Buntis ka ba, o gusto mong mabuntis pero naghahanap ng tulong sa pagbuo ng baby? Alamin dito kung paano nakakatulong ang folic acid bilang prenatal vitamins na pwede mong maging kakampi para maging safe si baby sa mga diperensiya or abnormalities.
Kung naghahanap ka ng kaagapay sa isang malusog na pagbubuntis, sagot ng folic acid ang iyong problema. Nagtataglay ito ng folate o folic acid na nakakatulong before and during pregnancy period. ⁵Maaaring makatulong ang pag-inom ng folic acid araw-araw bago mabuntis, hanggang umabot as 12 weeks ng pregnancy, o ang unang trimester.
Eto ang ilang mahahalagang bagay tungkol sa folic acid para sa buntis at gustong magbuntis:
Here are the interesting facts about folic acid para sa buntis
²Ang folate ay napakahalaga sa pagbuo ng red blood cells at pagkakaroon ng malusog na paglaki at paggana ng mga cells. ²Ang nutrient na ito ay mahalaga sa early pregnancy para mabawasan ang panganib ng birth defects o abnormalities sa utak at spine ni baby.
¹Bilang karagdagan, ang folate ay isang natural form ng vitamin B9, water-soluble ito at matatagpuan sa maraming pagkain. ¹Madalas din na idinagdag ito sa mga pagkain at ibinebenta bilang supplement sa anyo ng folic acid.
Nakakatulong din ba ang folic acid para sa gustong mabuntis?
Studies suggest folic acid can help support women’s fertility. ³In short, ang mga babaeng umiinom ng multivitamins with folic acid ay may higher chance na mag-ovulate o mag-produce ng egg. ³Dagdag pa rito, natuklasan din ng mga nakaraang pag-aaral na ang mga babaeng nagsisikap na magbuntis ay may higher pregnancy rates kapag nagte-take sila ng folic acid supplement.
The results of different studies suggest na totoong nakatutulong ang folic acid para sa gustong mabuntis ngunit nangangailangan ng tulong para makabuo. ³Ito ay nagbibigay-daan upang mapalakas ang katawan at magkaroon ng proteksyon ang iyong future baby laban sa abnormalities at neural tube defects, tulad ng spina bifida.