backup og meta

Kasarian Ng Sanggol, Nalalaman Ba Gamit Ang Normal Fetal Heart Rate?

Kasarian Ng Sanggol, Nalalaman Ba Gamit Ang Normal Fetal Heart Rate?

Maraming naipapahayag ang normal fetal heart rate patungkol sa kalagayan ng isang sanggol. Subalit, maaari bang maipalagay ng mga nagdadalang tao ang kasarian ng kanilang sanggol sa pamamagitan ng fetal heart rate tulad ng sabi-sabi ng karamihan? 

Kasabay ng pag-aalaga sa kalusugan at pag-aaral kung paano alagaan ang sanggol, ang kasarian ng fetus ay isa rin sa mga mainit na paksa sa mga usapan ng mga buntis na ina. Ang paraan ba ng paghula ng fetal sex sa pamamagitan ng tibok ng puso ay wasto? Nalalaman ba sa heart rate ng buntis sa loob ng 12 linggo kung babae o lalaki ang naturang sanggol? Alamin natin mula sa pagbabahagi ng mga obstetrician sa artikulo sa ibaba.

Posible Bang Mahinuha Ang Kasarian Ng Isang Fetus Sa Pamamagitan Ng Normal Fetal Heart Rate?

Napag-uusapan ng karamihan sa mga nanay na ang normal fetal rate ay nakatutulong upang malaan ang kasarian ng sanggol sa unang tatlong buwan pa lamang.

Alinsunod dito, ibinabahagi ng mga ina na kung ang tibok ng puso ay umabot ng higit sa 140 beats bawat minuto (bpm), ang fetus ay masasabing babae, at kung mas mababa naman sa 140 bpm, ito ay masasabing lalaki.

Ang nasabing fetal heart ay nagsisimulang mabuo pagkasimula ng ika-6 na linggo ng pagbubuntis. Maaari mo rin makita at masukat ang pag-flicker ng ilaw sa iyong computer screen habang isinasagawa ang ultrasound scan. Nagsisimula ang beats per minute (bpm) sa 90-110 beats/min at patuloy na tumataas araw-araw. Gayun din, ang fetal heart rate ay tumataas hanggang sa maabot nito ang rurok sa ika-9. Sa panahong ito, naglalaro na ang bpm sa pagitan ng 140-170 bpm para sa parehong kasarian, mapa-babae man o lalaki. Samakatuwid, hindi mahuhulaan ang kasarian ng fetus gamit ang kanilang normal fetal heart rate. 

Mga Pananaliksik Patungkol Sa Kung Paano Mahinuha Ang Fetal Sex Sa Pamamagitan Ng Normal Fetal Heart Rate

Sa isang bagong nailathalang pag-aaral, sinuri ng mga mananaliksik ang mga resulta ng ultrasound mula sa 966 kababaihan na kasalukuyang 14 na linggo nang nagbubuntis. Ang prosesong ito ay muli nilang inulit pagkarating ng kanilang second trimester, kung kailan ang fetus ay nasa pagitan na ng 18 linggo at 24 linggong gulang. Ang kasarian ng fetus ay maaari na ring matukoy sa pamamagitan ng fetal ultrasound batay sa nasabing panahon.

Sa ngayon, 477 na kalahok pa lamang ang nakatugon sa pamantayan ng nasabing pag-aaral. Mula rito, 244 ay babae, habang 233 ay lalaki.

Ayon sa nakalap ng resulta mula sa pag-aaral, ang average heart rate para sa mga kalalakihan sa unang 3 buwan ay 154.9 bpm. Ito ay maaaring tumaas o bumaba ng humugit kumulang na 22.8 bpm. 151.7 bpm naman para sa mga kababaihan. Ito ay maari ring bumaba o tumaas ng humugit kumulang na 22.7 bpm. 

Kinilala rin ng isang pang pag-aaral noong 2016 ang normal fetal heart rate ng 332 na babae at 323 na lalaki sa unang 3 buwan ng pagbubuntis. Katulad ng naunang pag-aaral, wala ring nakitang anumang makabuluhang pagkakaiba ang mga mananaliksik mula rito. 

Sa madaling salita, hindi maaring mahulaan ang fetal sex sa pamamagitan ng normal fetal heart rate. Walang siyentipikong ebidensya na sumusuporta sa haka-hakang ito. Walang naging makabuluhang pagkakaiba ang heart rate sa mga lalaki at babae sa mga unang yugto ng pagbubuntis.

Kailan Maaring Malaman Ang Kasarian Ng Sanggol?

Ang kasarian ng isang fetus ay malalaman lamang kapag nagkasalubong na ang sperm cell at ang egg cell. Ito ay nakatakda na bago mo pa malaman na ikaw ay nagdadalang tao. Ang mga fetus ay maaaring magmana ng chromosome X or Y mula sa sperm ng kanilang ama. XX ang genetic information na bitbit ng mga babae, samantalang XY naman sa mga lalaki. 

Bukod pa rito, maaari ka ring magulat na malaman na ang ari ng iyong sanggol ay hindi kaagad nabubuo. Sa katunayan, halos magkapareho ang itsura ng mga lalaki at babae sa pagitan ng 4 at 6 na linggo. Nagsisimula lamang mag-iba ang mga ito pagkarating ng 10-20 na linggo.

Anu-Ano Ang Mga Hakbang Na Makatutulong Upang Malaman Ang Kasarian Ng Sanggol?

Sa kasamaang-palad, hindi nakatutulong ang paggamit ng normal heart rate upang matukoy ng isang ina kung ang kanyang dinadala ay babae o lalaki. Ngunit, may iba’t ibang medical na pamamaraan at proseso upang malaman ang kasarian ng mga sanggol. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod:

  • Fetal ultrasound
  • Genetic testing
  • Non-invasive prenatal testing (NIPT)

Gayunpaman, may mga doktor na ipinapaalam lamang ang kasarian ng sanggol kung kinakailangan o kung may nakikitang abnormality sa iyong pagbubuntis. Kung nais mong malaman ang kasarian, mangyari lamang na banggitin ito sa iyong obstetrician. 

Key Takeaways

Napatunayan ng agham na ang paghula sa fetal sex sa pamamagitan ng fetal heart rate ay ganap na hindi mapagkakatiwalaan. 
Babae man o lalaki ang iyong magiging sanggol, importanteng mapagtanto na ang buhay na dinadala ay isang munting regalo na ipinagkaloob sa iyo ng kalikasan. Kung kaya, nararapat lang na alagaan mabuti ang iyong pagbubuntis.

Isinalin sa Tagalog ni Fiel Tugade.

Matuto pa tungkol sa Pagiging Buntis dito.

[embed-health-tool-due-date]

Disclaimer

Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.

Myths About Pregnancy, https://cookchildrens.org/newborn/pregnancy/Pages/myths-about-pregnancy.aspx, Accessed December 15, 2021

Can a Baby’s Fetal Heart Rate Reveal Gender, http://thedacare.org/news-and-events/symptoms-and-conditions/can-a-babys-fetal-heart-rate-reveal-gender/, Accessed December 15, 2021

Old Wives’ Tales, https://www.hopkinsallchildrens.org/Patients-Families/Health-Library/HealthDocNew/Old-Wives-Tales, Accessed December 15, 2021

First trimester fetal heart rate as a predictor of newborn sex, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4679415/, Accessed December 15, 2021

Does a Baby’s Heart Rate Reveal Their Sex? https://health.clevelandclinic.org/does-babys-heart-rate-reveal-their-sex/, Accessed December 15, 2021

Current Version

04/17/2024

Written by Hello Bacsi

Medically reviewed by Jezreel Esguerra, MD

Updated by: Jan Alwyn Batara


People Are Also Reading This

Heart Rate During Pregnancy: What's The Ideal?

Why Isn't My Baby Kicking? - Reasons for Decreased Fetal Movement


Medically reviewed by

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Written by Hello Bacsi · Updated Apr 17, 2024

ad iconadvertisement

Was this article helpful?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement