backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Silipin Ang Directory Ng Maternity Hospital Sa Pilipinas

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD · General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

    Silipin Ang Directory Ng Maternity Hospital Sa Pilipinas

    Isipin: Ilang buwan ka na lang mula sa iyong takdang petsa, ngunit mayroon ka pa ring mahabang listahan ng mga bagay na dapat paghandaan at isaalang-alang bilang isang ina sa gitna ng pandemya. Bukod sa pag-sterilize at pagdidisimpekta sa lahat ng gamit ng sanggol, kailangan mo ring tumingin ng mga potensyal na ospital upang maisaalang-alang ang protokol at alituntuning pangkaligtasan. Sa dami ng maternity hospital sa bansa, siguradong ikaw ay magtatagal ng ilang araw upang usisain ang bawat isa. Ito ang dahilan kung bakit ibinuod ng artikulong ito ang ilang kilalang establisyimento sa isang directory ng maternity hospital upang makatulong na gawing mas madali ang pagpaplano.

    Ano Ang Kailangang Mong Malaman Bago Pumili Ng Maternity Hospital?

    Bago pa man baguhin ng pandemyang ito ang kalakaran ng maraming bagay para sa maraming tao, mayroon ng ilang bagay na dapat isaalang-alang sa departamento ng panganganak. 

    Ang mga pasilidad, kwarto na pagtutuluyan, at ang lokasyon ng ospital mula sa tahanan ay dapat na iniisip ng mag-asawa. Ngunit, ang mga bagay ngayon ay mas kumplikado pa rito. 

    Binigyan ng COVID-19 ng mas maraming dahilan ang mga malapit nang maging magulang upang mabalisa at mag-alala sa mga susunod na mangyayari. Ang mga tanong tulad ng, “ligtas bang ipanganak ang sanggol sa ospital?”, “Mahahawa ba pareho ang bata at ina ng naturang virus?”, “ano ang iba pang paraan upang maihatid ang sanggol nang hindi lumalabas ng bahay at hindi maging exposed sa mga tao?” ay madalas na naririnig sa mga nakakasubok na panahon.

    Bukod sa pagpaplano ng iyong bag sa ospital at lahat ng iba pang karaniwang bagay na binanggit sa itaas, mahalaga pa rin na kumunsulta sa iyong ob-gyn at healthcare provider para sa buong proseso. Ang pagtalakay sa pinakamahusay na diskarte sa hinaharap ay makatutulong sa pagbuo ng plano ng kapanganakan at pagpili ng angkop na ospital mula sa directory ng maternity hospital na ilalahad dito. 

    Ang mga sumusunod ay kabilang sa directory ng maternity hospital sa metropolitan area:

    St. Luke’s Medical Center – Global City

    Lokasyon: Rizal Drive cor. 32nd St. and, 5th Ave, Taguig, 1634 Metro Manila

    Contact number: (02) 8789 7700

    Tignan ang kanilang website sa  https://www.stlukes.com.ph/

    Cruz-Rabe Maternity and General Hospital

    Lokasyon: 57 Gen. Luna St, Taguig, 1634 Metro Manila

    Contact number: (02) 8642-3433

    Makati Medical Center

    Lokasyon: No. 2 Amorsolo Street, Legaspi Village, Makati City, Philippines 1229

    Contact number: (02) 8888 8999

    Tignan ang kanilang website sa  https://www.makatimed.net.ph/

    Maria Lourdes Maternity Hospital

    Lokasyon: 1076 Don Chino Roces Avenue, Makati, Kalakhang Maynila

    Contact number: (02) 8895 3846

    Asian Hospital and Medical Center

    Lokasyon: 2205 Civic Dr, Alabang, Muntinlupa, 1780 Metro Manila

    Contact number: (02) 8771 9000

    Tignan ang kanilang website sa  https://www.asianhospital.com/

    Alabang Medical Center

    Lokasyon: Alabang – Zapote Road, Across Madrigal Business Park, Muntinlupa Philippines

    Contact numbers: (02) 807-8189 / 775-0511 / 850-8498

    Tignan ang kanilang website sa  https://alabangmedicalcenter.webs.com/

    The Medical City

    Lokasyon: Ortigas Avenue, Pasig City, Metro Manila, Philippines

    Contact number: 8988-1000 / 8988-7000

    Tignan ang kanilang website sa  https://www.themedicalcity.com/

    Manila Doctors Hospital

    Lokasyon: 667 United Nations Ave, Ermita, Manila, 1000 Metro Manila

    Contact number: (02) 8558 0888

    Tignan ang kanilang website sa  https://www.maniladoctors.com.ph/

    University of Santo Tomas Hospital

    Lokasyon: University of Santo Tomas Hospital, España Blvd, Sampaloc, Manila, 1015 Metro Manila

    Contact number: (02) 8731 3001

    Tignan ang kanilang website sa http://www.usthospital.com.ph/

    Amisola Maternity Hospital

    Lokasyon: 1068 Hermosa St. Manuguit Tondo 1013 Manila, Philippines

    Contact number: (02) 8251 2491

    Trinity Woman & Child Hospital

    Lokasyon: 2732 New Panaderos Street, Santa Ana, Manila, Philippines

    Contact number: (02) 8564 1511

    Tignan ang kanilang Facebook Page sa https://www.facebook.com/TrinityWomanAndChild

