backup og meta

Parkinson na Hindi Ginagamot: Ano ang Prognosis?

Parkinson na Hindi Ginagamot: Ano ang Prognosis?

Sa isa o iba pang dahilan, maaari nang ma-manage ng mga taong may Parkinson Disease ang sakit na ito ng walang gamot. Sa kasong ito, ginagamitan ito ng mga alternatibong uri ng treatment. Ngunit, anong epekto ng paghinto sa gamot? At anong mga alternative ang magagamit? Patuloy na magbasa upang matuto pa sa Parkinson na hindi ginagamot.

Parkinson na walang gamot

Maraming mga dahilan kung bakit maaaring piliin ng mga pasyente na may Parkinson Disease na itigil ang gamot. Maaaring interesado sila sa mga alternatibong uri ng treatment, o maaari ding hindi nila kaya ang araw-araw na gastusin sa gamot. Habang para sa iba, baka hindi na epektibo ang mga gamot na ito. Kaya inaakala nilang mas mabuting tuluyan na lamang silang huminto sa pag-inom ng gamot.

Anuman ang dahilan, mahalagang maunawaan kung ano ang nagagawa ng gamot at anong problema ang maaaring mangyari kung hihinto ang isang tao sa kanyang pag-inom ng gamot.

Para saan ang gamot sa Parkinson?

Bago natin pag-usapan ang mga alternatibong uri ng paggamot sa Parkinson ng walang gamot, dapat muna nating maintindihan kung ano ba talaga ang nagagawa ng gamot na iyon?

Natuklasan ng mga doktor na may mababang level ng dopamine sa kanilang utak ang mga pasyente na may Parkinson disease. Pinaniniwalaang maaaring responsable ang mababang antas ng dopamine sa ilang mga sintomas na nararanasan ng mga pasyente.

Pinakakaraniwang gamot sa Parkinson disease ang kombinasyon ng gamot na tinatawag na carbidopa/levodopa. Isang natural na kemikal na nagiging dopamine sa utak ang levodopa. Sa kabilang banda, ang carbidopa ay isang uri ng gamot na pumipigil sa levodopa na maging dopamine bago pa ito sipsipin ng utak.

Maaari ding uminom ng gamot na nakapipigil sa pagkasira ng dopamine sa utak ang mga pasyente. Nagtutulungan ang mga gamot na carbidopa/levodopa upang pataasin pa ang pagiging epektibo nito.

Anong mangyayari kapag huminto sa pag-inom ng gamot ang pasyente?

Ang pangunahing layunin ng gamot para sa Parkinson ay hindi para tuluyang pahintuin o gamutin ang Parkinson disease. Pinababagal ng gamot ang epekto ng sakit at ayusin ang kalidad ng buhay ng isang tao.

Ibig sabihin, kapag itinigil ng pasyente ang pag-inom ng gamot, maaari nilang mas maranasan ang iba pang mga sintomas nito. Ibig sabihin, mas mahihirapan silang gumalaw at alagaan ang kanilang sarili.

Sa usaping lifespan, nabubuhay ang mga taong hindi umiinom ng gamot nang halos kasing tagal ng buhay ng mga taong umiinom ng gamot.

Gayunpaman, may iba pang pagpipilian ang mga pasyenteng hindi umiinom ng gamot. Habang hindi ito kasing epektibo, nakatutulong itong pabagalin ang sintomas ng pasyente at sinisiguradong mananatili silang malusog.

Ano ang mga alternatives?

Narito ang ilang mga alternatibong uri ng treatment para sa Parkinson disease:

Pagbabago sa lifestyle

Ang pagkakaroon ng pagbabago sa lifestyle, tulad ng pagkain ng masustansyang pagkain o pagsali sa maraming pisikal na aktibidad, ang makatutulong upang pabagalin ang epekto ng Parkinson. Ang katotohanan nito, inirerekomenda sa mga pasyenteng umiinom ng gamot na gumawa ng pagbabago sa kanilang lifestyle gaya ng nasabi upang matulungan ang kabuuang kalusugan ng pasyente.

Kasama sa pagbabago sa lifestyle ang pagkain ng mga prutas, gulay, at fatty fish, maging ang pag-iwas sa pagkain ng processed food, karne, at matatamis na pagkain.

Magandang ideya rin para sa pasyente na mag-ehersisyo ng kahit 30 minuto bawat araw. Tinutulungan nitong panatilihin ang kanilang lakas at paggalaw.

Parkinson na hindi ginagamot

Nutritional supplements

Bukod sa pagkain ng masusustansya, nakatutulong sa Parkinson disease ang ilang nutritional supplements. Partikular ang  calcium supplements na mahalaga para sa mga pasyente.

Alternatibong gamot

Mayroon ding mga alternatibong uri ng gamot na maaaring gamitin ng mga taong may Parkinson disease. Kabilang dito ang massage therapy at acupuncture.

Tinutulungan ng massage therapy ang mga pasyente sa pagpawi ng mga side-effect tulad ng tremor, pagtigas ng kalamnan, at nakababawas rin ng sakit. Kailangan nga lang ng mga pasyente na madalas na sumailalim sa massage therapy upang mapanatili ang epekto nito.

Isa pang uri ng alternatibong gamot para sa Parkinson disease ang acupuncture. Nakatutulong ito upang mapawi ang sakit, fatigue, at inaayos ang kanilang pagtulog. Ipinakikita ng mga pag-aaral na ginawa sa mga hayop na tinutulungan ng acupuncture na pabagalin ang paghina ng mga neuron. Gayunpaman, hindi pa ito nagagawa sa mga tao.

Mahalagang tandaang kapag pumipili ng alternatibong therapy, pinakamainam  na kumonsulta muna sa doktor. Makapagbibigay sila ng impormasyon kung gaano kaepektibo ang ilang uri ng treatment at anong pangmatagalang epekto ang dapat asahan kung huminto ang pasyente sa pag-inom ng gamot.

Matuto pa tungkol sa Parkinson Disease dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

6 Medication-Free Ways to Feel Better with Parkinson’s Disease | Johns Hopkins Medicine, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/parkinsons-disease/6-medication-free-ways-to-feel-better-with-parkinsons-disease, Accessed January 17, 2021

Preventing and Treating Thinking Problems without Medication | Parkinson’s Disease, https://www.michaeljfox.org/news/preventing-and-treating-thinking-problems-without-medication, Accessed January 17, 2021

Stages of Parkinson’s | Parkinson’s Foundation, https://www.parkinson.org/Understanding-Parkinsons/What-is-Parkinsons/Stages-of-Parkinsons, Accessed January 17, 2021

Parkinson’s Disease | National Institute on Aging, https://www.nia.nih.gov/health/parkinsons-disease, Accessed January 17, 2021

Treatments – Parkinson Canada, https://www.parkinson.ca/about-parkinsons/treatments/, Accessed January 17, 2021

Kasalukuyang Version

02/22/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Nicole Aliling, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Deep Brain Stimulation Surgery para sa Parkinson's Disease

Mga Komplikasyon Ng Parkinson's Disease


Narebyung medikal ni

Nicole Aliling, MD

Neurology · Centre Médicale Internationale


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement