How You Will Avoid Constipation? Narito Ang Mga Tips!
1Maraming paraan upang maiwasan ang constipation sa anomang edad. 1Narito ang mga sumusunod na tips to avoid constipation:
- Pagkonsumo ng maraming pagkaing may mataas na fiber, kabilang ang beans, gulay, prutas, whole grain cereal at iba pa;
- Pag-iwas ng pagkain sa processed foods, dairy, at meat products;
- Pag-inom ng sapat na tubig;
- Pagiging aktibo at pag-eehersisyo;
- Pagkakaroon ng tamang management ng stress;
- Iwasang magpigil ng pagdumi; at
- Subukang gumawa ng regular na iskedyul para sa pagdumi, lalo na pagkatapos kumain
Kailan Ka Dapat Mag-take Ng United Home Glydolax?
1Komunsulta sa iyong doktor kung nakakaranas ka o ang iyong anak ng hindi maipaliwanag at patuloy na pagbabago sa mga gawi sa pagdumi. 6Tandaan na kapag constipated ka o ang iyong anak, huwag mag-atubuli sa pagpapatingin sa doktor. Dahil sa pagpapa-consult maaari nilang i-recommend ang United Home Glydolax bilang suppository for babies, kids, and adults. 3Ginagamit ang United Home Glydolax para sa pagtitibi, lalo na kung hindi na epektibo ang oral laxatives.
Paano Nakakatulong Sa Pagtitibi Ang United Home Glydolax?
3Ang United Home Glydolax ay naglalaman ng Glycerol, isang kimikal na maaaring gamitin bilang laxative. Gumagana ang Glycerol sa pamamagitan ng fluid retention sa bituka upang panatilihing basa ang mga dumi. 3Pinapadulas din nito ang pagdaan ng dumi para sa madaling paglabas nito sa puwet. 3Ginagamit ito sa pamamagitan ng pagpasok ng suppository sa puwet na maaaring gumawa ng mild stimulatory effect sa bituka.
3Don’t forget na ang glycerol suppositories tulad ng United Home Glydolax ay para sa rectal use lamang at hindi ito tine-take sa pamamagitan ng bibig. And to be safe, ask your doctor for consultation to have proper guidance paano mo ito gagamitin sa iyong sarili o sa iyong anak.
Comments
Share your thoughts
Be the first to let Hello Doctor know your thoughts!
Join Us or Log In to join the discussion