Mga Uri ng Stroke
Ang simpleng kahulugan kung ano ang stroke ay pinsala sa utak na nangyayari kapag ang daloy ng dugo sa utak ay naputol, o nabawasan. Tinatawag din itong “atake sa utak.” Pinipigilan nito ang mga sustansya na mapunta sa utak, at nagiging sanhi ng mabilis na pagkamatay ng brain cells. Ang isang stroke ay maaaring mabilis na magdulot ng kamatayan kung hindi agad mabibigyan ng tulong medikal.
May dalawang pangunahing uri ng stroke, ischemic at hemorrhagic. Ang isang ischemic stroke ay nangyayari kapag alinman sa isang namuong dugo o pagbara mula sa buildup ng plaque sa arteries ay humahadlang sa pagdaloy ng dugo sa utak. Kapag naging makitid ang daluyan ng dugo sa utak, nalalantad ito sa isang pagbara na maaaring magdulot ng ischemic stroke.
Sa kabilang banda, ang hemorrhagic stroke, tulad ng pangalan nito, ay nagreresulta mula sa hemorrhage, o pagdurugo sa utak. Ang pagdurugo na ito ay nangyayari kapag ang isang daluyan ng dugo sa utak ay pumutok resulta ng mataas na presyon ng dugo, humina na walls ng blood vessels, o dahil sa isang aneurysm o isang arterya na lumaki o “lumobo”.
Kapag nagkaroon ng hemorrhagic stroke, direktang nangyayari ang pagdurugo sa utak, na nagiging sanhi ng pagtaas ng presyon. Ang pressure na ito ay maaaring pumatay sa brain cells at maging sanhi ng kamatayan kung hindi magamot agad.
Parehong delikado ang uri ng stroke na ito at nangangailangan ng agarang medikal na atensyon.
Pangkaraniwan ba ang stroke?
Sa buong mundo, humigit-kumulang 13.7 milyong stroke ang nangyayari bawat taon. At halos isa sa bawat apat na tao na higit sa 25 ay makakaranas ng stroke sa kanilang buhay. Bukod pa rito, 60% sa mga kaso ng kung ano ang stroke bawat taon ay mula sa mga taong may edad na 69 pababa.
Kung ikukumpara sa isang hemorrhagic stroke, ang isang ischemic stroke ay mas karaniwan, na may halos 87% ng karamihan sa mga stroke.
Ang stroke ay nananatiling pangunahing sanhi ng kamatayan. At isa sa mga paraan na mapababa ang panganib ng stroke ay ang pamilyar sa mga sintomas, sanhi, at risk factors para sa stroke.
Mga Palatandaan at Sintomas
Ang mga senyales at sintomas ng stroke ay kadalasang nangyayari ng biglaan. At pagkatapos ay maaaring pansamantalang bumuti o dahan dahang lumala. Ito ay depende sa uri ng stroke at bahagi ng utak na apektado. Ang pag-alam sa mga palatandaan at sintomas kung ano ang stroke ay maaaring makapagligtas ng buhay.
- Biglang panghihina o droopiness ng mukha
- Panghihina
- Panlalabo o pagkawala ng paningin
- Hirap sa pagsasalita, malabo na pagsasalita o pagkawala ng pagsasalita
- Pagkalito
- Pagkahilo
- Sakit ng ulo, minsan may pananakit ng leeg at pagsusuka
Maaari ding may mga hindi karaniwang mga sintomas.
- Hallucinations at delusyon
- Biglang pagbabago sa lasa at amoy
- Locked-in syndrome, o complete paralysis ng katawan maliban sa eye muscles
Kailan dapat magpatingin sa doktor?
Ang stroke ay isang medical emergency. Kung sa tingin mo na ikaw o ang isang tao ay maaaring na-stroke, tumawag agad ng ambulansya. Ang ilang minuto ng pagkawala ng dugo sa utak ay maaaring magresulta sa permanente at matinding pinsala sa utak. Kailangan na mabigyan agad ng paggamot. Mahalagang malaman kung ano ang stroke na ito.
Pinakamahalaga sa stroke ay ang mabilis na pagsisimula ng treatment. Ito ay nagreresulta sa mas mataas ng tyansang mabuhay. Kaya pinakamabuti na huwag ipagwalang bahala ang alinman sa mga palatandaan at sintomas ng stroke.
Mga Sanhi at Risk Factors
Sanhi ng magkaibang mga bagay ang dalawang uri ng stroke. Ano ang stroke na mga ito? Ang mga ischemic stroke ay nagreresulta mula sa pagbara sa mga arterya ng utak na sanhi ng plaque buildup o blood clots.
Ang atherosclerosis ay isang kondisyon na nagiging sanhi ng pagdami ng plaque sa blood vessels. Sa paglipas ng panahon, ang plaque na ito ay maaaring magdulot ng mga pamumuo ng dugo na maaaring humadlang o ganap na humarang sa daloy ng dugo. Ang isang ischemic stroke ay maaaring sanhi ng isang buildup ng plaque sa isa sa mga artery ng utak. O sa pamamagitan ng isang namuong dugo na naputol mula sa isa pang daluyan ng dugo at napunta patungo sa utak.
Ang mga hemorrhagic stroke naman, ay resulta ng pagkakaroon ng high blood pressure. Ang pagkakaroon ng mataas na presyon ng dugo ay maaaring magpahina sa mga daluyan ng dugo sa utak, at maging sanhi ng aneurysm. Sa paglipas ng panahon, ang patuloy na presyon ng dugo sa mga mahihinang daluyan ng dugo. Ito ay pwedeng maging sanhi ng pagkawasak nito, na nagreresulta sa hemorrhagic stroke.
Risk Factors
Ano ang nagpapataas ng panganib ko sa stroke?
Maraming dahilan ng panganib para sa stroke, kabilang ang:
- Pagkakaroon ng hypertension o mataas na presyon ng dugo
- Pagiging obese o sobra sa timbang
- Diabetes
- Sakit sa puso
- Mataas na level ng kolesterol sa dugo
- Pagkakaroon ng sedentary lifestyle o pagiging hindi aktibo
- Pag-inom ng labis na alak
- Paninigarilyo at paggamit ng ipinagbabawal na gamot
- Family history ng stroke
- Ang mga taong may edad na 40 o mas matanda ay may mas mataas na panganib na magkaroon ng stroke
Diagnosis at Paggamot
Paano sinusuri ang stroke?
Kapag ang isang taong pinaghihinalaan ng stroke ay dinala sa ospital, kailangang mabilis ang diagnosis. Ang mga doktor ay kailangang kumilos nang mabilis upang malaman kung ang tao ay talagang nagkakaroon ng stroke, o kung ang kanilang mga sintomas ay maaaring sanhi ng iba, tulad ng isang tumor sa utak.
Narito ang ilan sa mga paraan kung paano sinusuri ang stroke:
- Gagawin ang isang physical exam para makita kung paano nakakaapekto ang stroke sa nervous system.
- Maari ding gawin ang CT scan para mas makita ng mabuti ang utak at malaman kung may stroke.
- Maaaring mag-request ang mga doktor ng pagsusuri sa imaging ng mga daluyan ng dugo sa leeg at ulo (tinatawag na angiography) na nagbibigay ng dugo sa utak.
- Ang isang MRI scan ay maaari ding gamitin para mas mahusay na makita ang utak kung aling mga bahagi nito ang maaaring maapektuhan
- Ang isang procedure na tinatawag na carotid ultrasound ay maaaring gawin. Ito ay upang suriin ang mga daluyan ng dugo sa leeg para sa anumang pagbara na maaaring maging sanhi ng stroke.
- Ang isang echocardiogram ay isang pamamaraan na gumagamit ng mga sound wave upang masusing tingnan ang puso ng isang tao. Ito ay maaaring magpakita ng katibayan na ang isang namuong dugo mula sa puso ay maaaring naputol at napunta sa utak, na nagdulot ng stroke.
- Ginagawa ang electrocardiogram (ECG) sa karamihan ng mga tao na inaakalang nagkakaroon ng stroke. Tutulungan ng ECG ang clinician na masuri at magamot ang anumang mga problema sa puso sa lalong madaling panahon.
- Isinasagawa rin ang mga blood tests para suriin ang blood sugar levels, gayundin kung gaano kabilis ang pamumuo ng dugo.
Kung ang isa sa mga uri ng stroke ay natukoy na sanhi ng mga sintomas, ang mga doktor ay maaaring agad na simulan ang paggamot.
Paano ginagamot ang stroke?
Para sa ischemic strokes
Kung natukoy ng mga doktor na ang stroke ay ischemic, ang kanilang priyoridad ay ang ibalik ang daloy ng dugo sa utak. Ang karaniwang ginagawa ng mga doktor ay nagbibigay ng mga gamot na tinatawag na thrombolytics. Tumutulong ang mga ito sa pagbuwag ng blood clots. Alinman sa intravenously, o sa pamamagitan ng direktang pag-iniksyon nito sa utak, na kilala bilang thrombolysis.
Sa ilang mga kaso, maaaring direktang hanapin ng mga doktor ang apektadong daluyan ng dugo at alisin ang namuong dugo sa procedure na kilala bilang thrombectomy. Ito ay gumagamit ng device na tinatawag na stent retriever. Ang procedure na ito ay karaniwang ginagawa para sa mga taong may malalaking pamumuo ng dugo na hindi maaaring mabuwag ng mga gamot.
Ang mga doktor ay maaari ring magsagawa ng ilang mga procedure tulad ng paglalagay ng mga stent sa makitid na mga artery. O pag-alis ng plaque mula sa iba pang mga artery para mabawasan ang risk ng isa pang stroke.
Para sa hemorrhagic strokes
Ang paggamot para sa hemorrhagic stroke naman, ay iba sa ischemic stroke. Ano ang stroke na ito? Dahil ang isang hemorrhagic stroke ay nagdudulot ng pagdurugo sa utak. Ang pangunahing prayoridad ay ang bawasan ang pagdurugo at bawasan ang pressure sa loob ng utak.
Ang mga gamot para mabawasan ang blood pressure sa utak ay pwedeng ibigay ng mga doktor kung ang pasyente ay dumaranas ng hemorrhagic stroke. Kung ang pasyente ay umiinom ng anumang pampalabnaw ng dugo, ang mga gamot na humahadlang sa epekto ng mga pampalabnaw ng dugo ay maaari ding ibigay.
Kung hindi mapigilan ng mga gamot ang pagdurugo, kailangang gawin ang operasyon. Ito ay para maubos ang dugo at mawala ang pressure sa utak. Sa ilang mga kaso, maaari ring alisin ng mga surgeon ang mga aneurysm at maiwasan ang pagkakaroon ng stroke sa hinaharap.
Pagkatapos ng paggamot, masusing imo-monitor ang kalusugan ng pasyente. Ito ay para makita kung matagumpay ang procedure. Ang mga pasyenteng na-stroke ay binibigyan din ng isang rehabilitation program at makatulong na maka-recover mula sa pinsalang dulot ng stroke.
Ang mga taong na-stroke sa kaliwang bahagi ng kanilang utak ay karaniwang may problema sa paggalaw at pakiramdam sa kanang bahagi ng kanilang katawan. Kung ang stroke ay nangyari sa kanang bahagi ng utak, ang kaliwang bahagi ng kanilang katawan ay mahihirapan sa paggalaw at pakiramdam.
Ang rehabilitasyon ay tumutulong sa mga pasyente na maibalik ang paggalaw at pakiramdam sa kanilang katawan. Ang uri ng rehabilitation program ay nakasalalay din sa kung gaano kalubha ang stroke, ang pangkalahatang kalusugan ng pasyente at ang edad.
Mga Pagbabago sa Lifestyle at Home Remedy
Ano ang ilang pagbabago sa pamumuhay o mga home remedy na makakatulong sa akin na i-manage at maiwasan ang stroke?
Sa pagma-manage at pag-iwas sa kung ano ang stroke, may mga lifestyle changes at home remedy na pwedeng gawin.
Narito ang ilan sa mga ito:
- Mag-ehersisyo ng hindi bababa sa 30 minuto araw-araw, o 150 minuto ng ehersisyo linggo-linggo. Nakakatulong ito na panatilihing malakas at aktibo ang iyong katawan. At pinapababa ang panganib ng cardiovascular disease.
- Magkaroon ng diet na mayaman sa prutas at gulay. Gayundin ang kaunting red meat, sodium, asukal, at mga pagkaing na proseso. Nakakatulong ito na mapababa ang blood pressure mo, gayundin ang risk ng stroke.
- Kung overweight o obese, gumawa ng paraan na mapababa ang timbang sa manageable level. Ang pagiging overweight o obese ay lubhang nagpapataas ng panganib ng isang tao sa sakit sa puso, atherosclerosis, hypertension, diabetes, at stroke.
- Tumigil sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay nagdaragdag ng risk sa sakit sa puso, high blood pressure, at stroke. Kung mas maaga kang huminto sa paninigarilyo, mas magiging maayos ang iyong katawan.
Kumunsulta sa iyong doktor para sa anumang mga katanungan at kung ano ang stroke. Ito ay para mas maunawaan ang pinakamahusay na solusyon para sa iyo.