backup og meta

5 Pagkain Na Bawal Sa May UTI

5 Pagkain Na Bawal Sa May UTI

Ang pag-iwas sa pagkain na bawal sa may uti nga ba ang solusyon upang maiwasan ang sakit na ito? Ayon sa National Kidney Foundation, isa sa limang kababaihan ay magkakaroon ng kahit isang urinary tract infection (UTI) sa kanyang buhay. Ang masaklap, halos  20 porsyento sa mga babaeng ito ay magkakaroon ng higit sa isang UTI. 

Sa katunayan, ang mga impeksyon sa pantog ay nagreresulta sa halos 10 milyong mga pagbisita sa doktor bawat taon. Samantala, ang mga kababaihan ay naghahanap ng paggamot para sa sakit, presyon, at patuloy na pangangailngang umihi.

Ano Ang UTI?

Ang UTI  ay isang impeksyon sa iyong urinary system kung saan kabilang ang iyong mga kidneys, ureter, pantog at urethra. Karamihan sa mga impeksyon ay kinabibilangan ng lower urinary tract – ang pantog at ang urethra. Maaaring maramdaman ang sintomas kapag kumain ng pagkain na bawal sa UTI.

Ang mga babae ay mas nasa panganib na magkaroon ng UTI kaysa sa mga lalaki. Ang impeksyon na limitado sa iyong pantog ay maaaring maging masakit at nakakairita. Gayunpaman, maaaring mas maging seryoso ito kung ang UTI ay kumalat sa iyong mga kidneys.

[embed-health-tool-bmi]

Karaniwang ginagamot ng mga doktor ang mga impeksyon sa ihi gamit ang mga antibiotic. Ngunit maaari kang gumawa ng mga hakbang upang maiwasan ang pagkakaroon ng UTI.

Kung mayroon kang UTI, tiyakin na sinusunod mo ang mga wastong pamamaraan upang maibsan ang mga sintomas nito. Nangangahulugan ito na kailangan mong bantayan kung ano ang iyong inilalagay sa iyong katawan, dahil ang ilang mga elemento ay maaaring magdulot ng mga problema para sa iyo. Mula sa mga inumin hanggang sa mga aktwal na pagkain, sasabihin namin sa iyo ang tungkol sa kung ano ang dapat mong iwasan.

Listahan Ng Pagkain Na Bawal Sa May UTI

Maanghang Na Pagkain

Ang mga maanghang na pagkain ay kilalang nakakairita sa pantog at nagpapalala ng mga sintomas ng UTI. Iwasan ang mga maanghang na pampalasa at makuntento sa mga bland na pagkain. Sanaying kumain ng pizza na walang red pepper flakes, nachos na walang jalapeño, o chicken curry na walang hot sauce upang maiwasan ang UTI.

Asukal At Artificial Sweeteners

Paborito ng bacteria ang asukal dahil ito ay mahusay na mapagkukunan ng pagkain. Maliban sa asukal, iwasan din ang mga artificial sweeteners dahil posibleng magpalala ito ng sintomas ng UTI. Dapat mong iwasan ang mga pagkaing matamis tulad ng:

  • Cookies
  • Soda
  • Chips
  • Candy
  • Mga pagkaing may starch

Acidic Na Prutas

Ang prutas ay maaaring isang mahalagang bahagi ng isang malusog na diet. Ngunit ang mga acidic na prutas ay pagkain na bawal sa may UTI dahil maaari itong makairita sa pantog. Iwasan ang mga sumusunod na prutas habang may impeksyon:

  • Lemon
  • Orange
  • Grapefruits
  • Pinya

Caffeine

Ang kape ang nangunguna sa mga salarin kung bakit nagiging miserable ang buhay ng may UTI. Maaari itong magpadalas ng iyong pag-ihi, dahilan para ikaw ay ma-dehydrate at magresulta sa asin sa iyong ihi. Ang mga asin na ito ay maaaring makairita sa pantog, at magpapalala sa mga sintomas ng UTI.  Kapag pinigilan mo naman ang pag-ihi, malamang dadami ang bacteria sa iyong pantog. Kailangan mong uminom ng tubig at cranberry juice upang ma-flush ang bacteria mula sa iyong katawan.

Alcohol

Ang alak ay maaaring makairita sa iyong tiyan at sa pantog kung ikaw ay may impeksyon  kaya isa ito sa inumin o pagkain na bawal sa may UTI. Bagama’t nais mong makakuha nga maraming fluids kapag may UTI ka, iwasan ang alak at ibang inumin na may alcohol habang ginagamot ang iyong impeksyon.

Pag-Iwas Sa Pagkain Na Bawal Sa May UTI

Iminungkahi ng mga pag-aaral na halos 50 porsyento ng mga kaso ng UTI ay maaaring pangasiwaan sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming fluids gaya ng tubig. Ito ay tumutulong sa pag-flush ng bacteria sa iyong urinary tract.  Ang mga likidong karaniwang inirerekomenda ay tubig, cranberry juice at lemon water. Maaaring bumuti ang iyong mga sintomas sa loob ng isa hanggang dalawang araw pagkatapos simulan ang paggamot.

Malamang na ipaalam sa iyo ng iyong urologist ang mga ganitong uri ng pagkain subalit mas mabuting alam mo na ito bago pa man lumala ang iyong impeksyon. Kung ikaw ay nakakaranas  ng mga sintomas ng UTI, o nagpapagaling mula sa UTI at may anumang mga komplikasyon, huwag mag-atubiling makipag-usap sa iyong doktor.

Matuto pa tungkol sa UTI dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What to eat (and what to avoid) during a UTI, https://www.eehealth.org/blog/2019/05/what-to-eat-during-a-uti/, Accessed August 8, 2022

Urinary Tract Infection, https://www.cdc.gov/antibiotic-use/uti.html#:~:text=What%20is%20a%20urinary%20tract,a%20bladder%20infection%20(cystitis)., Accessed August 8, 2022

Urinary tract infection (UTI), https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/urinary-tract-infection/symptoms-causes/syc-20353447, Accessed August 8, 2022

What causes UTIs & UI? https://www.nichd.nih.gov/health/topics/urinary/conditioninfo/causes, Accessed August 8, 2022

10 Foods Your Bladder Will Fall in Love With, https://www.urologyhealth.org/healthy-living/care-blog/10-foods-your-bladder-will-fall-in-love-with, Accessed August 8, 2022

Kasalukuyang Version

06/16/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Saging para sa UTI, mabisa nga ba itong gamot? Alamin dito!

Alamin: Ano Ang Maaaring Gawin Para Maiwasan Ang UTI?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement