backup og meta

First Aid sa Sakit ng Ulo, Heto ang Dapat mong Tandaan

First Aid sa Sakit ng Ulo, Heto ang Dapat mong Tandaan

Kung pag-uusapan ang sakit ng ulo at pag-manage nito sa bahay, karaniwan na umiinom ang mga tao ng gamot upang mawala ang sakit. Sa kabila ng lahat, maraming mga over-the-counter na gamot na naglalayon na pagalingin ang sakit sa ulo.

Gayunpaman, ang paggamit ng gamot o painkillers ay maaaring hindi ang pinaka mainam na option para sa lahat. 

Ang ibang mga tao ay may restrictions pagdating sa tiyak na uri ng gamot. Hindi rin pwedeng araw-araw na inumin ang ibang tiyak na painkillers, na maaaring maging problema para sa nakararanas ng chronic headache.

Maaaring ang iba ay mangamba tungkol sa posibleng side effects. At sa huli, maaaring ito lamang ay humahantong sa paraan ng pagsubok na magkaroon ng natural lifestyle.

Kahit ano man ang rason, may mga epektibong pamamaraan ng management ng sakit sa ulo sa bahay.

Ano ang first aid sa sakit ng ulo? Ang mga pamamaraan na ito ay makatutulong o makadaragdag sa lunas kasama ng gamot at magbibigay ng kabuuang management ng sakit sa ulo.

Top Tips para sa First Aid sa Sakit ng Ulo sa Bahay Gamit ang Gamot

Narito ang ilang praktikal na pamamaraan ng first aid sa sakit sa ulo sa bahay. 

Humiga

Ang pinaka simple at direktang paraan upang i-manage ang sakit ng ulo ay mahiga. Maaaring ang sanhi ng sakit ng ulo ay stress o fatigue, at ang paghiga ay makatutulong upang makapagpahinga ang katawan, na makatutulong upang mawala ang sakit sa ulo.

Sa ibang mga kaso, ang mga may tension headaches, sakit na sanhi ng tense na muscle sa ulo at leeg ay mare-relax sa paghiga at ang mga sintomas ng sakit sa ulo ay mawawala.

Matulog sa Madilim o Dim na Kwarto

Naranasan mo na ba ang sakit sa ulo na lumalala kung nakabukas ang ilaw? Minsan ang maliwanag na ilaw, o kahit na ang sinag ng araw ay maaaring magpalala ng sakit ng ulo.

Kaya’t ang isa sa mga magandang paraan ng pag-manage ng sakit ng ulo ay ang pagtulog sa isang madilim o dimly lit na kwarto. Ito ay nakatutulong sa iyong mga mata at nagpapawala ng mga sintomas ng sakit ng ulo.

Maaari ka ring mahiga sa dimly lit na kwarto na nakatutulong sa sakit ng ulo na dulot ng kawalan ng tulog. Pwede ka ring maidlip saglit o mag-power nap upang ma-recharge at mawala ang sintomas nito.

Ang pagtulog ay mainam na paraan upang mawala ang sakit ng ulo. 

Gumamit ng Hot o Cold Compress

Ang ilang uri ng sakit ng ulo ay sanhi ng pagkapagod ng muscles sa iyong leeg at ulo. Kung ang pagtulog ay hindi sapat upang mawala ang sintomas, ang paggamit ng hot o cold compress ay nakatutulong minsan.

Mainam ang hot compress lalo na sa mga pagod o sumasakit na muscles, maging ang sinus headache. Sa kabilang banda ang cold compress ay nagbibigay ng numbing sensation na nakatutulong upang mawala ang sakit.

Sa paggamit ng hot o cold compress, siguraduhin na huwag sobrang init o lamig. Mahalaga rin na takpan ang compress ng tela upang maiwasan na mapinsala ang iyong balat.

Subukan ang acupressure

Ang acupressure ay isa pang paraan upang i-manage ang sakit ng ulo nang hindi nagre-rely sa gamot. Pareho ang acupressure sa acupuncture sa paraan na tina-target ang tiyak na parte ng katawan upang makatulong na mawala ang sakit.

Sa kaso ng sakit ng ulo, ang pagbibigay ng diin sa mga bahagi sa pagitan ng iyong kilay, inner na parte ng kilay, tuktok ng ulo, batok kung nasaan ang dalawang bumps na minamarkahan ang base ng bungo, tuktok ng mga tenga kung saan nakadikit ang mukha, at sa temple. Ang mga ito ay nagsasabi na makatutulong upang mawala ang sakit ng ulo. Maaari mong subukan ang pagkuskos sa iyong batok, o sa itaas ng bahagi ng nostrils upang mawala ang sakit ng ulo.

Ang mga pag-aaral tungkol sa pagiging epektibo ng acupressure ay hindi pa nabibigyan ng direktang konklusyon. Gayunpaman, ang acupressure ay karaniwan na walang side effects, kaya’t mainam din na ideya ang pagsubok nito upang makita kung magiging epektibo para sa iyo.

Malalim na Paghinga

Ang malalim na paghinga ay nakakapag-relax sa katawan, at mainam na pamamaraan sa pag-manage ng sakit ng ulo sa bahay.

Pinaka mainam kung isasagawa ito sa tahimik na lugar, maaaring nakaupo o nakahiga. Simulan sa paghinga nang malalim gamit ang diaphragm, at pagtulak sa tiyan papalabas, at mag-exhale nang dahan-dahan, na nagtutulak sa tiyan papasok.

Ang malalim na paghinga ay nakatutulong sa migraine, at sakit ng ulo na sanhi ng stress o sobrang pagtatrabaho.

Subukan ang Meditation

Ang meditation ay isa ring mainam na paraan upang i-manage ang sakit ng ulo sa bahay.

Maaari kang magsimula sa pag-meditate sa simpleng pag-upo sa komportableng posisyon, ipikit ang mga mata, at huminga nang malalim. Subukan na magpokus sa paghinga at iwasan ang pagtuon sa sakit o kahit na anong isipin. Ito ay nakatutulong upang kumalma ang katawan, magpababa ng lebel ng stress, at makatulong upang mawala ang sakit sa ulo.

I-manage ang Lebel ng Stress

Minsan ang sanhi ng chronic headaches ay sobrang stress. At ang pinaka mainam na paraan ay ang pagpapababa ng lebel ng stress.

Ang sobrang stress ay humahantong sa anxiety, kakulangan sa tulog, at fatigue, na mga bagay na maaaring mag-trigger ng sakit sa ulo.

Upang ma-manage ang stress, subukan na ilaan ang oras sa pagpapahinga at pagre-relax. Matulog ng kahit 8 mga oras kada gabi. Ang pagliban sa trabaho, pagsasagawa ng sports at ehersisyo ay mainam na paraan upang makatulong sa pag-manage ng lebel ng stress at maiwasan ang sakit ng ulo.

Kumain ng Balanseng Diet

Ang pagkakaroon ng balanseng diet ay hindi lang nagpapanatili ng malusog na katawan, ngunit nakatutulong din na makabawas ng pagkakataon na sumakit ang ulo.

Kumain ng maraming prutas at gulay, at bawasan ang pagkonsumo ng karne, maging ang fatty, salty, at matatamis na pagkain.

Matuto pa tungkol sa sakit ng ulo dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Headache Medications: Relief & Treatment, https://my.clevelandclinic.org/health/drugs/9652-headache-medications, Accessed July 16 2020

Headache remedies to help you feel better – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/headache-remedies-to-help-you-feel-better, Accessed July 16 2020

Tension headache – Diagnosis and treatment – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/tension-headache/diagnosis-treatment/drc-20353982, Accessed July 16 2020

Headaches: Treatment depends on your diagnosis and symptoms – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/chronic-daily-headaches/in-depth/headaches/art-20047375, Accessed July 16 2020

Foods & Drinks That Can Cause Headaches: How to Diagnose & Avoid, https://my.clevelandclinic.org/health/articles/9648-headaches-and-food, Accessed July 16 2020

Migraines: Simple steps to head off the pain – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/migraine-headache/in-depth/migraines/art-20047242, Accessed July 16 2020

How to Treat a Headache without Drugs – Scientific American, https://www.scientificamerican.com/article/how-to-treat-a-headache-without-drugs/, Accessed July 16 2020

Kasalukuyang Version

07/26/2024

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Nicole Aliling, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ear Piercing para sa Migraine Mabisa ba Ito?

Sakit ng Ulo at Pagduwal: Lahat ng Dapat Mong Malaman


Narebyung medikal ni

Nicole Aliling, MD

Neurology · Centre Médicale Internationale


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement