backup og meta

UTI Pagkatapos Magsex, Paano Nga Ba Ito Nangyayari?

UTI Pagkatapos Magsex, Paano Nga Ba Ito Nangyayari?

Maraming bagay ang pwedeng magpataas ng risk na magkaroon ng Urinary Tract Infection (UTI). Isa na dito ang sex. Ano ang kaugnayan ng UTI at sex? Higit sa lahat, kung magkakaroon ka ng UTI pagkatapos magsex, ano ang best treatment option?

Paano Nadaragdagan ng Sex ang Risk na magkaroon ka ng UTI?

Bago ang lahat ng tungkol sa UTI pagkatapos magsex, unahin natin na ang pinaka karaniwang sanhi ng UTI ay isang bacterial infection. Ang bacteria na nasa genital at anal area ay maaaring “itulak” sa urethra patungo sa pantog. Maaaring magdulot ito ng impeksyon sa oras ng sexual activity. Tandaan na ang UTI ay hindi isang sexually-transmitted disease, ngunit ang pakikipagtalik ay maaaring magdulot at magpalala nito. 

Sinasabi ng mga ulat na ang mga babae ay 10 beses na mas malamang na magkaroon ng UTI kaysa sa mga lalaki. Pangunahing dahilan ay  sa kanilang mas maikling urethra. 

Ibig sabihin, sa mga kababaihan, ang bacteria ay maaaring maglakbay na mas mabilis mula sa urethra patungo sa pantog, na humahantong sa bladder infection (cystitis).

Bagama’t madaling sabihin na ang pakikipagtalik ay nagdudulot ng UTI, ito ay lubos na nakaliligaw.

Ang sex ay hindi eksaktong nagiging sanhi ng UTI. Iniuugnay ang UTI sa sex ng maraming tao, lalo na ang mga babae. Ito ay dahil ang thrusting sa oras ng penetrative sex ay “itinutulak” ang bacteria sa balat papuntang urethra at pataas sa pantog.

Nangangahulugan na sa bawat sexual encounter, may risk ng UTI. Gayunpaman, may mga factors na lalong nagpapataas ng risk.

Ang mga ito ay:

  • Madalas at matinding pakikipagtalik. Ayon sa research na ang madalas na sex ay isa sa pinakamalaking panganib na dahilan sa RUTI o recurring urinary tract infection sa mga babae.
  • Paggamit ng contraceptive diaphragm. Ito ay dahil maaari itong makairita sa urethra. Ginagawa itong mas madaling kapitan ng impeksyon.
  • Paggamit ng spermicide. Ang spermicide ay maaari ring makairita sa balat ng ari, na ginagawa itong isang mas magandang lugar para sa pagdami ng bacteria. 

Panghuli, mahalagang tandaan na ang UTI ay hindi nakakahawa. Kaya naman, hindi mo ito “makukuha” mula sa ibang tao. Gayunpaman, ang maaaring mangyari ay makuha mo ang bacteria na nagdudulot ng impeksyon mula sa balat ng iyong partner.

Treatment Options sa UTI pagkatapos magsex

Kung nagkaroon ka ng UTI pagkatapos ng sex, may malawak na treatment options, tulad ng mga sumusunod.

General Therapies

Karamihan sa mga pangkalahatang therapy ay home remedies. Tulad ng pag-iwas sa masikip na damit, hindi pagkakaroon ng bubble bath, at pag-inom ng maraming fluid sa isang araw. Generally, ang mga habit para palakasin ang bladder health maaaring makaiwas sa mga UTI at iba pang mga impeksyon.

Antimicrobial Therapies

Karaniwan, nagrereseta ang mga doctor ng mga antibiotic para maalis ang bacteria na naging sanhi ng impeksyon sa ihi. Ito ang itinuturing ng maraming eksperto na pangunahing paggamot sa UTI. 

Gayunpaman, depende sa kaso mo, maaari mo ring matanggap ang iba pang “mga bersyon” ng antimicrobial therapy.

Halimbawa: kung mayroon kang umuulit na UTI (RUTI), maaaring magbigay ang doctor ng patuloy na antibiotic prophylaxis therapy.

Sa treatment na ito, maaari kang matanggap ng low-dose antibiotic araw-araw sa loob ng 6 na buwan o mas mahaba pa. Pwede ring bigyan ka ng doctor ng antibiotics tatlong beses sa isang linggo, lingguhan, o buwanan.

Sa RUTI na sexually-related,  maaaring mag-order ang doktor ng post-coital antimicrobial prophylaxis treatment. Dito, kakailanganin mong uminom ng isang dose ng isang antibiotic pagkatapos ng sex. 

Mga Alternatibong Pagpipilian sa Paggamot

Bukod sa pangkalahatan at antimicrobial therapies, ang ilang kababaihan ay gumagamit din ng mga alternatibong opsyon sa paggamot gaya ng acupuncture, cranberry juice, at probiotics. 

Kung gusto mong malaman ang tungkol sa mga herbal na makakatulong sa iyong gamutin ang UTI, maaari mong basahin ang artikulo dito.

Paano Maiwasan ang UTI Pagkatapos Magsex

Ngayong alam mo na ang tungkol sa iba’t ibang opsyon sa paggamot para sa UTI pagkatapos ng sex, narito naman ang pag-iwas. 

Nasa ibaba ang ilang bagay na maaari mong gawin para mabawasan ang panganib na magkaroon ng UTI sa pamamagitan ng sex: 

Practice Good Hygiene

Laging maghugas ng kamay nang maigi bago at pagkatapos ng anumang sekswal na aktibidad. Tandaan na maaari mong makuha ang bacteria mula sa mga kamay at daliri ng iyong partner. Ang masusing paghuhugas ng kamay ay nakakatulong na maalis ang bacteria nang hindi ito makapasok sa urethra sa oras ng foreplay. 

Bukod pa rito, kung ginagawa ang anal sex, huwag kalimutang palitan ang condom bago lumipat sa vaginal sex.

Siyempre, dapat mo ring hugasang mabuti (dahan-dahan) ang iyong genital area bago at pagkatapos ng sex. Mag-ingat lamang sa iyong cleansing products dahil maaaring alisin ng mga ito ang natural protective secretions ng iyong katawan.  

Umihi bago at pagkatapos makipagtalik

Para maiwasan ang UTI, umihi bago at pagkatapos magsex. 

Ang pag-ihi bago makipagtalik ay nagpapagaan ng presyon mula sa pantog. Sa kabilang banda, ang pag-ihi sa loob ng 15 minuto pagkatapos ng sex ay nakakatulong na mawala ang bacteria na nagdudulot ng impeksyon.

Pigilan ang Iritasyon 

Ang irritasyon sa ari, urethra, at pantog ay maaaring gawin kang mas mahina sa mga impeksyon. Kaya naman, hangga’t maaari, subukang:

  • Iwasan ang matinding at matagal na clitoral stimulation sa oras ng sex o masturbation.
  • I-lubricate ang ari gamit ang water-based lubricants. 
  • Iwasan ang mga posisyon na naglalagay ng pressure sa urethra at bladder. Halimbawa, ang mga rear-entry na posisyon, pati na rin ang matagal at vigorous thrusting, ay nagdaragdag ng stress sa urethra at bladder. 

Pag-isipang muli ang Pinili na Birth Control

Para maiwasan ang UTI pagkatapos magsex, maaari kang kumunsulta sa doktor tungkol sa iyong pagpili ng mga contraceptive.

Gaya ng nabanggit, maaaring ma-press ng diaphragms ang gilid ng urethra at sa gayo’y iniirita ito. Ang pagpili ng diaphragm na may ibang laki at rim-type ang pwedeng solusyon.   

Ang ilang mga contraceptive foams, vaginal suppositories, at condom na hindi lubricated ay maaari ding maging sanhi ng pangangati.

Mag-ingat sa Mga Sex Toys

Para maiwasan ang UTI pagkatapos makipagtalik, mag-ingat sa mga sex toys dahil pwede itong ma-contaminate. Kaya, tiyaking lilinisin mo ang mga ito bago at pagkatapos gamitin. 

Bukod pa rito, itigil ang paggamit ng sex toys kung nagdudulot ito ng pressure at pangangati sa bahagi ng ari, urethra, o bladder.

Ligtas ba ang makipagtalik kapag ikaw ay may UTI? 

Pagkatapos talakayin ang treatment options ng UTI pagkatapos magsex, malamang na nagtataka ka: Okay lang bang makipagtalik kapag mayroon kang UTI? 

Kahit na ang impeksyon sa ihi ay hindi nakakahawa, pinapayuhan pa rin ng mga doktor ang mga taong may UTI na pigilin ang pakikipagtalik hanggang sa mawala ang kanilang mga sintomas.

Ito ay dahil ang pakikipagtalik ay maaaring mag-ambag sa pagtaas ng pangangati at maaaring lumala ang mga sintomas. 

Bukod dito, ang pakikipagtalik kapag may UTI ka ay maaaring magdulot ng muling impeksyon sa mga bagong bacteria.

Key Takeaways

Upang maiwasan ang UTI pagkatapos makipagtalik, laging mag-practice ng good hygiene, umihi bago at pagkatapos magsex, at iwasan ang iritasyon ng vagina, urethra, at bladder.
Maaari ka ring kumunsulta sa iyong doktor tungkol sa posibilidad na baguhin ang birth control method mo.
Iba-iba ang mga treatment option sa UTI pagkatapos magsex. Para sa pinakamahusay na pangangalaga, dapat humingi ka ng medikal na tulong.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What is the Link Between Urinary Tract Infections and Sex?
https://www.byramhealthcare.com/blogs/what-is-the-link-between-urinary-tract-infections-and-sex
Accessed September 15, 2020

Why What You Thought About UTIs and Sex is Probably Wrong
https://www.cystex.com/thought-utis-sex-probably-wrong/
Accessed September 15, 2020

Recurrent Urinary Tract Infections Management in Women
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3749018/
Accessed September 15, 2020

Preventing UTIs and Avoiding Reinfection
https://www.ourbodiesourselves.org/book-excerpts/health-article/preventing-utis-and-avoiding-reinfection/
Accessed September 15, 2020

Urinary Tract Infections
https://kidshealth.org/en/teens/uti.html
Accessed September 15, 2020

Urinary Tract Infections (UTIs)
https://www.plannedparenthood.org/learn/health-and-wellness/urinary-tract-infections-utis#:~:text=It’s%20pretty%20easy%20to%20get,gets%20pushed%20into%20your%20urethra.
Accessed September 15, 2020

Urinary Tract Infection
https://www.urologysanantonio.com/urinary-tract-infection
Accessed September 15, 2020

Urinary Tract Infections (UTIs), https://www.plannedparenthood.org/learn/health-and-wellness/urinary-tract-infections-utis, Accessed September 24, 2020

Kasalukuyang Version

06/14/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

5 Pagkain Na Bawal Sa May UTI

Alamin: Ano Ang Maaaring Gawin Para Maiwasan Ang UTI?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement