backup og meta

Karaniwang Sakit sa Balat na Mayroon sa Pilipinas

Karaniwang Sakit sa Balat na Mayroon sa Pilipinas

Ang skin rash o pantal sa katawan/balat ay isang pangkaraniwang pangyayari para sa karamihan ng mga tao na iniuugnay sa allergic reaction, pagbabago ng panahon, at ilang partikular na kondisyon ng balat. Ang mga pantal sa balat ay kadalasang nangangati ngunit, sa mga malalang kaso, maaari rin silang humantong sa scaling at blistering. Narito ang mga pinaka karaniwang sakit sa balat sa Pilipinas.

Mga Palatandaan at Sintomas ng Karaniwang Sakit sa Balat sa Pilipinas

Ano ang skin rash?

Ang skin rash o pantal sa katawan / balat ay ang pamamaga (inflammation o swelling) sa isang lugar sa balat. Ang isang pantal ay maaaring mabuo sa loob ng mga skin fold o lumitaw bilang patch. Sa malalang mga pagkakataon, maaari rin itong makita sa buong katawan.

Madalas, ang mga uri ng skin rash na ito ay maaaring maibsan sa maikling panahon sa pamamagitan ng pagkamot. Gayunpaman, ang sobrang pagkamot ay maaaring makapinsala sa balat nang higit pa at maging sanhi ng mga blisters at pagdurugo.

 karaniwang sakit sa balat

Karaniwang Sakit sa Balat sa Pilipinas: Mga Uri ng Skin Rashes

Narito ang 7 uri ng skin rash na karaniwan sa Pilipinas

1. Bungang araw o Prickly heat rash (miliaria)

Prickly heat rash o bungang araw ang pinaka karaniwang sakit sa balat sa Pilipinas. Lumalabas ito kapag labis ang pagpapawis ng isang tao dahil sa mainit, mahalumigmig na panahon at labi ang pagsuot ng damit (overdressing) .

Nagkakaroon ng bungang araw o prickly heat rash kapag may bara sa mga duct ng pawis. Ang ganitong uri ng mga pantal sa balat ay karaniwang nakikita sa maliliit na bata at mga sanggol dahil ang kanilang mga glandula ng pawis ay nadedebelop pa rin.

Ang isang bungang araw o prickly heat rash ay maaaring lumitaw bilang mga kumpol, maliliit na pula na bumps o mga spot na nagreresulta sa isang pangangati o prickling sensation. Ang mga skin rash clusters ay kadalasang nabubuo sa mukha, leeg, skin folds, sa ilalim ng mga suso, at scrotum.

2. Eczema o atopic dermatitis

Ang eczema o atopic dermatitis ay isang malalang sakit sa balat na nagdudulot ng pagiging mapula ng balat, itchy, at scaly. Isa ito sa mga mga uri ng skin rashes na-ti-trigger ng ilang mga irritant tulad ng labis na pabango, sabon at detergents, pati na rin ang mga allergens tulad ng alikabok at pagkain.

Ang eczema ay karaniwang lumilitaw bilang mga patches sa mukha, leeg, pulso, kamay, limbs, paa, at bukong-bukong. Sinoman ay maaaring magkaroon ng eksema, ngunit ang mga sanggol at maliliit na bata ay mas madaling kapitan nito.

3. Psoriasis

Ang Psoriasis ay isang pangmatagalang problema sa balat na nagiging sanhi upang magkaroon ng mga pulang patch sa balat na may kulay-pilak na kaliskis sa ibabaw nito. Ang ganitong uri ng skin rash o pantal sa katawan ay karaniwang nabubuo sa anit, siko, tuhod, at likod.

Nagiging sanhi ito ng pangangati sa balat, at sa malubhang kaso, ay maaaring magresulta sa isang burning sensation at sakit. Ang ibang tao ay madaling mapamahalaan ang psoriasis. Gayunpaman, maaari itong maging hadlang sa isang indibidwal mula sa pagsasagawa ng mga pang-araw-araw niyang gawain.

4. Contact Dermatitis

Ang contact dermatitis ay isa sa mga karaniwang sakit sa balat ng isang tao na maaaring makuha sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan sa isang allergen. Ang irritant contact dermatitis ay nag-tri-trigger ng tuyo, scaly, at non-itchy rash. Ang mga sanhi ay kinabibilangan ng mga kapaligiran tulad ng malamig na panahon, mahabang pagkakalantad sa tubig, o malakas na kemikal tulad ng detergents, alkalis, acids, at solvents.

Ang allergic contact dermatitis, sa kabilang banda, ay humahantong sa isang napakamakati at bumpy na pantal na kung minsan ay may blistering. Ang mga allergens tulad ng latex rubber, nickel, at lason (poison) ay maaaring maging sanhi ng pantal sa balat na ito.

5. Drug rash

Ang drug rash ay ang allergic reaction ng katawan sa mga partikular na gamot gaya ng antibiotics at diuretics. Karaniwan, ang isang pantal dulot ng gamot ay nagsisimulang lumitaw bilang maliliit na pulang batik pagkatapos ng unang linggo ng pag-inom ng gamot.

Ngunit, habang tumatagal, ang mga batik na ito ay maaaring sumasakop sa mas malawak na bahagi ng katawan, lalo na kung ang gamot ay patuloy na ginagamit.

Ang pantal sa balat na ito ay karaniwang nagsisimula sa mukha at kumalat sa buong itaas ng katawan. Sa mga bihirang kaso, ang drug rash ay maaaring maging isang babala na may banta sa buhay na maaaring makapinsala sa sistema ng paghinga. Kung mangyari ito, ang agarang pangangalagang medikal ay pinapayo.

6. Intertrigo

Ang Intertrigo ay ang pamamaga ng balat dahil sa nagkikiskisan ang balat-sa-balat sa mga lugar ng katawan na kung saan ito ay madalas na mainit at mamasa-masa. Ang mga karaniwang lugar kung saan ang mga intertrigo ay nabubuo ay ang mga skin fold sa tiyan, sa ilalim ng mga suso, singit, kilikili, at sa pagitan ng mga daliri.

Itong mga uri na pantal sa balat na ito ay kadalasang masakit at/o sensitibo. Sa mga seryosong kaso, ang intertrigo ay maaaring humantong sa mga sugat sa balat, basag na balat, at pagdurugo. Karaniwang nawawala ang intertrigo nang kusa kung ginagamot kaagad. Gayunpaman, kung hindi, maaari kang ilagay sa panganib para sa bacterial o fungal infection.

7. Hives or urticaria

Ang mga pantal ay mapula, bumpy, at makati na mga wheal na nagmumula sa isang allergic reaction. Ang mga spot na ito sa balat ay maaaring mabuo sa pamamagitan ng mga maliliit na patch, ngunit maaari nitong masakop ang buong katawan habang umuusad ang allergic reaction.

Ang mga karaniwang nag-tri-trigger ng mga pantal ay mga allergens tulad ng kagat ng insekto, ilang pagkain at gamot, latex, pagsasalin ng dugo, stress, at matinding init at malamig na temperatura.

Ang mga mild hives ay maaaring tumagal ng 24 hanggang 48 na oras. Ngunit kung ito ay tumatagal ng mas mahaba kaysa sa 6 na linggo at umuulit sa mga nakaraang buwan, malamang na mayroon ka ng chronic hives. Hindi tulad ng mild hives, ang mga chronic hives ay maaaring makagambala sa pang-araw-araw na gawain ng isang tao at makagambala sa kanilang pagtulog.

Pangunahing Konklusyon

Karamihan sa mga uri ng skin rash at karaniwang sakit sa balat na binanggit sa itaas ay kusang gumagaling pagkatapos ng ilang araw o isang linggo. Kung hindi, ang lahat ng mga ito ay maaaring gamutin ng mga pamahid sa balat o medicated creams at ointments.

Gayunpaman, bago mag-apply ng anumang bagay sa apektadong lugar, siguraduhing kumonsulta sa isang propesyonal sa kalusugan para sa tamang reseta. Ang self-medicating ay maaaring lalong lumala ang iyong kondisyon sa balat.

Matuto nang higit pa tungkol sa kalusugan ng balat, dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Slideshow: Common Skin Rashes  https://www.mayoclinic.org/skin-rash/sls-20077087?s=1 Accessed November 3, 2020

Rashes https://medlineplus.gov/rashes.html Accessed November 3, 2020

Heat Rash (Prickly Heat) https://www.nhs.uk/conditions/heat-rash-prickly-heat/ Accessed November 3, 2020

Eczema (Atopic Dermatitis) Overview https://www.aaaai.org/conditions-and-treatments/library/allergy-library/eczema-atopic-dermatitis Accessed November 3, 2020

Psoriasis https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/6866-psoriasis Accessed November 3, 2020

Contact Dermatitis https://www.health.harvard.edu/a_to_z/contact-dermatitis-a-to-z Accessed November 3, 2020

Drug Rashes https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/drug-rashes Accessed November 3, 2020

Intertrigo https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK531489/ Accessed November 3, 2020

Chronic Hives https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/chronic-hives/symptoms-causes/syc-20352719 Acessed November 3, 2020

Kasalukuyang Version

07/19/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Folliculitis: Sanhi, Sintomas, at Gamutan

Rashes Sa Katawan Ni Baby: Ano Kaya Ito At Paano Gamutin?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement