backup og meta

Stroke Sa Kabataan: Mga Sanhi At Paano Maiiwasan

Stroke Sa Kabataan: Mga Sanhi At Paano Maiiwasan

Ang stroke sa kabataan ay karaniwang itinuturing na isang trahedya. Ito ay dahil ang mga kabataan sa kadalasang ay hindi nakararanas mga strokes. Gayunpaman, ito ay isang bagay na maaaring mangyari, kahit na bihira, sa mga kabataan.

Alamin sa artikulong ito ang mga uri ng stroke sa kabataan, mga sanhi ng mga ito, mga senyales, at kung paano ito maiiwasan.

Bakit Nangyayari Ang Stroke Sa Kabataan?

Karaniwang iniuugnay ng mga tao ang mga stroke bilang isang bagay na nangyayari lamang sa mga matatanda o sa mga may dati ng sakit. Dagdag pa, isang katotohanang batid ng lahat na habang tumatanda ang isang tao, ang tyansa ng pagkakaroon ng stroke ay tumataas.

Subalit ang nakagugulat, maging ang mga mas bata ay nagiging biktima ng strokes. Sa katunayan, ayon sa mga pag-aaral, tinatayang 3.7%-10% ng strokes ang nangyayari sa mga taong edad 45 pababa. At bawat taon, ang bilang ay unti-unting tumataas.

Bakit nangyayari ang stroke sa kabataan?

Ilan sa mga mapapanganib na salik na nakapagpapataas ng tyansa ng stroke sa mga matatanda ay maaari ding maging sanhi ng stroke sa kabataan. Kabilang dito ang paninigarilyo, labis na katabaan, hypertension, diabetes, mataas na lebel ng cholesterol, at labis na pag-inom ng alak.

Gayunpaman, hindi ito nangangahulugang ang mga ito lamang ang mga bagay na maaaring maging dahilan ng stroke sa kabataan. Narito ang ilan sa iba pang mga mapapanganib na salik na mas karaniwan sa mga kabataan:

Mga Problema Sa Puso

Ang ilang tao ay maaaring ipanganak na may mga problema sa puso na maaaring maging dahilan ng mga pamumuo ng dugo sa puso, at posibleng makarating ito sa utak.

Ang isa pang problema sa puso, na tinatawag na patent foramen ovale, ay isang kondisyon kung saan ang mga bahagi ng puso ay hindi nagsasara ilang sandali matapos maipanganak. Halos 25% ng populasyon ang ipinanganak na may ganitong kondisyon, at kadalasan ay hindi ito nagiging sanhi ng anumang mga problema.

Gayunpaman, natuklasan ng mga doktor na kaunting bilang ng strokes ay sanhi ng kondisyong ito.

Sakit Sa Dugo

Nangyayari ang strokes dahil sa mga namuong dugo na maaaring humarang sa pagdaloy ng dugo sa utak. Sa usapin ng stroke sa kabataan, ang isang posibleng dahilan ay ang pagkakaroon ng mga tiyak na sakit sa dugo.

Bilang pagtitiyak, ang ilang mga sakit sa dugo ay nagiging sanhi upang ang dugo ng isang tao ay mas madaling mamuo. Nangangahulugan itong mayroon siyang mas mataas na tyansang magkaroon ng pamumuo ng dugo na posibleng makarating sa utak at maging sanhi ng stroke.

Aneurysms

Ang aneurysm ay isang kondisyon kung saan ang walls ng artery ng isang tao ay nagsisimulang humina, at nagiging tila “lobo.” Sa paglipas ng panahon, posibleng pumutok ang aneurysm at maging sanhi ng stroke.

May ilang mga tao na maaaring ipinanganak na may mga problema sa kanilang arteries. Ito ay nagiging sanhi upang sila ay humina at mas madaling magkaroon ng aneurysm. Bilang pagtitiyak, kung mayroon kang family history ng stroke at aneurysms, may posibilidad na ikaw ay may tyansang magkaroon din nito.

Artery Tears

Tulad ng ipinahihiwatig ng pangalan nito, ito ay ang pagkapunit ng arteries ng isang tao. Bilang pagtitiyak, ang pagkapunit ng arteries sa leeg ng isang tao ay posibleng maging sanhi ng stroke sa kabataan.

Madalas Na Migraine

Ang migraine ay higit pa sa salitang “matinding” pagsakit ng ulo. Ito ay isang uri ng kondisyong neurological. Natuklasan ng mga pag-aaral ang pagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng madalas ng migraine at mataas na tyansa ng pagkakaroon ng stroke.

Nangangahulugan ito na ang isang taong madalas makaranas ng migraine ay maaaring may tyansang magkaroon ng stroke. At habang sila ay tumatanda, lalong tumataas ang tyansa ng pagkakaroon nito. Gayunpaman, posibleng makaranas sila ng stroke habang sila ay bata pa.

Drug Abuse

At huli, ang paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot ay maaaring magkaroon ng maraming epekto sa katawan. Isa sa mga ito ay ang pagtaas ng tyansa ng pagkakaroon ng stroke.

Ang mga nakababata ay karaniwang mas maging mapusok sa paggamit ng mga illegal na droga. Maaaring ito ay isang posibleng dahilan ng stroke sa kabataan.

Paano Ito Maiiwasan?

Sa totoo lamang, ang stroke sa kabataan ay hindi palaging maiiwasan, lalo na kung ito ay dahil sa isang hindi matukoy na problema sa kalusugan.

Gayunpaman, maraming bagay ang maaaring gawin ng isang tao upang mapababa ang tyansa ng pagkakaroon nito. Narito ang ilang mga paraan:

  • Mag-ehersisyo araw-araw nang hindi bababa sa 30 minuto bawat araw. Nakatutulong ito na mapanatiling malusog ang katawan at mapababa ang tyansa ng pagkakaroon ng stroke.
  • Kumain ng mga masusustansyang pagkain, partikular na ang mga prutas at gulay. Ang pagkakaroon ng isang malusog na diet ay nakapagpapababa ng iyong tyansa ng pagkakaroon ng mga sakit na cardiovascular, at iba pang mga sakit na maaaring humantong sa stroke.
  • Magkaroon ng regular na checkups. Ito ay makatutulong upang mabantayan ang kalusugan. Gayundin upang maiwasan ang anomang mga problema bago pa man lumubha ang mga ito.
  • Kung may family history ng stroke, siguraduhing magpa-screen. Makatutulong ito upang maiwasan ang anumang posibleng mga problema sa kalusugan. At makatutulong din ito na mapababa ang tyansa ng pagkakaroon ng stroke.

Matuto pa tungkol sa Stroke at Aneurysms dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Stroke Before Age 45 | Sutter Health, https://www.sutterhealth.org/health/heart/stroke-before-age-forty-five, Accessed April 20, 2021

Strokes in young adults: epidemiology and prevention, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4348138/, Accessed April 20, 2021

Recognition and management of stroke in young adults and adolescents, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3795593/, Accessed April 20, 2021

Stroke In Young People FAQs | Stanford Health Care, https://stanfordhealthcare.org/medical-conditions/brain-and-nerves/stroke/stroke-in-young-people.html, Accessed April 20, 2021

Stroke in Young Adults, https://www.ahajournals.org/doi/pdf/10.1161/01.STR.21.3.382, Accessed April 20, 2021

Kasalukuyang Version

02/06/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Mga Sanhi Ng Stroke Sa Mga Kababaihan

Paano Maka-recover sa Stroke: Mga Paraan at Bisa


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement