backup og meta

Kanser sa lalamunan: Lahat ng dapat mong malaman

Kanser sa lalamunan: Lahat ng dapat mong malaman

Ang lalamunan ay ang muscular tube na nag-uugnay sa likod na dulo ng ilong sa leeg. Ang kanser sa lalamunan ay nakakaapekto sa mga organ na nagbibigay-daan sa pagsasalita, paghinga, at paglunok. Dito, kadalasang nagsisimula ang kanser sa mga flat cell lining sa inner surface ng lalamunan. Nagsisimulang mahati nang abnormal ang mga selula sa mga organ na ito sa mabilis na rate.

Ang cancerous o malignant na tumor ay kadalasang nagmumula sa vocal cords. At pagtagal, kumakalat sa ibang bahagi ng lalamunan. Kasama sa iba pang mga bahagi ang larynx, pharynx, bahagi ng lalamunan, dila, tonsil, at trachea. Metastasis ang tawag sa pagkalat ng kanser. Tulad ng iba pang maraming kanser, ang kanser sa lalamunan ay maaaring kumalat mula sa pinanggalingan nito hanggang sa mga nakapaligid na organ. Unti-unti, kumakalat ito sa iba pang bahagi ng katawan tulad ng ibang mga organ, buto, daluyan ng dugo, at balat.

Ang mga Uri ng Kanser sa Lalamunan

oral chlamydia

Ang kanser na nagmumula sa lalamunan, anuman ang eksaktong lokasyon dito, ay kilala bilang kanser sa lalamunan o primary throat cancer. Hindi tinatawag na kanser sa lalamunan ang malignant tumor o kanser na nagmula sa ibang bahagi ng katawan at unti-unting nag-metastasis sa lalamunan. Maaari lamang itong tawaging secondary throat cancer. 

Kung minsan, ang kanser sa lalamunan ay maaaring masuri nang kasabay sa mga kanser sa iba pang bahagi ng katawan tulad ng esophagus, bibig, pantog, o baga. Ang iba ay maaaring magkaroon ng mga kanser na ito sa mga huling stage. Mas mataas ang risk na magkaroon ng kanser sa lalamunan ang mga dating naninigarilyo at umiinom ng alak. Dahil karamihan sa mga lalaki ay kilala na naninigarilyo kumpara sa mga babae. Ang insidente ng kanser na ito ay kadalasang mas mataas sa mga lalaki. 

Kung mas maaga ang diagnosis ng kondisyong medikal, mas mabuti ang mga tyansa para sa bisa ng paggamot. Sa kasamaang palad, ang kondisyong medikal ay kadalasang mahirap masuri sa early stages. Bihira itong ma-detect bago ang stage III o IV. Ito ay dahil sa pagkakahawig nito sa mga sintomas ng iba pang sakit sa lalamunan tulad ng sipon. Gayunpaman, sa kabila ng epektibong paggamot, maaaring maging hamon ang kakayahang magsalita sa hinaharap. 

Nakasalalay sa lawak ng metastasis ng kanser kung gaano kalala ang kondisyon. Ito ang nagsasabi ng stage ng kondisyong medikal. Ang insidente ng kanser na ito ay mas mataas din sa mga indibidwal na edad 55 pataas.

Ang kanser sa lalamunan ay maaaring nahahati sa iba’t ibang uri batay sa bahagi ng lalamunan kung saan ito nagmula.

Mga karaniwang uri ng Kanser sa Lalamunan:

Oropharyngeal cancer

Ang oropharynx ay nasa gitnang bahagi ng lalamunan, sa likod ng bibig na may kasamang tonsil. Binubuo din nito ang base ng dila, side walls ng lalamunan, tonsil, at soft palate, ibig sabihin, isang bahagi ng roof ng bibig. Ang cancer na nagsisimula dito ay tinatawag na oropharyngeal cancer.

Ito ay maaaring magpakita sa mga sintomas tulad ng bukol sa lalamunan, kahirapan sa paglunok, patuloy o lumalalang pananakit ng lalamunan, o pananakit ng tainga. Ang impeksyon sa HPV (human papillomavirus) ay isa sa mga nangungunang panganib sa ganitong uri ng kanser sa lalamunan.

Hypopharyngeal cancer

Ang kanser sa ibabang bahagi ng lalamunan ay kadalasang nagpapakita ng mga sintomas tulad ng matagal o tumitinding hirap sa paglunok. Kasama rin ang pananakit ng tainga, bukol sa lalamunan, pagbaba ng timbang, atbp.

Kanser sa laryngeal

Ito ang cancer ng larynx o voice box o vocal cord. Isa itong maliit na channel sa harap ng ibabang bahagi ng lalamunan o pharynx. Binubuo ng cartilaginous larynx ang mga vocal cord na nagvi-vibrate upang makagawa ng tunog kapag ang hangin ay sumasalubong dito kapag tayo ay nakikipag-usap. Ang karaniwang sintomas nito ay matagal at tumataas ang pamamaos ng boses, maingay na paghinga, pananakit habang lumulunok, atbp.

Glottic kanser

Nagsisimula ito sa epiglottis o sa cartilage na tumatakip sa windpipe.

Supraglottic na kanser

Ang mga cancerous cells ay nagmumula sa itaas na bahagi ng larynx at epiglottis.

Kanser sa tonsil

Ito ay isang kanser ng tonsil, na matatagpuan sa likod ng lalamunan.

Ang kanser sa lalamunan ay ang mabilis na paglaki ng mga abnormal cell ng iba’t ibang bahagi ng lalamunan, na naipon upang maging isang malignant na tumor.

Mga sintomas

Ang kanser sa lalamunan ay kadalasang mahirap masuri sa early stages ng sakit. Ito ay dahil ang mga posibleng sintomas ay halos kapareho sa ibang mga medikal na kondisyon ng lalamunan. Tulad ng karaniwang sipon at namamagang lalamunan. Ang ilang mga sintomas ay tipikal sa isang partikular na uri ng kanser sa lalamunan kaysa sa iba. Mayroong iba’t ibang range ng mga sintomas, na ang lahat ay hindi karaniwang nakikita sa bawat pasyente.

Mga posibleng sintomas ng kanser sa lalamunan:

  • Mahirap at/o masakit kapag lumulunok o dysphagia
  • Nahihirapan sa pagsasalita, pagnguya, o paggalaw ng dila o panga
  • Hirap sa pagbuka ng buong bibig
  • Patuloy at lumalalang kondisyon ng pananakit ng lalamunan
  • Bukol sa lalamunan, na maaaring visible
  • Enlarged glands sa leeg
  • Pamamaga, pananakit, o pangangapal sa leeg o bibig
  • Pamamaga ng mga panga at mata
  • Pananakit sa side walls ng lalamunan o tonsil
  • Pagdurugo sa pamamagitan ng bibig o ilong
  • Matigas na puti o pulang patches sa bibig
  • Matagal na kondisyon ng pananakit ng labi o bibig
  • Masakit na tenga
  • Paos ng boses
  • Pagbabago sa boses, na karaniwan sa laryngeal cancer
  • Wheezing o isang matinding whistling sound habang humihinga 
  • Malalang ubo may dugo o wala
  • Biglang hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang
  • Isang hindi maipaliwanag na pagbabago sa setting ng iyong mga ngipin o pustiso

Mga Sanhi

Dahil sa genetic mutations, ang ilang mga abnormal cell ng lalamunan ay nagiging sanhi ng paglaki ng mga cell na ito. At ito ay sa hindi karaniwang bilis. Ang mga cell ay patuloy na lumalaki higit pa sa inaasahang lifespan ng healthy cells. Nagtitipon ang mga ito para bumuo ng cancerous o malignant tumor sa lalamunan. Wala pang tiyak na katibayan tungkol sa pinagbabatayang sanhi ng mga abnormalidad sa mga cell na ito.

Risk Factors

Ang mga kilalang risk factors ng kondisyong medikal ay:

  • Paninigarilyo at pag nguya ng tabako
  • Labis na pag-inom ng alak
  • Human papillomavirus (HPV), isang sexually transmitted virus, na maaaring ma-transmit sa oras ng oral sex
  • Gastroesophageal reflux disease (GERD)
  • Diet na kulang sa prutas at gulay
  • Ang mga lalaki ay nasa mas mataas na panganib kaysa sa mga babae dahil mas maraming lalaki ang may ugali ng paninigarilyo at/o labis na pag-inom
  • Mga indibidwal na higit sa edad na 55 taon

Diagnosis

Ang diagnostic procedure para sa cancer sa lalamunan ay kombinasyon ng physical examination, pagsisiyasat ng medical history, at mga lab test. Angkop ang mga ito kapag nakakaranas ka ng ilang mga sintomas. May ilang mga pagkakataon na kapag nagsisiyasat ng ibang mga sakit ay maaaring mauwi sa diagnosis ng kanser sa lalamunan.

Physical examination

Batay sa mga sintomas na ipinaliwanag mo, susuriin ka nang husto ng doktor. Kung sakaling mas tumagal ang ilang signs at lumala pa sa paglipas ng panahon, pag-aaralan pa ng doktor ang mga sintomas nang mas masusi.

Maaaring tanungin ka ng doktor mo sa dalas ng mga sintomas na ito. At kung umulit ba o mahaba ang panahon ng pagtitiis mo mula sa mga ito, atbp.

Pagsisiyasat ng personal at family medical history

Malamang na tanungin ka ng doktor mo tungkol sa iyong personal at family medical history. Makakatulong ito sa kanya na suriin kung ang mga kasalukuyang sintomas ay maaaring may pinagbabatayang iba pang mga personal o genetic disorders. Siguraduhing dala mo ang iyong mga medikal na dokumento ng mga reseta ng mga doktor.  At mga medical test para masuri nang mabuti ang mga ito.

Gamot at Medication History

Asahan na magtatanong ang doktor tungkol sa mga gamot na maaaring iniinom sa kasalukuyan o sa nakalipas. Maaring maa-access ng doktor ang history ng mga iniresetang gamot mula sa prescriptions mo. Pero kailangan mong ipaalam sa kanya ang tungkol sa iba pang mga gamot na maaaring iniinom mo ngayon o ininom kamakailan. Kasama sa mga gamot na ito ang non-prescription o OTC (over-the-counter) na mga gamot, herbal, bitamina, at supplement

May ilang mga gamot na maaaring magkaroon ng masamang epekto. At humantong sa pagbuo ng mga sintomas na nararanasan mo ngayon. Ibig sabihin, mahalaga para sa doktor na siyasatin ang mga gamot mo. Ito ay upang pag-aralan kung ang mga ito ay maaaring mag-interact sa mga kasalukuyang sintomas mo. Batay sa kanyang medikal na pagsusuri, magmumungkahi siya ng ilang diagnostic test.

Mga Test

CT scan

Ang computer tomography o CAT scan ay isang imaging test na gumagawa ng mas maraming larawan ng internal organs kaysa sa isang ordinaryong X-ray. Madalas na mas mabisa ito sa pagtuklas ng kanser.

MRI scan

Ang magnetic resonance imaging ay isa ring non-invasive procedure tulad ng CT scan. Ginagawa nito ang paggamit ng mga radio wave at malalakas na magnet para lumikha ng two-dimensional images ng mga organ. Ang mga imaging test na ito ay mahalaga para sa paghahanap ng eksaktong lokasyon ng tumor (kung mayroon man) at makita ang lawak ng metastasis. May kakayahan din itong tukuyin ang stage ng kanser at kung ang tumor ay maaaring alisin sa pamamagitan ng operasyon.

Biopsy

Kung may abnormalidad na nakita sa imaging test, maaaring magrekomenda ang doktor ng biopsy ng lalamunan. Ito ay isang minimally invasive na procedure na kinabibilangan ng pagkuha ng isang maliit na bahagi ng tissue mula sa apektadong lugar. Ito ay para sa karagdagang pagsusuri. Kadalasang epektibo ito sa pagkumpirma ng pagkalat ng kanser.

Treatment

Ang paggamot ay tinutukoy ng iba’t ibang mga kadahilanan tulad ng edad ng pasyente, personal medical history, lawak ng kanser, atbp.

Ang mga opsyon sa paggamot ay:

Radiation therapy: Ito ay epektibo sa pagsira sa mga cancer cell at pagpapakalma ng sakit kapag ang kanser ay nasa early stage.

Surgery: Isa pa itong linya ng paggamot na maaaring imungkahi ng doktor sa early stage ng medical condition. Ang surgical intervention ay maaaring partial o kumpletong pagtanggal ng organ o tissue kung saan nagmula ang kanser. Pinipigilan nito ang kanser sa pag-metastasis sa ibang mga organ.

Ang operasyon, kung ipinapayo sa mga huling stage, ay kinabibilangan ng kumpletong pag-alis ng larynx o pharynx. Nasa ibaba ang mga uri ng operasyon para sa kanser sa lalamunan, na naiiba sa batayan ng pinagmulan ng mga abnormal na cell:

  • Laryngectomy – Ang surgical removal ng larynx, partial o kumpleto, ay tinatawag na laryngectomy. Ito ang pinakakaraniwang uri ng operasyon para sa kanser sa lalamunan.
  • Pharyngectomy – Pag-opera sa pagtanggal ng isang bahagi o buong pharynx 
  • Neck dissection – Maaaring kailanganin ang operasyong ito. Kung ang kanser ay may metastasis sa mga lymph node, na nasa kabila ng larynx at pharynx. Sa operasyong ito, ang mga lymph node na pinaniniwalaang apektado ng kanser ay inaalis sa pamamagitan ng operasyon. Maaaring isagawa ang radiation therapy pagkatapos ng operasyon para sirain ang natitirang cancer cells.

Chemotherapy

Kabilang dito ang pagbibigay ng heavy-dose na mga gamot. Ito ay para sirain ang cancer cells, na ipinapayo sa mga advanced stages. Karaniwang ipinapayo ito kasabay ng radiation therapy at operasyon. Maliban kung ang kanser ay nasa napaka-advance na stage. Ang mga insidente ng lunas para sa kanser sa lalamunan dahil sa HPV ay kadalasang maliit.

Reconstructive surgery

Maaaring mangailangan ng operasyon ang mga pasyente na sumailalim sa pharyngectomy. Ito ay upang muling buuin ang pharynx. Ang pharynx ay ang channel na nag-uugnay sa lalamunan sa digestive tract. Maaaring kailanganin ang isang reconstructive surgery ng pharynx upang makadaan ang pagkain. Ang mga sumusunod ay ang karaniwang inirerekomendang paggamot ayon sa stages:

  • Stage 0: Ang mga kanser sa lalamunan ay hindi naging invasive. Karaniwang maaaring gamutin sa pamamagitan ng pag-alis ng tissue mula sa apektadong lugar dahil hindi pa invasive ang tumor.
  • Stage I o II: Maaaring ipayo ang radiation therapy at/o operasyon.
  • Stage III o IV: Sa stages na ito, maaaring ipayo ang kombinasyon ng radiation therapy, operasyon, at chemotherapy.

Ang mga paggamot na magiging angkop para sa pasyente ay nakasalalay lamang sa ekspertong pagpapasya ng mga medical professional.

Mga Pagbabago sa Pamumuhay

Nasa ibaba ang lifestyle changes na dapat mahigpit na sundin ng mga pasyente upang mabawasan ang panganib ng pag-ulit ng kanser sa lalamunan:

  • Tumigil sa paninigarilyo
  • Kung umiinom ka ng alak, limitahan ang dami nito
  • Gumamit ng condom sa panahon ng oral sex upang maiwasan ang HPV transmission.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Throat cancer (Larynx and Pharynx) https://www.health.harvard.edu/a_to_z/throat-cancer-larynx-and-pharynx-a-to-z Accessed on 19/08/2020

Throat cancer https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/throat-cancer/symptoms-causes/syc-20366462 Accessed on 19/08/2020

Throat cancer https://www.imedpub.com/scholarly/throat-cancer-journals-articles-ppts-list.php Accessed on 19/08/2020

Overview – Laryngeal (larynx) cancer https://www.nhs.uk/conditions/laryngeal-cancer/ Accessed on 19/08/2020

 

Kasalukuyang Version

05/30/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Alamin ang Sintomas ng Nasopharyngeal Cancer

Alamin: Ano ang Sintomas ng Polycythemia Vera?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement