backup og meta

Pananakit ng ulo at mata, dapat bang ipag-alala?

Pananakit ng ulo at mata, dapat bang ipag-alala?

Sa pangkalahatan, ang pananakit ng ulo ay karaniwan at hindi dahilan para maalarma. Ayon sa ilang eksperto, mayroon talagang higit sa 100 uri ng pananakit ng ulo. Ang bawat isa ay may iba’t ibang trigger, katangian, at pinagbabatayan na dahilan. Ang sakit ng ulo at mata ay maaaring parang matinding salpukan, lalo na kapag nakakasagabal ito sa iyong trabaho o iba pang aktibidad. Matuto nang higit pa tungkol sa mga posibleng sanhi ng ganitong uri ng pananakit ng ulo at kung paano ito pangasiwaan. 

Mga dahilan ng sakit ng ulo at mata

Tension headaches

Una, ang tension headache ay isa sa mga pangunahing uri ng pananakit ng ulo na karaniwang nararanasan ng mga tao. Dito, mararamdaman ang pananakit sa buong circumference ng ulo. Madalas ihambing ito ng mga tao sa pagsusuot ng masikip na cap o headband. Ang kalidad ng sakit ay kadalasang mapurol sa halip na matalim o tumusok. Ang pananakit ay sinasabing nangyayari kapag ang mga muscles sa paligid ng ulo at leeg ay umuurong o umiigting.

Maaaring mawala ng kusa ang tension headache ngunit ang pag-iwas sa mga nagti-trigger o nagpapalala ay maaaring mabawasan ang dalas at tagal nito. Ang stress, dehydration, kulang sa tulog ay ilan lamang sa mga dahilan na maaaring magdulot ng tension headache na may pananakit sa mata. Makakatulong ang pahinga at OTC pain-reliever gaya ng ibuprofen at paracetamol. 

Migraine

Matinding pananakit ng ulo ang madalas na paglalarawan sa mga migraine, ngunit ang mga ito ay nasa sarili nilang kategorya. Ang pananakit ng ulo dulot ng migraine ay maaaring ituring na isang neurological disorder. Ang pinagkaiba ng migraine sa iba pang uri ng pananakit ng ulo ay ang iba’t ibang yugto na nagaganap. Maraming mga tao na nakakaranas ng migraine ay nakakakuha ng aura bago ang simula, na isang kumbinasyon ng visual at physical sensations.

Habang lumalala ang migraine, maaaring maramdaman ang sakit ng ulo at mata. Dagdag pa rito, maaari ka ring maging mas sensitibo sa liwanag at tunog. Sa kasamaang palad, walang lunas sa migraines. Gayunpaman,ang mga sintomas ay pwedeng gamutin ng mga pain-reliever at pag-iwas sa mga trigger. Ang ilang mga nag-trigger para sa migraines ay hormonal fluctuations, stress, alkohol, caffeine, kakulangan sa tulog, temperatura, at pisikal na pagod.

Eye strain

Ang mga taong madalas gumamit ng computers o gadgets sa buong araw ay maaaring makaranas ng eye strain pagtagal. Maaaring mapagod ang mga muscle ng mga mata dahil sa mahabang oras na pagtitig sa screen. Bukod pa rito, mas madalang kumurap ang mga tao habang tumitingin sa screen. Ito ay humahantong sa pagkatuyo at pangangati. Bagama’t maiiwasan ang pagkapagod sa mata, minsan maaari itong maging senyales na kailangan na ng eyeglasses o new prescription.

Glaucoma

Ang glaucoma ay isang kondisyon na nakakaapekto sa mga mata, partikular sa optic nerve. Ito ay mas karaniwan sa mga diabetic at mga mas matatanda. May dalawang uri ng glaucoma: open-angle at closed-angle.

Ang closed-angle o angle closure glaucoma ay nangyayari kapag may bara sa anterior chamber ng mata, ang espasyo sa harap ng lens. Ang fluid sa mata ay nakukulong at tumataas ang pressure. Maaaring magdulot ng pananakit ng ulo na may pananakit sa mata, malabong paningin, pagduduwal, at pagsusuka ang intraocular eye pressure na ito. Ang pamumula ng mata at pananakit ng mata ay maaaring maging malubha.  

Ang glaucoma ay nangangailangan ng pagsusuri at paggamot ng isang doktor, samakatuwid, ay hindi dapat gamutin sa bahay. Susukatin ng doktor ang iyong intraocular pressure at magrerekomenda ng mga gamot. Sa ilang mga kaso, ang operasyon ay kinakailangan para mawala ang pressure at maibalik ang paningin.

Sinusitis

Ang sinusitis o pamamaga ng sinuses ay maaaring magdulot ng sakit ng ulo at mata. 

Ang mga sinus ay mga puwang sa bungo na makikita sa paligid ng ilong at mata. Tumutulong ang mga ito sa pag-alis ng fluid at nagbibigay ng structure sa bungo. Sa loob ng sinuses ay may mga daluyan ng dugo at respiratory epithelium, na responsable para sa paggawa ng mucus at pagsala ng mga particle kapag tayo ay huminga. Ang ilang mga lugar ay naglalaman din ng mga receptor ng amoy. 

Kadalasan, ang sinus infections ay viral. Minsan naman ay bacteria ang dahilan. Kapag ang pathogen ay pumasok sa mga cell na nasa linya ng sinus, pwede itong magdulot ng pamamaga. Habang nagkakaroon ng pressure sa loob ng bony sinuses, maaari itong magdulot ng sakit ng ulo at mata.

Kung virus ang sanhi ng sinusitis, hindi binibigyan ng antibiotic. Sa halip ay pahinga, hydration, at mga gamot tulad ng mga decongestant at OTC pain reliever. Kung allergy naman ang dahilan ng sinusitis, tulad ng rhinitis, maaari ding gumamit ng mga nasal spray at antihistamine.  

Cluster headaches

Ito ang prototypical na sakit ng ulo na nakasentro sa likod ng isang mata na maaaring may pagluha. Ito ay mas karaniwan kaysa sa naunang nabanggit na mga kondisyon.

Key Takeaways

Sa kabuuan, ang sakit ng ulo at mata ay maaaring mangyari na may iba’t ibang mga kondisyon at sakit. Kadalasan, hindi ito seryosong isyu at nawawala ng kusa. Gayunpaman, kung maranasan mo ito na may lagnat nang higit sa 3 araw o ang sakit ng ulo ay hindi nawala sa loob ng 10 araw, dapat kang kumunsulta sa doktor. Matutukoy ng doktor mo ang pinagmumulan ng sakit ng ulo at mata at magrereseta ng tamang paggamot.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Tension Headache https://stanfordhealthcare.org/medical-conditions/brain-and-nerves/headache/types/tension-headache.html Accessed March 23, 2021

Headache Disorder https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/headache-disorders Accessed March 23, 2021

Headache Behind Eye https://www.aao.org/eye-health/symptoms/headache-behind-eye Accessed March 23, 2021

What’s Behind That Headache Behind Your Eyes? https://www.aarp.org/health/conditions-treatments/info-2020/headaches-eyes.html Accessed March 23, 2021

Anatomy, Head and Neck, Nose Sinuses https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK513272/ Accessed March 23, 2021

Angle-Closure Glaucoma https://www.msdmanuals.com/professional/eye-disorders/glaucoma/angle-closure-glaucoma Accessed March 23, 2021

Kasalukuyang Version

11/03/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Ear Piercing para sa Migraine Mabisa ba Ito?

Sakit ng Ulo at Pagduwal: Lahat ng Dapat Mong Malaman


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement