backup og meta

Ano Ang Vertigo At Bakit Nararanasan Ito Ng Marami Sa Atin?

Ano Ang Vertigo At Bakit Nararanasan Ito Ng Marami Sa Atin?

Karamihan sa atin kapag tinanong mo kung bakit biglaang natatahimik at hindi mapinta ang mukha ay maaaring magsabi na biglaang sumakit ang ulo nila at nahihilo. Ngunit, ang lingid sa kaalaman ng mga tao ay may iba’t ibang klase maging ang dahilan kung bakit sumasakit ang ulo at nahihilo. Isa na rito ang tinatawag na vertigo. Ngunit, ano ang vertigo? Ano ang dapat mong gawin kung nakararanas ka nito? Alamin ang mga impormasyon tungkol sa vertigo sa artikulong ito. 

Ano Ang Vertigo?

Ang pagkahilo ay maaaring tumukoy sa isang hanay ng mga sensasyon kabilang ang pakiramdam na magaan ang ulo, nahimatay, woozy, hindi steady, nakalutang o hindi balanse. Ang vertigo ay isang uri ng pagkahilo na ang pakiramdam ay parang ikaw o ang paligid ay umiikot. Hindi ito sakit. Sa halip, ito ay tinuturing na sintomas sa iba’t ibang mga kondisyon. 

Upang maunawaan nang lubusan kung ano ang vertigo, ating talakayin ang dalawang uri nito.

Ang peripheral vertigo ay dulot ng problema sa vestibular labyrinth o semicircular canals. Ito ay bahagi ng panloob na tenga, na siyang kumokontrol sa balanse. Maaari ring maging kasangkot ang vestibular nerve na nasa pagitan ng panloob na tenga at brain stem. 

Ito ay maaaring sanhi ng mga sumusunod:

  • Benign positional vertigo (benign paroxysmal positional vertigo o BPPV)
  • Ilang mga partikular na gamot, tulad ng aminiglycoside antibiotics, cisplatin, diuretics, o salicyclates, na tinuturing na toxic sa struktura ng panloob na tenga
  • Pinsala (tulad ng head injury)
  • Pamamaga ng vestibular nerve (neuronitis)
  • Pagkairita at pamamaga ng inner ear (labyrinthitis)
  • Meniere’s disease
  • Presyon sa vestibular nerve, na kadalasang mula sa noncancerous tumor tulad ng meningioma o schwannoma

Sa kabilang banda, ang central vertigo naman ay dulot ng problema sa utak, kadalasan sa brain stem o sa likod na bahagi nito na tinatawag na cerebellum. 

Kabilang sa maaaring sanhi ng partikular na uri na ito ang mga sumusunod:

  • Blood vessel disease
  • Ilang mga partikular na drugs tulad ng anticonvulsants, aspirin, at alkohol 
  • Multiple sclerosis
  • Seizures (ngunit bihira)
  • Stroke
  • Tumors (maaaring cancerous o noncancerous)
  • Vestibular migraine 

Bukod sa mga nabanggit, posible ring magkaroon ng pagkahilo buhat ng low blood pressure, ilang mga problema sa puso (tulad ng cardiac arrhythmias), at anxiety disorders tulad ng panic attacks. Bagaman hindi pangkaraniwan, maaari rin itong dulot ng hypoglycemia o low blood sugar. 

Ano Ang Vertigo At Ang Mga Senyales Nito?

Bukod sa pangunahing sintomas na spinning sensation, maaari ka ring makaramdam ng mga sumusunod:

  • Pagkahilo
  • Pagkawala ng balanse
  • Pagkawala ng pandinig (sa isa o parehong tenga)
  • Pakiramdam na nag-riring ang tenga (tinnitus)
  • Problema sa pagpokus ng mga mata
  • Pagduduwal at pagsusuka (na nagdudulot ng pagkawala ng body fluids)
  • Headache o bigat ng ulo

Kung ang vertigo ay dulot ng mga problema sa utak, kinabibilangan ito ng ilan pang mga sintomas:

  • Hirap sa paglunok 
  • Double vision
  • Eye movement problems
  • Facial paralysis 
  • Pagkabulol sa pananalita (slurred speech)
  • Pagkahina ng mga limbs

Posibleng hindi mo ito mapansin dahil ito ay biglaan na tumatagal lang ng ilang segundo. Ngunit, maaari rin naman itong tumagal at maging malubha sa puntong mahihirapan ka gumawa ng mga pang-araw-araw na gawain. 

Ano Ang Vertigo At Ano Ang Maaari Mong Gawin Dito?

Sa ilang mga kaso, kadalasan namang nawawala nang kusa ang vertigo. Subalit, mayroon ilang mga pamamaraan upang maibsan ang mga nararamdaman na sintomas at upang mabawasan kung gaano kadalas ito nangyayari:

  • Humiga sa isang tahimik at madilim na kwarto upang mabawasan ang spinning feeling. 
  • Dahan-dahang galawin ang ulo o paglingon, habang nagsasagawa ng mga pang-araw-araw na aktibidad.
  • Umupo kaagad kapag nakaramdam na ng pagkahilo.
  • Buksan ang mga ilaw kung ikaw at babangon sa gabi. 
  • Humawak sa isang matibay na bagay, tulad ng walking stick, kung ikaw ay nanganganib na mahulog. 
  • Matulog na ang iyong ulo ay nakataas nang onti gamit ang 2 or higit pang unan. 
  • Unti-unting bumangon, umalis sa kama at umupo sa gilid ng kama ng ilang sandali bago tuluyang tumayo. 

Makatutulong din kung ikaw ay magsasagawa ng ilang mga simpleng ehersisyo upang maitama ang mga naturang sintomas. Bukod pa rito, mainam na magrelaks dahil maaaring palalain ng anxiety ang karamdaman. 

May mga tao rin ang gumagamit ng mga halamang gamot upang maibsan ang mga sintomas. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Turmeric
  • Gingko biloba
  • Cayenne
  • Ginger root
  • Gongjin-dan

Maliban sa mga home remedies at herbal supplements, may ilang mga treatment na maaaring maging angkop sa iyong sitwasyon, depende sa root cause. Ito ay kinabibilangan ng antibiotics, steroids, vestibular rehabilitation, canalith repositioning procedure, at surgery. 

Key Takeaways

Ang vertigo ay itinuturing na sintomas ng higit na pangunahing kondisyon. Maaari itong makaapekto sa araw-araw na gawain. Kung kaya, dapat na kumunsulta sa iyong doktor kung kailangan mo ng higit pang treatment bukod sa mga home remedies. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Sakit ng Ulo at Migraines dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Dizziness and vertigo, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/dizziness-and-vertigo, Accessed August 9, 2022

Vertigo, https://www.nhsinform.scot/illnesses-and-conditions/ears-nose-and-throat/vertigo#:~:text=Vertigo%20is%20a%20symptom%2C%20rather,balance%20and%20do%20everyday%20tasks, Accessed August 9, 2022

Vertigo, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/21769-vertigo, Accessed August 9, 2022

Vertigo, https://www.nhs.uk/conditions/vertigo/, Accessed August 9, 2022

Vertigo-associated disorders, https://medlineplus.gov/ency/article/001432.htm, Accessed August 9, 2022

Vertigo, https://www.healthdirect.gov.au/vertigo, Accessed August 9, 2022

Kasalukuyang Version

06/14/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

First Aid sa Sakit ng Ulo, Heto ang Dapat mong Tandaan

Sintomas ng migraine na dapat mong tandaan


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement