backup og meta

Alamin: Mga sintomas ng cancer sa buto

Alamin: Mga sintomas ng cancer sa buto

Ang cancer sa buto ay isang bihirang uri ng cancer. Binubuo lamang ito ng 1% ng lahat ng cancer. Gayunpaman, mahalagang magkaroon ng kamalayan sa mga sintomas ng cancer sa buto para malaman mo kung kailangang bumisita sa isang doktor upang masuri ang sintomas.

Narito ang lahat ng dapat mong malaman tungkol sa cancer sa buto.

Ano ang Cancer sa Buto?

Ang bone cancer ay isang uri ng cancer na nakakaapekto sa mga osteocytes ng isang tao, o mga cells na bumubuo sa mga buto. Ayon sa American Cancer Society, ang pangunahing cancer sa buto ay medyo hindi karaniwan, na nangyayari sa mas mababa sa 1% ng lahat ng mga cancer. Gayunpaman, ang metastasis ng buto, o pagkalat ng cancer mula sa isang site hanggang sa mga buto ay mas karaniwan. 

Mayroon ding tatlong magkakaibang uri ng cancer sa buto:

Osteosarcoma

Karaniwang nangyayari ito sa mga mas nakababata, nasa edad 10 hanggang 19. Karaniwan itong nakikita sa mga binti o itaas na braso, bagaman maaari rin itong nasa sa ibang mga buto. Ito rin ang pinakakaraniwang anyo ng cancer sa buto.

Chondrosarcoma

Ang Chondrosarcoma ay isang uri ng cancer sa buto na nagsisimulang mabuo sa cartilage. Nakakaapekto ito sa mga taong may edad 40 pababa. Ito ang pangalawang pinakakaraniwang anyo ng cancer sa buto.

Ewing’s Sarcoma

Ito ay isang uri ng sarcoma na nakakaapekto sa mga bata at kabataan na may edad 19 pababa. Karaniwan itong nangyayari sa pelvis, braso, at binti. Sa tatlong uri ng cancer sa buto, ang Ewing’s sarcoma ang pinakabihira. Mas bihira pa ito sa mga matatanda kumpara sa mga bata.

Mga Sintomas ng Cancer sa Buto

Ang mga sintomas ng cancer sa buto ay maaaring mag-iba sa bawat tao, ngunit narito ang ilan sa mga karaniwang sintomas:

  • Pananakit na nararamdaman sa mga buto
  • Madaling mabali ang mga buto
  • Pagkapagod
  • Biglang pagbaba ng timbang
  • Pamamaga at lambot sa lugar na apektado ng mga tumor

Kung nakakaranas ka ng alinman sa mga sintomas na ito, pinakamahusay na bisitahin ang isang doktor sa lalong madaling panahon. Sa mga bata, ang mga sintomas na ito ay hindi dapat balewalain dahil ang mga nakababata ay may mas mataas na saklaw ng cancer sa buto kumpara sa iba pang uri ng cancer.

Ano ang Nagiging sanhi ng Cancer sa Buto?

Ang mga doktor ay hindi pa rin sigurado kung ano ang eksaktong sanhi ng cancer sa buto. Ngunit malawak na pinaniniwalaan na may ilang mga kadahilanan ng panganib na maaaring mag-ambag sa panganib ng cancer sa buto ng isang tao. Kabilang sa mga dahilan ng panganib na ito ang sumusunod:

  • Genetics. Ang ilang mga genetic syndrome ay maaaring magpapataas ng panganib ng isang tao na magkaroon ng sintomas ng cancer sa buto. Maaari ding maipasa sa pamamagitan ng mga pamilya ang mga genetic syndrome na ito.
  • Ang isang sakit na kilala bilang Paget’s disease of bone ay nalaman na nagpapataas ng panganib ng bone cancer ng isang tao. Ang sakit na ito ay kadalasang nakakaapekto sa mga matatanda at hindi karaniwan sa mga nakababata.
  • Maaari ding maging risk factor para sa bone cancer ang pagkakalantad sa malalaking dose ng radiation.

Paano Ito Ginagamot?

Bago gamutin ang cancer sa buto, susubukan ng mga doktor na malaman ang lawak ng cancer. Karaniwan itong ginagawa sa pamamagitan ng x-ray, dahil nakikita dito ng mga doktor ang pinsalang ginawa ng cancer sa buto.

Kung naniniwala ang mga doktor na may cancer sa buto ang isang tao, gagawa sila ng biopsy upang makumpirma ito. Kabilang dito ang pagkuha ng sample ng pinaghihinalaang buto, at ipadala ito sa laboratoryo para sa pagsusuri.  Ginagawa na may anesthesia ang mga biopsy sa cancer sa buto.

Ang treatment para sa cancer sa buto ay maaaring kumbinasyon ng surgery, chemotherapy, at radiotherapy. 

Ang operasyon ay ginagamit upang alisin ang cancerous na buto, at, kung maaari, susubukan ng mga doktor na buuin muli ang buto na inalis. Gayunpaman, ang pagputol ay maaari ding kailanganin kung ang cancer ay kumalat nang malaki.

Ang chemotherapy ay isang paraan upang gamutin ang cancer gamit ang mga potent drugs na nagta-target at sumisira sa mga cancerous cells. Gayon din ang ginagawa ng radiotherapy, ngunit sa pamamagitan ng paggamit ng radiation o enerhiya. Parehong may mga side effect ang chemotherapy at radiotherapy, at tatalakayin ito sa iyo ng iyong doktor bago simulan ang anumang procedure.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 Bone Cancer | MedlinePlus, https://medlineplus.gov/bonecancer.html#summary, Accessed October 6, 2021

2 Bone cancer – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/bone-cancer/symptoms-causes/syc-20350217, Accessed October 6, 2021

3 Bone cancer – Diagnosis – NHS, https://www.nhs.uk/conditions/bone-cancer/diagnosis/, Accessed October 6, 2021

4 Bone Cancer (Sarcoma of Bone): Types of Treatment | Cancer.Net, https://www.cancer.net/cancer-types/bone-cancer-sarcoma-bone/types-treatment, Accessed October 6, 2021

Kasalukuyang Version

09/02/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Paano Nakatutulong Ang Ehersisyo Sa Pagpapababa Ng Tyansa Ng Pagkakaroon Ng Cancer?

Ano Ang Kanser At Bakit Maraming Takot Sa Sakit Na Ito?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement