backup og meta

Ang Panganib na Dulot ng Pagkakaroon ng Sakit sa Puso Habang Nagbubuntis

Ang Panganib na Dulot ng Pagkakaroon ng Sakit sa Puso Habang Nagbubuntis

Kabilang sa mga pisikal na pagbabago na kaakibat ng pagbubuntis ay ang mga pagbabago sa puso at mga daluyan ng dugo. Ito ay marahil patuloy na tumataas ang blood volume upang maayos na mapangalagaan ang lumalaking sanggol.

Sa panahon ng pagbubuntis, ang dami ng dugo sa katawan ay tumataas ng humigit-kumulang 30 hanggang 50 posiyento. Kasabay ng mas pagdaloy ng dugo sa bawat minuto sa pamamagitan ng puso, bumibilis din naman ang pagtibok nito.  

Kung kaya, normal ang makaramdam ng pagkapagod, pagkahingal, at pagkahilo habang nagbubuntis. Ito ay dahil ang mga ito ay dala ng iba’t ibang mga epekto sa puso, maging sa pangkalahatang sistema ng sirkulasyon. 

Ngunit may ilang mga pagkakataon na maaaring magkaroon ang ina ng sakit sa puso. Kung may anumang sintomas na nakababahala, nararapat na humingi ng payo sa isang healthcare provider upang mas maunawaan ang koneksyon sa pagitan ng pagbubuntis at sakit sa puso.

Ang Pagbubuntis at Sakit sa Puso: Mga Salik ng Panganib

Kadalasang nakapagdudulot ng mas malalang tensyon o pagod ang pagbubuntis sa kababaihan dahil mas kinakailangan din ang pinaigting na papel ng puso sa katawan.

Dahil dito, mas madaling kapitan ng sakit sa puso ang mga kababaihang nagbubuntis. 

Ang mga iniindang na medikal kondisyon tulad ng hypertension, diabetes, at hypercholesterolemia ay maaari ring magpataas ng panganib ng sakit sa puso.

Bilang karagdagan, ang edad ay nagiging isang kadahilanan kung bakit nagkakaroon ng sakit sa puso ang isang tao. Maraming kababaihan na pinipiling magkaanak sa kanilang huling yugto ng edad 30 hanggang pagpasok ng 40 taong gulang ay maaring magkaroon ng iba pang mga dahilan ng pagkapanganib. Dahil dito, mas madaling kapitan ng sakit sa puso na maaaring magpalubha sa kanilang pagbubuntis.

Ngunit may mga babaeng dati nang mayroong sakit sa puso tulad ng mga sumusunod:

Ang mga kababaihang dumaranas ng alinman sa mga naturang kondisyon ay dapat masuri ng isang healthcare propesyonal bago pa man magplano ng pagbubuntis. 

Bagama’t medyo ligtas pa rin para sa mga kababaihan na magbuntis kahit na may kondisyon sa puso, pinapayuhan pa rin ang pagkonsulta sa isang cardiologist, espesyalista sa puso, at isang obstetrician na nagdadalubhasa sa mga high-risk na pagbubuntis.

Ang pagbubuntis at sakit sa puso ay maaaring humantong sa mga seryosong kondisyon na dapat maingat na harapin at aksyunan. Karamihan sa mga kondisyong ito ay nangangailangan ng espesyal na atensyon upang matiyak na ang ina at sanggol ay ligtas sa panahon ng pagbubuntis.

Ang Pagbubuntis at Sakit sa Puso: Ligtas ba para sa Isang Babae ang Magbuntis?

Gayunpaman, mayroong ilang mga sakit sa puso kung saan hindi inirerekomenda ang pagbubuntis. Isang halimbawa dito ay ang Eisenmenger’s Syndrome, isang bihirang congenital condition. Ang mga babaeng dumaranas nito ay nakakaranas ng mataas na presyon ng dugo na nagdudulot ng pulmonary hypertension.

Maaari itong maging mapanganib para sa ina at sa sanggol. Ang ilang mga kondisyon na maaaring magpataas ng panganib sa pagbubuntis ay ang mga sumusunod:

  • Mga partikular na heart birth defects.
  • Marfan Syndrome, isang namamanang connective tissue disorder.
  • Paninikip at pagkipot ng daluyan ng aortic heart valve o mitral heart valve (aortic stenosis at mitral stenosis).
  • Abnormal aortic valve, na mayroon lamang dalawa sa halip na normal na tatlong flaps. Ito rin ay sinasamahan ng isang pinalaki na aorta. 
  • Cardiomyopathy o heart damage, na maaring naidulot ng unang pagbubuntis 
  • Moderate o severe heart failure

Dahil ang pagbubuntis ay nangangailangan ng mas malakas na puso, maaari nitong palalain ang dati nang kondisyon ng puso at magdulot ng mga panganib sa nagdadalang tao pati na rin sa kanyang sanggol. Ito ay humahantong sa premature na panganganak. Sa ilang mga kaso, ang bata ay maaari ring manahin ang heart defect ng kanyang ina.

Ang Pagbubuntis at Sakit sa Puso: Paano Protektahan ang Kalagayan ng Puso?

Ang pagbubuntis at sakit sa puso ay madalas na magkaugnay, na ang isa ay nagpapakita ng mga natatanging hamon sa isa pa.

Sa kabila ng mga panganib, ang mga babaeng dumaranas ng ilang sakit sa puso ay maaari pa ring matagumpay na makapaghatid ng isang malusog na sanggol. Ang pagpapanatili ng malusog na pamumuhay sa buong pagbubuntis nila at higit pa ay ang pinakamahusay na paraan upang mapanatiling protektado ang puso.

Narito ang ilang mga alituntuning dapat sundin:

  1. Panatilihin ang malusog na timbang sa pamamagitan ng wastong diet.
  2. Inumin ang iniresetang prenatal vitamins.
  3. Iwasan ang caffeine na maaring mag-trigger ng iregular na pagtibok ng puso.
  4. Umiwas sa maaalat na pagkain. Ito marahil ay maaaring maging sanhi ng mataas na altapresyon, pati na rin ang blader retention. 
  5. Iwasan ang ilang mga uri ng gamot sa panahon ng pagbubuntis. Kumunsulta sa iyong doktor tungkol sa mga gamot na inumin. 
  6. Panatilihin ang pagiging aktibo sa pamamagitan ng mga katamtaman ehersisyo. Tanungin ang iyong doktor kung ano ang mga aktibidad at ehersisyo na ligtas para sa iyo.
  7. Magkaroon ng sapat na pahinga, na hindi bababa sa walong oras na tulog bawat gabi.
  8. Mag-iskedyul ng regular na check-up sa iyong doktor.

Bukod sa paggawa ng mga kinakailangang hakbang bago at maging habang nagbubuntis, kailangan ding bigyang malaking pansin ang panganganak. Ang labor at delivery ay nagdaragdag pa rin ng workload sa puso sa huling yugtong ito ng pagbubuntis.

Ang isang babae ay maaaring makaranas ng mga pagbabago sa daloy ng dugo at presyon, lalo na kapag oras na upang ilabas ang sanggol sa normal na pamamaraan.

Sa panahong ito, ang mga kababaihang buntis na dumaranas ng malubhang kaso ng sakit sa puso, ay maaaring payuhan na ilagay sa ilalim ng epidural anesthesia habang nasa labor at delivery.

Mahalagang Mensahe 

Inilalahad ng pananaliksik na mayroong pagtaas sa bilang ng mga kaso na nauugnay sa pagbubuntis at sakit sa puso. Kung kaya, posible ang mga atake sa puso sa panahon ng pagbubuntis.

Ngunit sa kabila nito, mahalagang tandaan na ang rate ng insidente ay patuloy na mababa.

Ayon sa isang pag-aaral sa Estados Unidos, mayroong 112 kaso ng heart failure sa bawat 100,000 na ospital na may pregnancy-related hospitalizations. 27.3% ng mga kasong ito ay habang nanganganak at 13.2% lamang ang nangyari bago ang panganganak.

Sa pagitan ng 2001-2011, nagkaroon ng average na 4.9% na pagtaas sa mga pagpapaospital. Ito ay may kaugnayan sa mga kaso ng heart failure taon-taon. Napagalaman na ang mga kasong ito ay nasa ante-partum stage ng pagbubuntis o bago ang panganganak.

Samantala, ang isang pag-aaral na isinagawa sa Philippine General Hospital noong Enero 2009 hanggang Disyembre 2010, ay nagpakita ng mababang rate.

Bawat 1,270 live births ay mayroong isang kaso na nauugnay sa sakit sa puso o failure, partikular na ang Peripartum cardiomyopathy. Ngunit, hindi ito nangangahulugan na dapat ng balewalain ang pagbubuntis at sakit sa puso.

Nararapat na laging pakiramdaman ng mga buntis ang kanilang mga katawan at maging mulat sa mga senyales na maaaring humantong sa sakit sa puso. Kabilang sa mga palatandaan na dapat obserbahan ay ang mga sumusunod:

  • Chest discomfort
  • Pagkahingal o pangangapos ng hininga
  • Hirap sa paghinga
  • Pamamaga ng mga binti 

Ang pagbubuntis at sakit sa puso ay nagdudulot ng mga kakaibang pisikal na stress sa katawan. Kahit na ang ilang mga sintomas ay maaaring ituring na normal at inaasahan sa panahon ng pagbubuntis, lalo na ang mas mataas na presyon ng dugo at pagkapagod, ang mga kababaihan ay dapat palaging mag-ingat at humingi ng payo sa kanilang mga doktor para sa anumang mga alalahanin.

Mainam na regular na subaybayan ang kondisyon ng iyong puso. Tingnan kung ito ay maayos na gumagalaw sa buong pagbubuntis mo. Ito ay para sa iyong proteksyon, at maging para sa kalusugan at kaligtasan ng iyong lumalaking sanggol.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o gamot.

Isinalin mula sa Ingles ni Fiel Tugade.

Disclaimer

Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.

Current Version

12/12/2021

Written by Lorraine Bunag, R.N.

Medically reviewed by Mary Rani Cadiz, MD

Updated by: Bianchi Mendoza, R.N.


People Are Also Reading This

Pregnancy Cravings: 7 Weird and Surprising Foods

Hanging Belly After Pregnancy: What Causes It and What to Do About It


Medically reviewed by

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Written by Lorraine Bunag, R.N. · Updated Dec 12, 2021

ad iconadvertisement

Was this article helpful?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement