cancer na kailangan mong bantayan.

Paninigarilyo

Hindi maikakaila na ang paninigarilyo pa rin ang pinakapangunahing sanhi ng lung cancer. Sa katunayan, 90% ng mga kaso ay maaaring maiugnay sa kasaysayan ng paninigarilyo.

Tinataya ng DOH statistics noong 2015 na 3 sa 10 matatanda sa bansa ay naninigarilyo. Ang naturang datos ang siyang nagsisilbi bilang bilang risk factor para sa lung cancer sa Pilipinas. Kahit na ang mga taong hindi naninigarilyo na humihinga ng secondhand o kahit na thirdhand na usok ng sigarilyo sa publiko at sa bahay ay tumaas ang posibilidad na magkaroon ng kanser sa baga.

Radon Exposure

Ang radon ay isang radioactive gas na natural na matatagpuan sa lupa. Ang patuloy at matagal na exposure sa walang amoy na gas na ito ay ang pangalawang nangungunang sanhi ng kanser sa baga. Maaari kang makakuha ng radon gas test kit mula sa iyong lokal na hardware na tindahan upang matukoy kung ang iyong tahanan ay naglalagay sa iyo sa panganib.

Particle Pollution

Ang lung cancer ay isa sa maraming respiratory diseases na maaari nating makuha mula sa maruming hangin. Ang particle pollution ay tumutukoy sa pinaghalong maliliit na solid at likidong particle na maaaring makulong sa iyong mga baga at negatibong makaapekto sa iyong kalusugan.

Hazardous Chemicals

Ang mga taong na-expose sa mga sumusunod na mapanganib na kemikal sa trabaho ay mas mataas din ang panganib na magkaroon ng kanser sa baga: arsenic, asbestos, cadmium, chromium, nickel, uranium, at ilang produktong petrolyo.

Heredity

Katulad ng karamihan ng mga hindi nakahahawang sakit, ang mga genes ay isa ring nauugnay na sanhi ng panganib para sa kanser sa baga. Ang pagkakaroon ng kasaysayan ng kanser sa pamilya ay maaaring magtaas ng iyong pagkakataon na magkaroon din ng sakit.

Mga Sintomas

Dahil ang kung cancer ay karaniwang hindi nagpapakita ng anumang malinaw na sintomas sa mga unang yugto nito, mahalaga na ang mga taong may mas mataas na panganib ay manatiling nakabantay at nakasubaybay sa mga biglaang pagbabago sa kanilang kalusugan.

Ilan sa mga sintomas ng lung cancer ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • Hindi nawawalang ubo
  • Pananakit ng likod, balikat, o dibdib 
  • Pananakit ng buto
  • Pag-ubo ng dugo 
  • Pagkapagod o pagkahina 
  • Sakit ng ulo
  • Kawalan ng gana kumain
  • Pabalik-balik na respiratory infections
  • Pagkahingal o pagkakapos ng hininga
  • Hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang

Kung ikaw ay patuloy-tuloy na nakararanas ng alinman sa mga sintomas na nabanggit, sigurudahing kumunsulta sa iyong doktor. 

Screening at Diagnosis ng Lung Cancer sa Pilipinas

Ang pagsusuri para sa lung cancer sa Pilipinas ay posible sa parehong pribado at pampublikong ospital. Ito ay isang napakahalaga prosesong maaaring makapagligtas ng buhay lalo na para sa mga may mataas na panganib na magkaroon ng sakit. Ang pagtuklas ng kanser sa baga sa mga unang yugto nito, kapag ang pasyente ay madalas na walang sintomas, ay maaaring humantong sa mas madaling paggamot.

Nabanggit ng Philippine Cancer Society ang isang naisagawang pag-aaral sa mahigit 53,000 lalaki at babae na may edad 55 hanggang 74 na may napakataas na panganib para sa kanser sa baga. Inihambing ng pag-aaral na ito ang mga nasuri gamit ang CT scan at ang mga nasuri naman sa pamamagitan ng x-ray. Nagpakita ito ng 20% ​​na pagbaba sa pagkamatay buhat ng kanser sa baga para sa mga sumailalim sa CT scan screening.

Kung ang resulta ng iyong lung cancer screening ay nagpapatunay ng isang malignancy, ang iyong doktor ay magpapatuloy sa pagtukoy sa yugto ng iyong kanser. Katulad ng karamihan sa mga kanser, ang kanser sa baga ay umuunlad sa mga yugto. Ang mga yugtong ito ay natutukoy sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Lokasyon at laki ng tumor 
  • Kung ang lung cancer ay kumalat na sa mga lymph nodes malapit sa baga
  • Kung ang lung cancer ay kumalat na sa iba pang orgas sa loob ng katawan

Sa sandaling natukoy na ng mga doktor ang uri at yugto ng lung cancer, maaari ng matalakay ang mga opsyon ng paggamot. 

Treatment Options Para sa Lung Cancer sa Pilipinas

Maaaring makita na tila hindi malutas-lutas na hadlang sa simula ang pagkakaroon ng diagnosis ng kanser sa baga para sa iyong sarili o para sa isang mahal sa buhay. Kung sa tingin mo ay nabaligtad ang iyong buhay, iyon ay dahil ito ang nangyayari. Sa sandaling matanggap mo ang bagong katotohanang ito, maaari mong simulan ang pagtingin sa mga psobleng opsyon sa paggamot.

Tandaan na ang kanser sa baga ay hindi palaging nakamamatay. Makabuluhan na ang pag-unlad ng paggamot sa lung cancer sa Pilipinas at sa buong mundo sa tulong ng mga advancments ng medical technology at ng mga healthcare professionals na nagsasagawa ng pagsusuri at paggamot.

Ang pinakakaraniwang paraan ng paggamot sa lung cancer sa Pilipinas ay sa pamamagitan ng: chemotherapy, radiation therapy, at operasyon. Ang iyong oncologist ay maaaring magrekomenda ng isa o kombinasyon na paggamot depende sa uri at pag-unlad ng tumor.

Posible ring opsyon ang targeted therapy para sa mga pasyente nilalabanan ang lung cancer sa Pilipinas. Para sa mga pasyenteng sumasailalim sa ganitong uri ng therapy, maaaring magreseta ang mga doktor ng mga gamot na aktibong humaharang sa mahahalagang protina sa mga cancer cells upang maiwasan ang paglaki ng mga ito.

Alamin ang iba pa tungkol sa Cancer dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

World No Tobacco Day 2016: Philippines gears up for full implementation of Graphic Health Warning law, may consider Plain Packaging https://www.who.int/philippines/news/detail/30-05-2016-world-no-tobacco-day-2016-philippines-gears-up-for-full-implementation-of-graphic-health-warning-law-may-consider-plain-packing, Accessed March 27, 2021

Cancer – Key Facts https://www.who.int/en/news-room/fact-sheets/detail/cancer, Accessed March 27, 2021

Philippine Cancer Control Program https://www.doh.gov.ph/philippine-cancer-control-program, Accessed March 27, 2021

What is Lung Cancer? https://www.lung.org/lung-health-diseases/lung-disease-lookup/lung-cancer/learn-about-lung-cancer/what-is-lung-cancer, Accessed March 27, 2021

Lung Cancer Basics https://www.lung.org/lung-health-diseases/lung-disease-lookup/lung-cancer/learn-about-lung-cancer/what-is-lung-cancer/lung-cancer-basics, Accessed March 27, 2021

What Causes Lung Cancer? https://www.lung.org/lung-health-diseases/lung-disease-lookup/lung-cancer/learn-about-lung-cancer/what-is-lung-cancer/what-causes-lung-cancer, Accessed March 27, 2021

On Lung Cancer http://www.philcancer.org.ph/on-lung-cancer, Accessed March 27, 2021

Lung Cancer – Symptoms and Causes https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/lung-cancer/symptoms-causes/syc-20374620, Accessed March 27, 2021

Jameson L. ,Fauci A. ,Kasper D., et al Harrisons Principles of Internal Medicine 20th ed 2018 McGrawHil Education USA, http://lcp.gov.ph/support-groups/early-lung-cancer-support-group, Accessed April 7, 2021

Kasalukuyang Version

09/21/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Anu-ano ang benepisyo sa pagtigil sa paninigarilyo?

Buhay Ng May Lung Cancer: Ano Ang Kanilang Pinagdaraanan?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement