Marami ang pamilyar sa mga sumusunod na uri ng cancer — suso, pancreatic, at colon. Subalit marami pang iba’t ibang uri ng rare na mga cancer. Alamin sa artikulong ito kung ano-ano ang rare na mga cancer.
Uri Ng Rare Na Mga Cancer
Esophageal Cancer
Ang esophageal cancer ay isang rare na kondisyon ng cancer kung saan ang mapaminsalang cancer cells ay nadebelop sa esophageal tissues. Ito ay karaniwang resulta ng paninigarilyo.
Noong 1960 at 1970, halos 5% lamang ng mga pasyente ang gumaling mula sa sakit na ito makalipas ang 5 taon matapos ma-diagnose. Ngayon, tinatayang nasa 20% na ng mga pasyente ang gumagaling makalipas ang 5 taon matapos ma-diagnose.
Ang Barret’s esophagus, gastroesophageal reflux disease (GERD), tuloy-tuloy na acid reflux, at malubhang heartburn ay maaaring makapapataas ng tyansa ng pagkakaroon ng adenocarcinoma ng esophagus.
Kabilang sa mga pinakakaraniwang senyales ng esophageal cancer ay ang mga sumusunod:
- Kahirapang lumunok
- Pananakit ng dibdib
- Pagbaba ng timbang
- Pagkapaos
- Malubhang ubo
- Pagsusuka
- Pananakit ng buto (kung ang cancer ay kumalat na sa buto)
- Pagdurugo ng esophagus, na dumaraan sa digestive tract at maaaring maging sanhi upang maging kulay itim ang dumi
Chronic Myeloid Leukemia (CML)
Ang chronic myeloid leukemia (CML) ay isang uri ng cancer sa bone marrow at dugo. Bagama’t ang CML ay isang malubha at maaaring nakamamatay na kondisyon, ang prognosis nito ay mas mainam na ngayon. Inaasahang halos nasa 70% ng mga kalalakihan at 75% ng mga kababaihan ang gagaling mula sa sakit na ito 5 taon matapos ma-diagnose. Ngayon, ang pinakakaraniwang anyo ng CML ay may 10-taong survival rate na nasa 85%. At maaaring asahan ng mga pasyente ang paghaba ng kanilang buhay na halos katulad ng sa mga malulusog at karaniwang mga tao.
Sa mga unang yugto ng sakit na ito, ang CML ay kadalasang unti-unti nadedebelop at dahan-dahang lumulubha sa loob ng maraming linggo o buwan.
Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga senyales at sintomas ng chronic myeloid leukemia:
- Panghihina
- Pagkapagod
- Kawalan ng tulog
- Pagbaba ng timbang
- Lagnat
- Pananakit ng buto (sanhi ng leukemia cells na kumakalat mula sa marrow cavity papunta sa ibabaw ng buto o sa kasukasuan)
- Paglaki ng spleen (nararamdaman bilang isang pamumuo sa ilalim ng kaliwang bahagi ng ribcage)
- Dahil sa modernong therapies, ang CML ay kadalasang maaaring panatilihing kontrolado sa loob ng ilang taon, at sa ilang mga kaso, maaari itong ganap na malunasan.
Acute Lymphoblastic Leukemia Sa Mga Bata
Ang acute lymphoblastic leukemia ay isang rare na cancer na nakaaapekto sa immature na uri ng white blood cells na tinatawag na lymphocytes. Ang kondisyong ito ay isa sa mga may pinakamataas na antas ng paggaling sa lahat ng cancer na dumarapo sa mga bata. Naaapektuhan nito ang mga bata at mga nakababatang ang edad ay nasa hanggang 21 taon. Halos 90% ng mga bata ang maaaring gumaling, at makalipas ang 10 taon ng remission, ang mga pasyente ay ganap nang magaling. Tinatayang nasa 98% ng mga bata na may ganitong kondisyon ang sumasailalim sa remission matapos magsimula sa gamutan.
Ang acute lymphoblastic leukemia, o kilala ring ALL, ay ang pinakalaganap na uri ng leukemia sa mga bata. Lahat ay maaaring makaapekto sa ibang uri ng lymphocytes na tinatawag na b-cells o t-cells. At ito ay nadedebelop kung ang katawan ay nagpoprodyus ng masyadong maraming white blood cells na tinatawag na lymphocytes.