backup og meta

Filipino Food Para sa Buntis: 3 Healthy Recipes kay Mommy at Baby

Filipino Food Para sa Buntis: 3 Healthy Recipes kay Mommy at Baby

Para sa mga nagdadalang tao, hindi sapat ang kumain lamang ng marami. Mahalaga ang kumain ng masusustansiyang pagkain habang nagbubuntis upang masiguradong ikaw at si baby ay malusog. Kung ikaw ay naghahanap ng masasarap at masustansiyang lutong-bahay, heto ang ilang recipes para sa Filipino food para sa buntis.

Ano ang Dapat Kainin ni Mommy?

Mahalaga sa buntis ang masusustansyang pagkain na sapat ang dami. Ayon sa Recommended Energy and Nutrient Intake (RENI, 2002), kailangang kumain ng karagdagang 300 kilocalories sa isang araw (kumpara sa hindi nagbubuntis na nangangailangan ng 2,000 calories) upang manatiling malusog.

Sa kabutihang palad, ang Filipino food para sa buntis ay hindi lang masustansya, ngunit masarap. Kaya’t siguradong mag-eenjoy dito ang mga nagbubuntis. 

Bilang gabay, ang Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology (DOST-FNRI) ay naglabas ng Daily Nutritional Guide Pyramid for Filipino Pregnant Women. 

Gamit ang guide na ito, mapapadali ang paghahanda ng Filipino food para sa buntis sa inyong tahanan. Nasisigurado nitong sapat ang nakukuhang nutrisyon ng mga ina at ng kanilang sanggol na dinadala. Heto ang ilang piling Filipino food para sa buntis.  

Chicken Tinola 

Ang classic na ulam na ito ay isa sa popular na Filipino food para sa buntis dahil marami itong folic acid at protina. Ang folic acid ay isang B vitamin na nakakatulong sa paggawa ng DNA at nakakabawas ng birth defects. 

Bagamat nakakatulong ang protina sa physical at brain development ng mga sanggol, nakakatulong rin ito sa breast at uterine tissue growth ng mga ina. Bukod dito, nakakadagdag rin to sa blood supply ng mga nanay at kanilang sanggol.

Ang pagdagdag ng malunggay sa recipe ay nakakatulong para dumami ang gatas ng mga ina. 

INGREDIENTS:

3 tbsp mantika

¼ cup luya, dinurog

3 tbsp sibuyas, chopped

3 cups chicken breast na hiniwa

2 tsps asin

3 Tbsp bawang na dinurog

3 ¼ Cups green papaya na hiniwa

5 cups tubig

3 cups malunggay 

PROCEDURE
  1. Gisahin ang luya, sibuyas, bawang, at manok sa isang kawali. Takpan at hintaying maluto ang manok.
  2. Lagyan ng asin.
  3. Idagdag ang papaya. Takpan muli at hintaying maluto.
  4. Dagdagan ng tubig, at hayaang kumulo ng 10 minuto.
  5. Idagdag ang malunggay. Hayaang maluto ng isa pang minuto. 

Monggo Guisado 

Ang monggo guisado ay mataas ang calcium, na nakakatulong sa pagbuo ng buto. Mayroon rin itong potassium, zinc, at magnesium, na nakakatulong upang maging malusog ang puso at malakas ang immune system.

INGREDIENTS:

1 tbsp mantika

2 cloves bawang, durog

1 cup sibuyas, hiniwa

1 cup baboy na hiniwang manipis

4 cups tubig

1 cup kamatis na hiniwa

1 cup hipon, binalatan at tinanggalan ng ugat

3½ pre-cooked na monggo

1 tsp asin

1 tsp paminta

1 cup spinach

PROCEDURE
  1. Sa isang kawali, maggisa ng bawang hanggang maging light brown. 
  2. Idagdag ang sibuyas at kamatis. 
  3. Ihalo ang baboy, at gisahin hanggang maging light brown. 
  4. Idagdag ang tubig at hayaang kumulo ng 15 minutes. 
  5. Ihalo ang monggo at pakuluan ulit ng 15 minutes. 
  6. Lagyan ng asin at paminta. 
  7. Idagdag ang binalatang hipon. 
  8. Ihalo ang spinach at hayaang maluto ng 4 minuto. 

Laing 

Isa pang Filipino food para sa buntis ay ang laing, isang ulam na gumagamit ng gata at dahon ng gabi. Mataas ito sa vitamin A, vitamin C, calcium, at iron, na napakahalagang nutrient para sa mga buntis. 

Nakakatulong ang iron sa pagpaparami ng dugo na nagbibigay ng oxygen para kay baby. Nakakatulong rin ito upang makaiwas sa iron deficiency anemia, na nagiging sanhi ng premature birth, low birth weight, at postpartum depression. Dahil dito, mahalagang kumain ng 30mg ng iron ang mga ina habang nagbubuntis

INGREDIENTS:

100g dahon ng gabi 

2 slices baboy, hiniwa sa ¼ inch strips

1 to 2 tbsp shrimp paste o bagoong, to taste

2 cloves bawang, chopped

3 cups gata

2 cups kakang gata

1 pirasong luya, hiniwa

4 pirasong sili, hiniwa

PROCEDURE
  1. Ilagay ang pork belly at tubig sa isang kawali at ilagay ang apoy sa medium heat.
  2. Lutuin hanggang matuyo ang tubig.
  3. Idagdag ang ang shrimp paste, bawang, gata, at luya. Haluin ng 2 minuto.
  4. Ihalo ang dahon ng gabi sa gata. Iwasang haluin ang dahon. Hayaang kumulo hanggang mahigop ng dahon ang sabaw. 
  5. Matapos ang 10 minuto, idagdag ang kakang gata at sili. Hayaang kumulo muli hanggang matuyo at mahigop ng dahon ang sabaw.
  6. Ihain kasama ang kanin.

Key Takeaways


Mahalaga sa mga buntis na maging maingat sa kanilang kinakain, lalo na pagdating sa dami at sustansya nito.

Kailangang siguraduhin na sapat palagi ang sustansya ng pagkain sa bawat ulam. Ang pagkaing Pinoy ay maraming recipes na nakakasigurado ng masarap at masustansyang pagkain para sa mga nagdadalang tao. Subukan at mag-experiment ng iba’t-ibang mga Filipino food para sa buntis. 

[embed-health-tool-due-date]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Eating During Pregnancy, https://kidshealth.org/en/parents/eating-pregnancy.html, Accessed February 15, 2021

Pregnancy Nutrition, https://my.clevelandclinic.org/health/articles/12593-pregnancy-nutrition, Accessed February 15, 2021

Menu Guide Calendar, https://www.fnri.dost.gov.ph/images/images/standardtools/MenuGuideCalendar/2017-MGC.pdf, Accessed February 15, 2021

Filipino Recipes, https://www.nhlbi.nih.gov/health/educational/healthdisp/pdf/recipes/Recipes-Filipino.pdf, Accessed February 15, 2021

Pregnancy Nutrition, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/in-depth/pregnancy-nutrition/art-20045082, Accessed February 15, 2021


Kasalukuyang Version

03/20/2024

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Pamahiin Sa Buntis: Alin Ang Mga Dapat At Hindi Dapat Paniwalaan?

What to Eat to Get Pregnant Faster: Is There a Pregnancy Diet?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement