Madalas mo bang problema ang sinus headache? Pwede itong magdulot ng malaking abala, bukod pa sa maaari itong maging napakasakit. Sa artikulong ito, titingnan ang mga sintomas at gamot sa sinus headache, upang magawa mo ang mga tamang hakbang na harapin ang kondisyong ito.
Ano ang Sinus Headache?
Ang sinuses ay mga puwang na puno ng hangin sa likod ng noo, cheekbones, at ilong. Maaaring mamaga ang mga puwang na ito dahil sa impeksyon o sa allergic reactions. Kapag nangyari ito, tataas ang dami ng mucus na nililikha at nagsisimulang mamaga ang tissues. Maaari pang lumala ang mga bagay kapag nagbara ang mga channel na nag-aalis ng dagdag na mucus.
Ang pamamaga at pressure dahil sa builup ng na-trap na mucus ay magsisimulang magdulot ng pananakit. Ang sakit ay katulad ng sakit ng ulo at maaaring maging lubhang hindi komportable.
Ano ang mga Sintomas at Gamot sa Sinus Headache?
Pinakakaraniwang sintomas ng sinus headache ang tuloy-tuloy na pananakit na maaaring maramdaman sa mga partikular na lugar. Ang mga spot na ito sa ulo ay kinabibilangan ng:
- Noo
- Cheekbones
- Bridge ng ilong
- Sa pagitan ng mga kilay (glabella)
Tulad ng napansin mo, sa likod ng mga spot na iyon ay ang mga sinus. Kapag ginalaw mo ang iyong ulo o gumawa ng isang bagay na mabigat, maaaring lumala ang sakit. Ang iba pang mga sintomas ng kondisyong ito ay kinabibilangan ng:
- Matubig na sipon (runny nose)
- Buo o baradong sensation sa mga tenga
- Berde o madilaw na discharge mula sa ilong
- Pamamaga sa mukha
- Pamamaga sa paligid ng mga mata, o dark discoloration ng lugar sa ilalim ng mata
- Lagnat
- Ang sakit ay nagiging mas matindi kapag tumutungo
Maaari ka ring magkaroon ng pangkalahatang pakiramdam ng pagkapagod o dull pain sa itaas na panga at sa malapit sa mga pisngi. Posible rin na mapansin mo ang pamumula sa iyong pisngi at ilong.
Sinus Headaches at Migraines
Ang iba pang mga uri ng paulit-ulit na pananakit ng ulo tulad ng migraine ay madalas mapagkamalang sinus headache at vice versa. Ang mga sanhi ng sobrang sakit ng ulo at ang iba pang mga uri ng pananakit ng ulo ay magkaiba at ang ibig sabihin nito ay iba rin ang paggamot para sa kanila.
Napakahalaga na maunawaan mo ang aktwal na sanhi ng pananakit ng ulo kapag naghahanap ng paggamot. Halimbawa, kung ang sakit ng ulo ay sanhi ng pagbara dahil sa impeksyon sa sinus, ang impeksyon ay kailangang magamot muna.
Sa kasamaang palad, karaniwan nang mapagkamalan ang mga sanhi ng pananakit ng ulo sa ibang bagay. Sa katunayan, 50% ng lahat ng migraine misdiagnosis ay nagsisimula bilang sinus headache diagnosis. Ang mas malala pa ay 90% ng mga tao na pumunta sa mga doktor na naghahanap ng treatment para sa sinus headaches ay may migraines.
Mga Paggamot at Pampaginhawa para sa Sinus Headache
Karaniwang inirerekomenda ng mga doktor na hayaan ang sinus infection. Para sa mga adult, ito ang pinakamahusay na paraan para sa kondisyong ito. Maaaring masakit at hindi komportable, ngunit ito ang inirerekomenda ng mga doktor. Iba-iba ang mga bagay kapag nakakaranas ka ng lagnat, sobrang sakit, o kung ang impeksyon ay tumatagal ng higit sa isang linggo.
Ang mabuting balita ay mayroong ilang home remedies na pwedeng subukan. Ang pangunahing layunin ng home remedies ay bawasan ang congestion sa loob ng sinuses.
Ang paggamit ng humidifier ang pinakasimpleng paraan na pwedeng gawin sa kwarto mo. Maaaring makatulong ito upang mabawasan nang kaunti ang congestion o pagbara.
Saline solution
Ang isa pang napatunayang paraan ng pagbibigay ng lunas ay ang saline solution o pag- irrigate ng sinuses mo ng solution.
Paglanghap ng steam
Ang steam inhalation ay maaaring makatulong kung minsan. Ito ay upang buksan ang mga baradong puwang. Pwede ka ring maglagay ng mainit na basang tuwalya sa mga bahagi ng sinus upang maibsan ang ilan sa mga sintomas.
Paluwagin ang pressure spots
Pwede mo ring subukang tulungan na ma-drain ang mga sinus mo sa pamamagitan ng pag-diin sa mga spots. Magsimula ka sa bridge ng ilong dahil dito madalas naiipon ang pressure. Maaari mo itong i-tap nang bahagya o maaari mong pisilin tuluy-tuloy sa loob ng 60 segundo. Ang paggawa ng mga hakbang na ito ay maaaring makatulong upang mapaluwag ang uhog na nakulong doon.
Maaaring gawin din ito sa mga bahagi sa ilalim ng mga mata mo. Maaari mong pindutin ito at itulak pataas at papasok sa mga spot at maaari kang makaranas ng parehong uri ng ginhawa tulad ng pagpisil sa bridge ng ilong mo.
Blow your nose
Minsan, ang pagsinga ay makatutulong na maibsan ang pressure na nararamdaman mo. Ang wastong paraan ng paggawa nito ay sa pamamagitan ng pagdiin nang bahagya sa magkabilang gilid ng iyong ilong at pagkatapos ay ikiling ng kaunti ang iyong ulo pasulong at pagkatapos ay suminga.
Gamot sa Sinus Headache
May mga analgesic na gamot na maaari mong bilhin over-the-counter na makakatulong mapaginhawa ang sakit dulot ng baradong sinuses. Makakatulong ang mga ito na mapagaan ang pananakit at iba pang sintomas tulad ng pananakit ng iyong panga at maging lagnat.
Tandaan lamang na hindi ginagamot ng mga analgesic ang sanhi ng sakit na baradong sinuses. Kaya, kung patuloy mong nararamdaman ang mga sintomas, dapat kang humingi ng medikal na tulong. Maaari ka ring gumamit ng mga decongestant na gamot kung hindi gumagana ang mga home remedy.
Key Takeaways
Ang sinus headache ay pwedeng maging tunay na problema lalo na kung madalas itong mangyari. Malaki ang epekto ng mga ito sa iyong buhay. Mahalagang malaman mo ang mga sanhi sa likod ng mga sintomas at gamot sa sinus headache kaya kumunsulta sa iyong doktor para sa tamang pagsusuri.
Matuto pa tungkol sa pananakit ng ulo at Migraines dito.
[embed-health-tool-bmi]