    Metropolitan Medical Center

    Location: 1357 G. Masangkay St., Sta. Cruz, Manila

    Contact number: (02) 8254 1111 / 8863 2500

    Tignan ang kanilang website sa  https://www.mmc.com.ph/

    Perpetual Succor Hospital and Maternity

    Lokasyon: 836 F. Cayco St. Sampaloc, Metro Manila 1008 Manila, Philippines

    Contact number: (02) 8731 5774

    Tignan ang kanilang website sa https://www.perpetualsuccorhospital.com/

    St. Christiana Maternity Hospital

    Lokasyon: 3338 Kaginhawaan, Pasig, 1611 Metro Manila

    Contact number: (02) 8682 8751

    VT Maternity Hospital

    Lokasyon: 22 Guerilla St. Toyota Ave, Marikina, 1800 Metro Manila

    Contact number: 9426669

    Capitol Medical Center, Inc.

    Lokasyon: Quezon Avenue, corner Scout Magbanua Street, Quezon City, 1003 Metro Manila

    Contact number: (02) 8372 3825

    Tignan ang kanilang website sa  https://www.capitolmedical.com.ph/

    Las Piñas City Medical Center – CityMed

    Lokasyon: 1314 Marcos Alvarez Ave, Las Pinas, 1747 Metro Manila

    Contact number: 8005678

    Tignan ang kanilang Facebook Page sa  https://www.facebook.com/citymedph/

    South City Hospital and Medical Center

    Lokasyon:115 Daanghari Road, Brgy. Molino 4 4102 Bacoor, Philippines

    Contact number: (046) 419 8240

    Tignan ang kanilang Facebook Page sa https://www.facebook.com/southcityhospitalandmedicalcenter/

    General Trias Maternity and Pediatric Hospital

    Lokasyon: Gen. Trias Dr, General Trias, Cavite

    Contact number: (046) 437-0124/0133

    Tignan ang kanilang Facebook Page sa https://www.facebook.com/General-Trias-Maternity-and-Pediatric-Hospital-249672909301072

    Ang mga maternity hospital na makikita sa labas ng Metro Manila ay:

    Castro Maternity

    Lokasyon: M. Ponce St. Tibag 3006 Baliuag, Bulacan

    Contact number: (044) 766-1462

    Tignan ang kanilang website sa http://www.castrohospital.com

    Santana Maternity and Children’s Hospital, Inc.

    Lokasyon: 21 Sumulong St., Brgy. San Jose, 1870 Antipolo, Rizal 

    Contact number: 0965 994 2373

    Tignan ang kanilang Facebook Page sa  https://www.facebook.com/SantanaMCHI/

    Padre Pio Maternity and Medical Hospital Inc.

    Lokasyon: 98 Gen. Luna St., Balante Ampid 1, San Mateo, Rizal, 1850

    Contact numbers: 661-7905 | 656-3475

    Tignan ang kanilang Facebook Page sa https://www.facebook.com/PPMMHI/

    Ang ilan mula sa timog na bahagi ng Pilipinas ay:

    Cebu Maternity Hospital

    Lokasyon: B. Rodriguez St, Cebu City, Cebu

    Contact number: 253 5621

    Iloilo Mission Hospital

    Lokasyon: Mission Rd 5000 Jaro,Iloilo

    Contact number: (033) 320 0315 to 19

    Tignan ang kanilang Facebook Page sa https://www.facebook.com/iloilomissionhospital/

    Mercy Maternity Center

    Lokasyon: #10 1st Opal St. RGA Village, Dacudao/Obrero, Davao City

    Contact number: (082) 224-1482

    Tignan ang kanilang website sa https://www.mercymaternity.com/

    Isa pang bagay na dapat isaalang-alang ay kung mayroong mga nakalatag na parehong maternity at pediatric services para sa iyo at sa iyong sanggol.

    Pahuling Mensahe

    Hindi maitatanggi ang iba’t ibang mga emosyong naramdaman noong nalaman mo na ikaw ay nagdadalang-tao. 

    Sa isang banda, ikaw ay nasisiyahan sa ideya, ngunit sa kabilang panig ay maaari kang makaramdam ng takot at pagkabalisa sa susunod na mangyayari. Normal para sa mga magiging ina na maramdaman ang lahat ng mga bagay na ito at higit pa. Maaaring tumagal ang pagproseso sa lahat ng ito, ngunit mahalaga rin na mabigyang pansin ang ibang mga bagay.

    Ang panganganak sa gitna ng isang pandemya ay nangangailangan ng maingat na pagsasaalang-alang sa lahat ng mga bagay na dapat mong malaman at dapat mong paghandaan. Makipag-ugnayan sa iyong napili mula sa directory ng maternity hospital bago ang iyong takdang petsa upang talakayin at planuhin ang mga bagay-bagay nang maaga.

    Isinalin mula sa Ingles ni Fiel Tugade.

    Matuto pa tungkol sa Panganganak dito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Jezreel Esguerra, MD

    General Practitioner


    Isinulat ni Fiel Tugade · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement