Mayroon bang koneksyon sa pagitan ng cancer sa suso at hindi pangkaraniwang discharge sa utong?
Bago natin suriing mabuti ang kanilang posibleng koneksyon, makakatulong munang tukuyin kung ano ang nipple discharge.
Ang nipple discharge ay tumutukoy sa paglabas ng likido mula sa utong na maaaring palabasin o kusang tumagas sa humigit-kumulang 50% hanggang 70% ng mga normal na kababaihan. Ang ganitong uri ng discharge sa utong ay tinatawag na “physiological discharge.”
Karaniwang normal ang discharge kapag ito ay sa mga pasyenteng buntis o nagpapasuso. Pwede din itong maiugnay sa pagbabago sa menstruation at fibrocystic changes sa suso.
Ang normal na discharge sa utong ay milky at may posibilidad na lumabas sa magkabilang suso (bilateral nipple discharge) at maaaring makita nang hanggang 3 taon pagkatapos ng pagtigil ng pagpapasuso.
Ano ang Normal na Nipple Discharge?
Karaniwang dilaw, o milky ang hitsura ng normal na discharge. Ang discharge sa utong ay nangyayari lamang kapag pinalalabas, at walang partikular na medical concern kapag lumilitaw ito nang kusa.
Ang discharge na nauugnay sa pagbubuntis o pagpapasuso ay karaniwang gatas at nangyayari nang kusa.
Cancer sa Suso at Nipple Discharge: Ano ang Tunay na Koneksyon?
Ang mga pasyente na hindi buntis o nagpapasuso pero nakakaranas ng nipple discharge ay dapat magpacheck-up sa kanilang obstetrician/gynecologist. Ang mga ganitong discharge sa utong sa mga ganitong pasyente ay kadalasang nagmumula sa isang benign (hindi cancerous) na kondisyon.
Kung ang nipple discharge ay mukhang normal pero nauugnay sa iba pang mga sintomas, inirerekomenda ang karagdagang konsultasyon sa isang obstetrician/gynecologist.
Kabilang sa mga sintomas na ito ang:
- Mga bukol sa suso
- Mga ulser sa suso
- Pagbaliktad ng utong
Mahalagang matukoy ang mga nauugnay na sintomas na ito, dahil ang cancer sa suso at discharge sa utong ay maaaring maiugnay sa ganitong ipinapakita ng mga pasyente.
Ano ang Mga Katangian ng Abnormal na Nipple Discharge?
Ang abnormal na discharge sa utong, gaya ng nabanggit kanina, ay kusang nangyayari sa mga babaeng hindi buntis o nagpapasuso. Ang mga ito ay pupwedeng malinaw, brownish, o may bahid ng dugo, at nakakaapekto lamang sa isang suso (unilateral).
Dapat ding tandaan na sa ilang partikular na mga pasyente, maaaring kailanganin ang dagdag na konsultasyon:
- Mga babae na higit sa 40 taon
- Mga lalaki
Breast Cancer at Nipple Discharge
Ang breast cancer at nipple discharge ay bihirang nauugnay sa isa’t isa. Humigit-kumulang mas mababa sa 5% ng mga kababaihan na may kanser sa suso ang nagpapakita ng discharge sa utong. Karaniwang may iba pang sintomas tulad ng bukol sa suso o baligtad na utong ang mga pasyenteng may nipple discharge.
Ang Paget’s disease ng nipple ay isang uri ng cancer na maaaring magdulot ng discharge na may bahid ng dugo. Ito ay isang kondisyon na nagiging sanhi ng ulceration at erosion ng balat ng utong.
Ano ang mga Kondisyon na Maaaring Magdulot ng Abnormal na Discharge sa Utong?
May ilang mga kondisyon na maaaring maging sanhi ng pagsisimula ng nipple discharge at karamihan sa mga ito ay benign. Kabilang sa mga ito ang:
Duct Papilloma
Ang duct papilloma ay isang paglaki na makikita sa loob ng milk duct ng suso, karaniwang malapit sa utong. May posibilidad silang magdulot ng malinaw o may bahid ng dugo na discharge.
Nipple Eczema
Ang eczema ay tumutukoy sa dermatitis o pamamaga ng balat ng utong na kadalasang bunga ng impeksyon sa suso. Ang kondisyong ito ay may posibilidad na maging sanhi ng weeping at/o crusty discharge sa utong.
Duct Ectasia
Ito ay isang kondisyon na sanhi ng pamamaga at paglaki ng mga wall ng milk ducts na nasa mga suso. Karaniwan itong nakikita sa mga kababaihan pagkatapos ng menopause at lumilitaw na dilaw, berde, o kayumanggi.
Sobrang Prolactin Production
Ang prolactin ay isang hormone na ginawa ng iyong pituitary gland at responsable sa paggawa ng gatas at pagdevelop ng mammary glands.
Ilang Gamot
Maaaring magdulot ng pagtaas ng prolactin ang mga oral contraceptive, mga gamot sa hormone replacement, mga gamot sa pagduduwal, mga antidepressant, at cocaine, at iba pang mga stimulant.
Iba pang mga Kondisyon
Ang mga kondisyong nakakaapekto sa thyroid o pituitary gland ay maaari ding maging sanhi ng labis na dami ng prolactin production.
Mga Dapat Asahan sa Konsultasyon sa Doktor
Kung abnormal ang discharge sa utong at pakiramdam mo na kailangan mong magpa check-up, narito ang mga maaari mong asahan. Sisimulan ng iyong doktor ang pagsusuri sa isang clinical examination na sinusundan ng mga pag-aaral ng imaging ng suso (mammogram, ductogram at/o ultrasound ng suso). Ginagawa ang imaging studies para makita ang anumang abnormal na paglaki sa suso.
Sa kaso na ang mga abnormalidad ay matatagpuan sa mga pagsusuring ito, maaaring kailanganin ang isang biopsy sa suso. Ginagawa ang mga biopsy sa suso para makakuha ng mga sample ng abnormal na mga tissue sa loob ng iyong dibdib na susuriin para sa mga malignant (cancerous) na tissues.
Key Takeaways
Ang mga kondisyong nauugnay sa discharge sa utong ay karaniwang benign at ang konsultasyon ay dapat lamang gawin kung may partikular na discomfort o iba pang nauugnay na sintomas.