home

What are your concerns?

close
Inaccurate
Hard to understand
Other

Share


Or copy link

New

Benepisyo ng Salabat sa Buntis: Nakakatulong Ba Ito sa Pagsusuka ng Buntis?

Benepisyo ng Salabat sa Buntis: Nakakatulong Ba Ito sa Pagsusuka ng Buntis?

Ngayong ikaw ay nagbubuntis, maaaring nakakuha ka ng payo na uminom ng mga herbal tea tulad ng salabat. Maraming ina ang nagsasabi na nakakatulong ito sa mga sintomas ng pagbubuntis, tulad ng morning sickness o pagsusuka. Pero totoo nga na maraming benepisyo ang mga herbal na tea. Ngunit anu-ano nga ba ang benepisyo ng salabat sa buntis?

Anu-ano ba ang benepisyo ng luya?

Luya ang halaman na ginagamit sa paggawa ng salabat. Bagama’t ginagamit ito nang sariwa, maaari rin itong gamitin bilang:

  • Pinatuyong mga ugat
  • Pinatuyong ugat na ginawang powder (na nilalagay rin sa capsules)
  • Liquid extract (nakahalo sa syrup o asukal, o kaya sa tsaa)

Ang karamihan sa mga epekto ng luya ay gumagana sa gastrointestinal tract, at nakakatulong rin sa digestion. Ito ang posibleng dahilan kung bakit ito ginagamit sa sakit ng tiyan pati na rin sa pagsusuka.

Kaya marami ang benepisyo ng salabat sa buntis, hindi lamang sa pagsusuka, ngunit pati na rin sa digestion at mga problema sa tiyan.

Benepisyo ng salabat sa buntis

Iba-iba ang nagiging epekto ng mga herbal teas sa buntis. Mayroong mga herbal tea na nakakatulong sa:

  • Pagtulog
  • Nakakatulong sa sakit ng tiyan
  • Nakakabawas ng anxiety

Mayroon pang ibang mga herbal tea na nakakatulong sa pre-eclampsia at inihahanda ang katawan para sa panganganak.

Sa mga tsaa na ito, ang salabat ay maraming benepisyo pagdating sa pagsusuka, pananakit ng tiyan, at pati na rin sa pain relief.

1. Nakakatulong ito sa pagsusuka

Ang karaniwang gamit ng salabat ay para maibsan ang pagsusuka, lalo na sa mga buntis.

Ayon sa isang pag-aaral noong 2015, bukod sa pagbubuntis ay nakakatulong rin itong kontrahin ang pagsusuka na dulot ng chemotherapy, pati na rin ng pagkahilo.

2. Nakakatulong ito sa pananakit ng tiyan

Ang sariwang luya ay mayroong kemikal na kung tawagin ay gingerol, na isang antioxidant at nakakabawas rin ng inflammation. Dahil dito, maaari itong magamit bilang gamot sa mga inflammatory diseases, pati na rin sa sakit ng tiyan.

Ayon pa sa isang pag-aaral, nakakatulong ito sa mabagal na paggalaw ng pagkain sa tiyan, o impaired gastric emptying.

3. Nakakatulong itong magpababa ng blood sugar

Ang gingerol rin ay nakakatulong upang mapababa at makontrol ang blood sugar levels, na mahalaga sa gestational diabetes, at pati na rin sa type 2 diabetes.

Pinapabagal ng luya ang enzymes na nagbe-breakdown ng carbohydrates, kaya’t nakakatulong ito sa pagkontrol ng blood sugar.

4. Mainam ito sa sipon at masakit na lalamunan

Tulad ng ibang mainit na inumin, mainam ang pag-inom ng salabat sa masakit na lalamunan, at nakakatulong rin itong makabawas sa congestion na dala ng sipon.

Gaano kadalas puwedeng uminom ng salabat ang buntis?

Ang mga herbal tea tulad ng salabat ay gawa sa mga natural na ingredients. Ngunit hindi nito ibig sabihin na ligtas na uminom ng maraming herbal tea. Ito ay dahil pabago-bago ang dami ng chemical compounds sa mga ito, at minsan hindi nakasulat ang lahat ng ingredients sa label. Ibig sabihin, maaaring makasama ang mga ito sa mga mommy at kay baby kung sosobra ang pag-inom ng herbal tea.

Ano man ang herbal tea na iniinom mo, mainam na ang 1-2 baso nito kada araw.

Kung ikaw naman ay nagbe-breastfeed, siguraduhing alamin muna kung may kakaiba bang epekto ang mga herbal tea na ito sa iyong baby.

Karagdagang Kaalaman

Maraming benepisyo ang luya para sa ating kalusugan. Bukod sa pagiging masarap nitong ingredient sa pagluluto, marami rin itong vitamin C, magnesium, atpotassium.

Ang pag-inom ng ginger tea habang nagbubuntis ay nakakapagbigay ng mga health benefits tulad ng pagbawas sa mga sakit na nararanasan ng mga nagbubuntis.

Alamin ang tungkol sa pagbubuntis dito.

Isinalin sa Filipino ni: Alwyn Batara

Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.

Picture of the authorbadge
Written by Fiel Tugade Updated 3 weeks ago
Fact Checked by Jan Alwyn Batara