Kung tatanungin mo ang karamihan ng mga tao tungkol sa koneksyon ng Barrett’s esophagus at ang panganib sa kanser, malamang, wala silang ideya kung ano ang iyong pinag-uusapan. Ito ay marahil hindi naman gaanong kilalang kondisyon ang Barrett’s esophagus, kaya marami ang walang alam patungkol sa mga palatandaan at senyales ng pagkakaroon nito o ang posibilidad na magkaroon ng cancer sa lalamunan.
Lingid man sa kaalaman ng nakararami, ang Barrett’s esophagus ay pinaka-karaniwang uri ng chronic gastrointestinal disease. Sa katunayan, karaniwan itong nakikita sa mga taong may gastroesophageal reflux disorder (GERD), at nakaapekto rin ito sa humigit-kumulang 5% ng mga pasyente. Dagdag pa rito, maaari ring tumaas ang panganib ng isang tao na magkaroon ng cancer sa lalamunan. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang malaman ng mga tao ang kondisyong ito.
Ano Ang Barrett’s Esophagus?
Ang Barrett’s esophagus ay tumutukoy sa kondisyon kung saan ang mga cells na nakapila sa esophagus ay dumadaan sa pagbabago. Ang pagbabagong proseso ng mga naturang cells ay kinikilala bilang metaplasia. Nangyayari ito kapag ang lining ng esophagus ay nasira, at ang normal squamous cell lining ng esophagus ay naging columnar type. Ito ay isang variant na karaniwang nakikita sa mga bituka. Ang mga abnormal cells ay lumalaki sa bahagi kung saan ang esophagus ay konektado sa tiyan o sa gastroesophageal junction. Dahil dito, maaaring tumaas ang panganib ng tao para sa cancer sa lalamunan.
Wala ring kilalang sintomas para sa naturang kondisyon. Gayunpaman, maaari mong mapansin ang mga senyales ng mga kondisyong nauugnay dito tulad ng heartburn at acid regurgitation. Sa katunayan, ang tanging paraan upang masuri ito ay sa pamamagitan ng pagsasailalim sa isang endoscopy. Ito ay upang masuri ng doktor kung mayroong anumang abnormal na paglaki sa iyong esophagus.
Sa Barrett’s esophagus, ang heartburn na nangyayari nang hindi bababa sa dalawang beses sa isang linggo ay ang tinuturuing na pinakamalaking red flag. Kasama sa mga sintomas ng heartburn ang burning sensation sa dibdib at pagsusuka sa likod ng lalamunan (acid regurgitation).
Ang iba pang mga sintomas na dapat mong bantayan ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Heartburn or wakes you na lumala o ginigising ka mula sa iyong pagtulog
- Masakit o hirap na paglunok
- Pakiramdam na ang pagkain ay na-stuck sa iyong esophagus
- Patuloy na pagkakaroon ng sore throat
- Pagkakaroon ng maasim na panlasa sa iyong bibig o pagkakaroon ng mabahong hininga
- Hindi inaasahang pagbaba ng timbang
- Dugo sa iyong dumi
- Pagsusuka
Posibleng mapalala ng naturang kondisyon ang iyong mga sintomas ng GERD, tulad ng hirap sa paglunok ng pagkain at maaring maging sanhi ng pananakit ng dibdib. Ngunit sa pangkalahatan, ang mga taong may Barrett’s esophagus ay hindi dumaranas ng mga sintomas na dulot ng kanilang kondisyon.
Ano Ang Mga Sanhi?
Naniniwala ang mga doktor na ang pangunahing sanhi ng Barrett’s esophagus ay buhat ng GERD na nagdudulot ng chronic inflammation. Sa paglipas ng panahon, ang mga acid sa tiyan ay nagsisimulang sirain ang lining ng esophagus.
Sa halip na ang mga normal cells ang siyang lining ng esophagus, ang lumalaki ay mga cells na mas katulad ng small intestine. Bagaman ang mga columnar cells ay mas lumalaban sa acidic material na nire-regurgitate sa esophagus, mas malaki ang posibilidad magdulot ito ng cancer sa lalamunan.
Karamihan sa mga taong may Barrett’s esophagus ay mayroon ding GERD, ngunit hindi ito lagi ang kaso. Kaya kung mayroon kang chronic GERD, o madalas na dumaranas ng heartburn, maaaring magandang ideya na magpasuri na sa iyong doktor.
Para sa ilang kadahilanan, ito ay mas karaniwan sa mga lalaki.
Ano Ang Koneksyon Sa Pagitan Ng Barrett’s Esophagus At Panganib Ng Cancer Sa Lalamunan?
Dahil sa patuloy na pinsalang dulot ng reflux, ang mga columnar cell ay maaaring magbagong anyo sa mga malignant cells sa pamamagitan ng prosesong tinatawag na dysplasia, dahilan kung bakit maaaring magkaroon ng cancer sa lalamunan. Gayunpaman, medyo mababa ang posibilidad ng mga ganitong pagkakataon. At karamihan naman sa mga taong may Barrett’s esophagus ay hindi humahantong bilang cancer.
Sa kabila nito, pinakamainam pa rin ang magpatingin sa iyong doktor, at gumawa ng mga hakbang sa pag-iwas upang mapababa ang panganib na magkaroon ng cancer sa lalamunan.
Sino Ang Nasa Panganib Para Sa Kondisyong Ito?
Kadalasang mas madaling kapitan at magkaroon ng Barrett’s esophagus ang mga matatanda. Ang average na edad ng mga taong may Barrett’s esophagus ay 55, at ito ay napakabihirang sa mga kabataan.
Ang kalubhaan ng mga sintomas ng GERD ay tila hindi nagpapataas ng panganib na magkaroon ng kondisyong ito. Ngunit ang paulit-ulit na pag-atake ng GERD ay maaaring isang salik ng panganib. Ang mga taong matagal ng mayroong GERD ay mas madaling kapitan ng kondisyong ito. Kabilang dito ang mga taong na-diagnose na may GERD sa mas batang edad.
Ano Ang Maaari Mong Gawin Upang Maiwasan Ito?
Ang pamamahala ng Barrett’s esophagus ay nagsisimula sa pagkontrol ng GERD.
Narito ang ilang bagay na maaari mong gawin upang mapababa ang iyong panganib ng GERD at Barrett’s esophagus:
- Subukang iwasan ang mga nakaka-trigger na pagkain. Ang mga maanghang at maaasim na pagkain, bawang, at hilaw na sibuyas ay pawang nakaka-trigger ng GERD. Maaaring makatulong ang pag-iwas sa mga ito upang mabawasan ang pamamaga sa iyong esophagus.
- Kumain ng mas madalas ngunit mas maliliit na serving upang maiwasan ang reflux.
- Ugaliing ang pagsunod sa masustansiyang diyeta na nagtataglay ng mga prutas at gulay.
- Bukod pa rito, ang pagpapanatili ng malusog na timbang ay nakatutulong na maiwasan ang pagkakaroon muli ng mga sintomas ng acid reflux at GERD.
Para sa mas malulubhang mga kaso, maaaring magsagawa ng operasyon ang mga doktor. Karaniwang pinuputol ng mga doktor ang mga abnormal cells, at ikinokonekta ang esophagus sa tiyan. Nakatutulong ito na matiyak na wala nang mga abnormal cells sa esophagus.
Pagkatapos ng operasyon, ang pasyente ay patuloy na isasailalim sa paggamot upang pamahalaan ang mga sintomas ng GERD. Ito ay nakatutulong na maiwasan ang esophageal irritation at ang pag-ulit ng Barrett’s esophagus.
Sa ilang mga kaso kung saan lumiit ang esophagus, maaaring kailanganin ang pagluwang upang ayusin ito. Kabilang dito ang paggamit ng isang tool upang palawakin ang makitid na bahagi ng esophagus.
Key Takeaways
Pagdating sa Barrett’s esophagus, ang mahalagang bagay na dapat tandaan ay ang pagpapasuri nito sa iyong doktor. Maaaring mababa ang panganib na magkaroon ito ng cancer sa lalamunan. Ngunit tinatayang 5% hanggang 10% ng mga taong may GERD ang nagkakaroon ng Barrett’s esophagus.
Ang pagkontrol sa mga sintomas ng GERD ay sentro sa pamamahala ng Barrett’s esophagus. Ito ay dahil maaari nitong mapababa rin ang panganib ng malignant transformation. Ang maagang pagsasagawa ng mga hakbang upang maiwasan ang mga kondisyong ito ay makatutulong sa iyong maiwasan ang mas malubhang komplikasyon sa hinaharap.
Alamin ang iba pa tungkol sa Iba pang kanser dito.