backup og meta

Biglang Pumayat na Walang Paliwanag, Dapat Bang Mag-Alala?

Biglang Pumayat na Walang Paliwanag, Dapat Bang Mag-Alala?

Sa unang sulyap, magandang bagay kung mapansin mo na ikaw ay biglang pumayat. Ito ay dahil kung tutuusin, mahirap gawin ang pagbabawas ng timbang. Ngunit ang katotohanan, ang biglang pagpayat ay maaaring magdulot ng maraming problema sa kalusugan, at mas madalas kaysa sa hindi, dapat itong maging sanhi ng pag-aalala.

[embed-health-tool-bmi]

Ano ang Dahilan Kung Biglang Pumayat? 

Kadalasan, ang mga tao ay gumagawa ng mga pagbabago sa kanilang pamumuhay kung gusto nilang magbawas ng timbang. Kabilang dito ang pag-eehersisyo at pagbabago ng kanilang diet upang kumain ng mga mas masustansyang pagkain.

Ang biglang pagpayat naman ay nangyayari kapag ang isang tao ay nabawasan ng 4.5kg o higit pa nang walang dahilan.

Ang hindi sinasadyang mga sanhi ng pagbaba ng timbang ay maaaring mag-iba-iba sa bawat tao. Ngunit sa pangkalahatan, ito ay isang dahilan para sa pag-aalala.

Bakit Ako Biglang Pumayat?

Ang  sumusunod na dahilan ay maaaring mag-trigger ng  biglang pagpayat:

Kanser

Sa kaso ng kanser, kadalasang lumalabas ang ibang mga sintomas bago makaranas ng biglang pagpayat ng isang taong may kanser. Gayunpaman, ang mga sintomas ng kanser ay nag-iiba-iba sa bawat tao, gayundin kung saan matatagpuan ang kanser.

Nangyayari ang pagbaba ng timbang bilang resulta ng pagdami ng mga cancer cells, na gumagamit ng higit sa nutrisyon ng katawan. Ang pancreatic cancer, lung cancer, kanser sa tiyan, at esophageal cancer ay ilan sa mga kanser na maaaring magkaroon ng sintomas ng biglang pagpayat.

Pagkabalisa o depresyon

Ang pagkabalisa o depresyon ay parehong posibleng dahilan ng biglang pagpayat. Kapag ang taong may depresyon o pagkabalisa ay maaaring mawalan ng gana, at hindi man lang napapansin na sila ay hindi gaanong kumakain. Mahalaga para sa mga taong may pagkabalisa o depresyon na humingi ng tulong upang matiyak na hindi nila pinababayaan ang kanilang pisikal at mental na kalusugan.

Chronic Illness

Ang malalang sakit, gaya ng Parkinson’s disease, o COPD ay maaaring maging sanhi ng biglang pagpayat sa mga pasyenteng may ganitong mga kondisyon.

Ang mga sakit na ito ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng gana sa pagkain ng mga tao, at maaari pa ngang humantong sa malnutrisyon, na nagpapalala sa kanilang mga sintomas.

Chronic Infection 

Ang isa pang sakit na maaaring magdulot ng biglang pagpayat ay ang pagkakaroon ng talamak na impeksiyon tulad ng HIV o AIDS. Ang mga malalang impeksyon ay maaaring makaapekto sa isang tao sa paraan ng pagsipsip ng nutrisyon mula sa kanilang pagkain, na maaaring humantong sa pagbaba ng timbang at malnutrisyon.

Alkoholismo 

Ang isang sanhi ng biglang pagpayat  ay ang alcohol dependence . Ang sobrang pag-inom ng alak ay maaaring magdulot ng pananakit ng  tiyan, na maaaring maging sanhi ng hindi nila  pagkain.

Minsan, ang mga alcoholic ay umiiwas sa pagkain ng buo at patuloy na umiinom ng alak. Ang pag-inom ng alak ay nagdudulot ng pagbaba ng timbang dahil hindi tulad ng pagkain, na naiimbak sa katawan bilang enerhiya, ang alkohol ay direktang napupunta sa atay.

Ang pinsala sa atay mula sa alkoholismo ay maaaring magdulot ng mga problema sa kalusugan, na maaaring humantong sa biglang pagpayat.

Type 2 diabetes 

Isa sa pinaka karaniwang sintomas ng type 2 diabetes ay kinabibilangan ng madalas na pag-ihi, matinding pagkauhaw, pagkapagod, at biglang pagpayat. Ang kombinasyon ng mga sintomas na ito ay dapat na maging sanhi ng pag-aalala dahil ito ay maaaring ikaw ay may type 2 na diabetes

Ang pagbaba ng timbang na dulot ng diabetes ay may kinalaman din sa glucose o asukal sa dugo na naipasa mula sa katawan kasama ng ihi.

Hyperthyroidism

Ang hyperthyroidism ay isang kondisyon kung saan ang thyroid ay gumagawa ng labis na hormone na thyroxine. Ito ay isa pang posibleng dahilan ng pagbaba ng timbang.

Ito ay maaaring makapagsimula ng metabolismo ng isang tao, na maaaring maging sanhi ng kanilang pakiramdam na hindi mapakali, kinakabahan, balisa, emosyonal, magagalitin, at nakakaranas din ng pagbaba ng timbang.

Isang sintomas ng hyperthyroidism ay ang pagkakaroon ng malaking gana sa pagkain, ngunit tila hindi tumataba nang husto.

Ito ay sanhi ng  mabilis na metabolismo ng katawan, na maaaring maging sanhi ng mabilis na pagkagutom ng isang tao, ngunit mabilis ding masunog ang enerhiya na nakukuha  mula sa pagkain.

Anong mga Panganib Kung Ikaw ay Biglang Pumayat? 

Ang mga panganib ng biglang pagpayat  ay maaaring mag-iba depende sa mga sanhi. Gayunpaman, ang pagwawalang-bahala sa sintomas na ito ay maaaring seryosong makaapekto sa kalusugan ng isang tao.

Mga Komplikasyon

Ang pinaka karaniwang komplikasyon ng biglang pagpayat  ay malnutrisyon.

Ang malnutrisyon ay isang kondisyon na nagreresulta mula sa hindi pagkakaroon ng sapat na pagkain o nutrisyon  sa diet ng isang tao. Ito ay lalong mapanganib dahil ang ating katawan ay nangangailangan ng nutrisyon upang gumana nang  maayos.

Ang pagiging malnourished ay maaari ring magpalala sa kasalukuyang mga problema sa kalusugan ng isang tao. Ito ay humahantong sa karagdagang pagbaba ng timbang at malnutrisyon. Ang malnutrisyon ay maaari ring magresulta sa malubhang kakulangan ng mahahalagang bitamina at mineral. Bukod dito, maaari pa ngang maging sanhi ng paghinto ng mga function ng katawan.

Ano ang Magagawa Ko Tungkol Dito?

Ang pinaka-epektibong paraan upang harapin ang biglaang pagpayat ay ang paggagamot ng sanhi nito.

Ito ang dahilan kung bakit mahalagang makipag-ugnayan muna sa iyong doktor. Kung matutukoy ang posibleng dahilan, maaaring magbigay ng lunas

Gayunpaman, kung ang posibleng dahilan ay hindi nakikita nang maaga, maaaring magreseta ang iyong doktor ng isang espesyal na diet. Pagkatapos, susubaybayan ang  mga sintomas upang makita kung may anumang pagbabagong mangyayari.

Maaaring hilingin din sa iyo ng iyong doktor na kumuha ng mga pagsusuri. Kabilang na rito ang pagsusuri sa dugo o pagsusuri sa ihi. Makatutulong din ito na matukoy kung ano ang maaaring maging sanhi ng iyong pagbaba ng timbang.

Key Takeaways

Kung biglang pumayat, makipag-usap sa iyong doktor sa lalong madaling panahon. Maaaring kailangan ng agarang atensyon upang makita ang sanhi nito. 

Matuto pa tungkol sa Diet at Pagbaba ng Timbang dito.

Isinalin sa Filipino ni Dr. Nina Christina Zamora

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

05/18/2023

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Puwede Bang Pumayat Nang Walang Ehersisyo? Alamin Dito!

Safe Ba Ang Slimming Pills? Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman!


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement