backup og meta

Kalungkutan ng Pag-iisa at Parkinson's Disease: Ano ang Koneksyon?

Kalungkutan ng Pag-iisa at Parkinson's Disease: Ano ang Koneksyon?

Ang mental health natin ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa ating pangkalahatang kalusugan. Lalo na, natuklasan ng mga mananaliksik ang koneksyon sa pagitan ng pag-iisa at parkinsons.

Ngunit ano nga ba ang koneksyon sa pagitan ng sakit na Parkinson at ng ating mental health? Paano ito makatutulong sa mga taong may ganitong kondisyon?

Ano ang Parkinson Disease?

Ang Parkinson’s Disease ay degenerative brain disorder na nauugnay sa edad na nakakaapekto sa mga nerve cells sa utak. Ito ay isang sakit na dahan-dahang nangyayari.  Kaya ang mga sintomas at epekto sa kalusugan ng isang tao ay nakasalalay sa kanilang edad at kung gaano na kalayo ang pag-unlad ng sakit.

Sa mga taong may Parkinson, ang cells sa mga bahagi ng utak na kumokontrol sa paggalaw ay nagsisimulang lumala. Bilang resulta, ang mga bahaging ito ng utak ay gumagawa ng mas kaunting dopamine, na nagiging sanhi ng mga sintomas na nauugnay sa Parkinson Disease.

 Narito ang ilan sa mga karaniwang sintomas ng Parkinson:

Habang lumalala ang sakit, maaaring mangyari ang iba pang mga sintomas. Tulad ng mga problema sa pagtulog, pagbabago sa pag-uugali, kahirapang maalala ang mga bagay, at kapaguran. Ang mga taong nasa advanced age ay kadalasang may posibilidad na makaranas ng mga sintomas na ito.

Ang Parkinson mismo ay hindi nakamamatay. Gayunpaman, maaari itong humantong sa mga seryosong komplikasyon. Tulad ng dementia, mga problema sa pagnguya o paglunok, mga karamdaman sa pagtulog, depresyon, at pagkabalisa. Ang isa pang posibleng panganib ay ang mga taong may Parkinson ay mas madaling kapitan ng malubhang pagkahulog, at kung minsan ay maaaring nakamamatay.

Ano ang mga dahilan?

Sa ngayon, hindi natin alam kung ano ang sanhi ng Parkinson Disease. Karamihan sa mga siyentipiko ay naniniwala na ang environmental factors, pati na rin ang genetics, ay may papel kung ang isang tao ay nagkakaroon ng Parkinson o hindi. Tinatayang 10%-15% ng mga kaso ng Parkinson ay resulta ng genetics.

Ang environmental factors na nag-aambag sa sakit na Parkinson ay mga pinsala sa ulo, exposure sa pesticides, at kung saan nakatira ang isang tao. 

Isa pang kapansin-pansing natuklasan na ginawa ng mga siyentipiko ay sa loob ng brain cells ng maraming taong may Parkinson Disease ay ang Lewy bodies. Ang Lewy bodies ay hindi pangkaraniwang mga kumpol ng mga protina. Ang mga ito ay maaaring magdulot ng kondisyong tinatawag na Lewy body dementia. Dahil dito, naniniwala ang mga siyentipiko na maaaring may mas malalim na koneksyon sa pagitan ng Lewy bodies at Parkinson Disease.

Ano ang Koneksyon ng Pag-iisa at Parkinsons?  

Ngayon ay mayroon na tayong ideya kung ano ang Parkinson’s Disease. Talakayin natin ang koneksyon sa pagitan ng pag-iisa at Parkinsons. Ang mga mananaliksik mula sa Unibersidad ng California, Los Angeles (UCLA) at kanilang mga kasamahan ay nagsagawa ng pag-aaral.  Tiningnan nila ang emotional at social life ng mga pasyente. Kasama na rin dito ang kanilang mga gawi sa nutrisyon at ehersisyo.

Nalaman nila na ang mga pasyente na nagdusa mula sa kalungkutan ay posibleng hindi gaanong mag-ehersisyo, at hindi sumunod sa healthy diets. Nagkaroon din sila ng mas malalang sintomas kumpara sa mga pasyenteng may mas malusog na social life. 

Bilang karagdagan, ang mga taong madalas maging malungkot o nakahiwalay ay may tyansang bumaba ang kalidad ng buhay. At para sa mga taong may mga problema sa kalusugan tulad ng pag-iisa at Parkinson, ito ay posibleng magpalala ng kanilang mga sintomas, o maging mas mabilis lumubha ang kanilang sakit.

Ang pag-iisa sa panahon ng pandemya ay maaaring maging napakasakit sa mental health ng isang tao. Kahit na ang medyo malusog na mga tao na walang malubhang karamdaman ay maaaring magdusa ng mga masasamang epekto ng pag-iisa habang nasa ilalim ng quarantine.

Nangangahulugan ito na ang mga may sakit at ang mga matatanda na nasa quarantine ay mas nahihirapan kumpara sa iba pa sa atin.

Pag-iisa at Parkinsons: Ano ang Magagawa Tungkol dito?

Ano ang maitutulong sa taong dumaranas ng kalungkutan sa pag-iisa at parkinsons disease? Kung mayroon kang mga kamag-anak na may Parkinson’s Disease, mainam na maglaan ng ilang oras para sa kanila. Ang pagbisita sa kanila, o kahit na yayain sila na sumama sa iyo ay maaaring makabuti para sa kanilang mental health. Ang pagiging malapit sa mga tao ay nakakatulong na palakasin ang mood ng isang tao, na talagang mahalaga.

Kung hindi posible, maaari mo silang tawagan, o kahit na makipag-video call para magkaroon sila ng quality time kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Hikayatin silang subukan at manatiling aktibo, kumain ng malusog, at sundin din ang mga utos ng kanilang doktor.

Sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na ito, matutulungan mo ang iyong mga mahal sa buhay na manatiling malusog. At posibleng mapababa ang kanilang panganib na magkaroon ng mas malubhang sintomas ng Parkinson Disease.

Matuto pa tungkol sa Parkinson’s Disease dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Synergy of pandemics-social isolation is associated with worsened Parkinson severity and quality of life | npj Parkinson’s Disease, https://www.nature.com/articles/s41531-020-00128-9, Accessed November 19, 2020

Parkinson’s Disease | National Institute on Aging, https://www.nia.nih.gov/health/parkinsons-disease#:~:text=Parkinson’s%20disease%20is%20a%20brain,have%20difficulty%20walking%20and%20talking., Accessed November 19, 2020

What Is Parkinson’s? | Parkinson’s Foundation, https://www.parkinson.org/understanding-parkinsons/what-is-parkinsons, Accessed November 19, 2020

Loneliness in Parkinson’s disease may lead to worsening of symptoms | EurekAlert! Science News, https://www.eurekalert.org/pub_releases/2020-11/uoc–lip111720.php, Accessed November 19, 2020

Caregiver Training Videos | Parkinson’s Disease, https://training.mmlearn.org/caregiver-training-videos/topic/parkinsons-disease, Accessed November 19, 2020

Neurology Today, https://journals.lww.com/neurotodayonline/blog/neurologytodayconferencereportersmdsinternationalcongress/pages/post.aspx?PostID=35, Accessed November 19, 2020

How to Reduce Social Isolation While Living with Parkinson’s – Davis Phinney Foundation, https://davisphinneyfoundation.org/how-to-reduce-social-isolation-while-living-with-parkinsons/, Accessed November 19, 2020

9 SECRET SIGNS OF LONELINESS · Parkinson’s Resource Organization, https://www.parkinsonsresource.org/news/articles/9-secret-signs-of-loneliness/, Accessed November 19, 2020

Depression | Parkinson’s Foundation, https://www.parkinson.org/Understanding-Parkinsons/Symptoms/Non-Movement-Symptoms/Depression, Accessed November 19, 2020

Kasalukuyang Version

01/29/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Mga Komplikasyon Ng Parkinson's Disease

Paano Maiiwasan Ang Pagkakaroon Ng Parkinson's Disease? Alamin


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement