home

What are your concerns?

close
Inaccurate
Hard to understand
Other

Share


Or copy link

New

Vitamins Para Sa Baby Na 6-12 Months: Alamin Kung Ano Ito

Vitamins Para Sa Baby Na 6-12 Months: Alamin Kung Ano Ito

Ang unang taon ni baby ay isa sa pinakamahalagang panahon para sa kaniyang growth and development. Bukod sa tamang pag-aalaga at pagkain, mahalaga rin na maibigay ang mga vitamins na kinakailangan ng kaniyang katawan para sa tamang paglaki. Heto ang mga vitamins para sa baby na 6-12 months old.

Paano nakakatulong sa paglaki ang wastong nutrisyon?

Ang wastong nutrisyon ay nakakatulong upang maabot ng mga sanggol ang kanilang developmental milesontes. Kapag sila ay nasa sinapupunan pa lamang, nakukuha nila ang nutrisyon mula sa kanilang mga ina. Matapos silang ipanganak, nakukuha naman nila ito sa breast milk, na galing pa rin sa kanilang mga ina.

Pero kapag marunong na silang kumain ng solid foods, dito na manggagaling ang nutrients na kailangan ng kanilang katawan.

Ang mga essential vitamins at nutrients ay nagmumula sa iba’t-ibang uri ng mga pagkain. Kaya mahalagang gumawa ng healthy food choices ang mga magulang upang makuha ng kanilang mga baby ang benepisyo ng mga ito.

Vitamins para sa baby

Ang pinakamainam na vitamins para sa baby na 6-12 months ay nagmumula sa kanilang mga kinakain. Upang makatulong sa pagpili ng wastong pagkain, heto ang mga vitamins na kailangan nila:

Vitamins

Vitamin A

Mahalaga ang vitamin A para sa kalusugan ng ngipin, mata, buhok, at balat, pati na rin upang palakasin ang immune system.

B Vitamins

Ang B vitamins ay mainam rin na vitamins para sa baby na 6-12 months. Mayroong 8 uri ng B vitamins:

  • Thiamine (vitamin B1)
  • Riboflavin (vitamin B2)
  • Niacin (vitamin B3)
  • Pantothenic acid (vitamin B5)
  • Pyridoxine (vitamin B6)
  • Biotin (vitamin B7)
  • Folate (vitamin B9)
  • Cyanocobalamin (vitamin B12)

Nakakatulong ang mga ito sa bodily functions, kasama na ang cell health at metabolism. Nakakatulong rin ito sa function at development ng utak.

Vitamin C

Ang ascorbic acid o vitamin C ay nakakatulong upang panatilihing malakas ang immune system ng katawan. Kapag malakas ang immune system ng mga sanggol ay mas nalalabanan ng kanilang katawan ang mga impeksyon.

Ang vitamin C ay isa sa mga mahahalagang vitamins para sa baby na 6-12 months dahil nakakatulong ito sa pagbuo ng collagen. Ang collagen ay nagbibigay ng structure at elasticity sa balat, muscles, tendons, ligaments, connective tissues, at blood vessels. Nakakatulong rin itong palakasin ang mga buto at ng tissue growth para sa mabilis na paggaling ng mga sugat.

Vitamin D

Kailangan ng mga sanggol ang vitamin D upang maka-absorb ng calcium, na nakakatulong sa pagbuo ng matibay na ngipin at mga buto. Nakakatulong rin ito sa phosphorus absorption, na mahalaga sa growth, maintenance, at repair ng mga tissues at cells.

Minerals

Calcium

Bukod sa mga vitamins para sa baby, mahalaga rin ang mga minerals. At isa sa pinakamahalaga dito ay ang calcium. Ang calcium ay nakakatulong upang magkaroon ng matibay ng ngipin at buto ang mga baby. Nakakatulong rin ito sa blood clotting pati na rin sa maintenance ng mga nerves at muscles.

Nakakatulong rin hanggang pagtanda ang pagkakaroon ng mataas na level ng calcium sa katawan habang bata. Ito ay dahil mas nagiging matibay ang mga buto, at nakakaiwas sa bone loss kapag bata pa lang ay maraming calcium ang katawan.

Iron

Mahalaga ang iron sa pagbuo ng mga cells, lalong-lalo na ng mga red blood cells. Nakakatulong rin ito upang makaiwas sa iron deficiency anemia.

Zinc

Ang zinc naman ay nakakatulong sa pagbuo at repair ng mga body tissues, muscles, at balat. Pinapalakas rin nito ang immune system, na mahalaga upang malabanan ang mga sakit at infection.

Sodium

Ang sodium ay nakakatulong upang balansehin ang tubig sa katawan pati na rin ang blood volume. Bukod dito, nakakatulong ito sa pag-maintain ng cell membrane at iba pang tissues sa katawan.

Hindi rin kinakailangan na bigyan ng extra na sodum ang diet ng mga sanggol. Ito ay dahil nakukuha na nila ito mula sa breast milk o kaya sa infant formula.

Iba pang nutrients

Carbohydrates

Ang carbohydrates naman ay mahalaga para sa growth and development. Nakakatulong rin ito upang magamit ng tama ang proteins at fats sa katawn.

Fat

Ang fat naman ay nakakatulong sa brain development ng mga baby. Ang mga baby na 6-12 months old ay may nakukuha ring benepisyo sa fat, kabilang na ang pag-absorb ng fat-soluble vitamins, A, D, E, at K, at pagbibigay ng energy sa katawan.

Protein

Bukod sa proteins at fats, mahalaga rin ang protein sa pagbuo, pag-maintain, at pag-repari ng mga tissues ng balat, mata, muscles, heart, lungs, brain, at iba pang organs.

Ginagamit rin ng katawan ang protein sa pagbuo ng mga enzymes, hormones, antibodies, at iba pang kailangan para sa growth at development ng mga sanggol. Bukod dito, ang protein ay nagsisilbing building blocks ng buto, muscles, cartilage, balat, at dugo.

Tubig

Nakukuha ng mga sanggol ang tubig mula sa breastmilk. Ngunit kapag nagsimula na silang kumain ng mga solid food ay kinakailangan na silang bigyan ng tubig.

Mahalaga ang tubig para ma-regulate ang temperature ng katawan pati na rin ang cell metabolism. Nakakatulong rin ito sa pag-transport ng nutrients sa katawan, pati na rin ang pag-maintain ng function ng mga kidneys.

Key Takeaways

Mahalagang alamin ng mga magulang ang essential nutrients, minerals, at vitamins para sa baby na 6-12 months old. Nakakatulong ito upang mapili ng mga magulang kung ano ang pinakamasustansyang mga pagkain na maaari nilang ibigay sa kanilang mga baby.

Ang isa pang dapat tandaan ay kung hindi nutrient-, vitamin-, o mineral-deficient ang iyong baby, hindi naman kinakailangan magbigay pa ng mga vitamins.

Huwag rin mag-atubiling magpakonsulta sa pediatrician kung sakaling may mga tanong ka tungkol sa nutrisyon pati growth at development ng iyong anak.

Alamin ang tungkol sa Parenting and Baby dito.

Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.

Sources
  1. Baby https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/baby/Pages/default.aspx Accessed August 11, 2020
  2. Vitamins for Children  https://www.nhs.uk/conditions/pregnancy-and-baby/vitamins-for-children/ Accessed August 11, 2020
  3. Suitable for 0-18 years: Vitamins and Minerals https://raisingchildren.net.au/teens/healthy-lifestyle/nutrients/vitamins-minerals Accessed August 11, 2020
  4. Nutritional Needs of an Infant https://wicworks.fns.usda.gov/wicworks/Topics/FG/Chapter1_NutritionalNeeds.pdf Accessed August 11, 2020
  5. Listing of Vitamins https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/listing_of_vitamins Accessed August 11, 2020
  6. Overview: Vitamins and Minerals https://www.nhs.uk/conditions/vitamins-and-minerals/ Accessed August 11, 2020
Picture of the authorbadge
Written by Jan Alwyn Batara Updated 2 weeks ago
Fact Checked by Hello Doctor Medical Panel