Ang sodium test o Na blood test ay ang pagsusuri sa level ng sodium sa dugo at ihi ng tao. Para saan ang sodium test? Alamin natin dito.
Bilang isang electrolyte, ang sodium ay nagdadala ng mga electrically charged na mineral. Pinapanatili at binabalanse ng mga ito ang level ng mga fluid at kemikal sa katawan. Nagbibigay daan ang sodium sa mga cell para gumana nang maayos. Ito rin ay tumutulong sa pagma-manage ng fluid sa katawan. Dinadagdagan din nito ng flexibility ang mga muscles at nerves sa buong katawan.
Ang katawan mo ang tumatanggap ng karamihan ng sodium mula sa iyong diet. Kapag ang katawan ay nakatanggap ng sapat na sodium, inilalabas ng kidney ang mga natira kasama ng ihi.
Kapag ang dami ng sodium sa dugo ay mas mataas o mas mababa kaysa sa ideal limits maaari itong pahiwatig na ang iyong mga bato ay hindi gumagana. O maaari itong maging senyales ng dehydration o iba pang health condition.
Para Saan ang Sodium Test?
Ang sodium test ay kadalasang bahagi ng isang blood test na kilala bilang electrolyte panel. Sinusuri nito ang antas ng sodium, kasama ang iba pang mga electrolyte tulad ng:
Maaari kang payuhan na kumuha ng sodium (Na) test bilang bahagi ng routine checkup. O kapag naghihinala ang doktor mo na may sintomas ka ng low sodium ( hyponatremia), o high sodium (hypernatremia). Para saan ang sodium test? Maaari ding ang pagkakaroon ng iba pang mga kondisyon tulad ng:
- Diabetes
- Pagkawala ng maraming likido sa katawan
- Matinding sakit sa bato tulad ng advanced kidney failure
- Paggamit ng diuretics o water pills
- Sumasailalim sa sodium therapy
Narito ang mga sintomas ng hyponatremia o mababang sodium:
- Pagod
- Hirap sa paghinga
- Kahinaan
- Paggalaw ng mga kalamnan
- Pagkalito o pagkamalilimutin
Nasa ibaba ang mga sintomas ng hypernatremia o mataas na sodium:
- Sobrang pagkauhaw
- Dysfunction ng utak
- Hindi regular na pag-ihi
- Pagtatae
- Pagduduwal at pagsusuka
- Labis na pagpapawis
- Mga seizure
Ang ilan pang mga sintomas na nauugnay sa mga pagbabago ng sodium levels ay:
- Sakit ng ulo
- Hindi stable ang paglalakad
- Sobrang craving sa asin at malasang pagkain
- Mga problema sa cognitive o mental functioning
- Pamamaga at fluid buildup sa anumang bahagi ng katawan
Ang electrolyte panel tests ay maaari ding inireseta para ma-monitor ang high blood pressure, mga sakit sa puso, atay, at bato.
Mga Kinakailangan ng isang Sodium Test
Kadalasan, walang kailangang paghahanda bago ang sodium test o electrolyte panel. Gayunpaman, maaaring payuhan ka ng iyong doktor laban sa pansamantalang pag-inom ng ilang mga gamot. At kung para saan ang sodium test. Katulad halimbawa nito: antidepressant, antibiotic, gamot sa altapresyon.
Kung sakaling may iba pang mga test, maaaring kailanganin mo na mag fasting o hindi uminom tubig ilang oras bago ang mga pagsusuri. Ito ay ayon sa sinabi ng doktor mo. papaalam din nila sa iyo ang tungkol sa iba pang mga regulasyon, kung mayroon man.
Pag-unawa sa mga Resulta
Ang normal na sodium levels ay karaniwang nasa pagitan ng 136 at 145 millimoles kada litro (mmol/L). Ang blood sodium levels na mas mababa sa 136 mmol/L ay maaaring magpahiwatig na may hyponatremia ka o mababang sodium sa dugo.
Sa kabilang banda, ang blood sodium levels na higit sa 145 mmol/L ay maaaring magpahiwatig na mayroon kang hypernatremia o mataas na blood sodium levels.
Heto ang mga posibleng dahilan ng mas mataas kaysa sa normal level ng sodium:
- Medikal na kondisyon ng bato
- Health condition ng adrenal glands
- Diarrhea
- Diabetes insipidus, isang bihirang kondisyon ng diabetes na ang mga bato ay gumagawa ng abnormal na mataas na dami ng ihi
Heto naman ang mga posibleng dahilan ng mababang level ng sodium:
- Pagsusuka
- Pagtatae
- Malnutrisyon
- Sakit sa bato
- Medikal na kondisyon ng puso
- Cirrhosis, isang karamdaman na humahantong sa scarring ng atay at masamang nakakaapekto sa function ng atay
- Addison’s disease, isang karamdaman na ang mga adrenal gland ay hindi makagawa ng iba’t ibang mga hormone sa sapat na dami
Ang mga sintomas na ito ay rough indicators ng mababa at mataas na level ng sodium sa dugo at ihi. Gayunpaman ang mga resulta ay hindi awtomatikong kumpirmasyon ng mga kondisyong medikal na nabanggit. Maaaring may ilang kadahilanan sa false-positive results. Ito ay ang mga sumusunod:
- Ilang mga gamot tulad ng water pills o diuretics na nagpapababa ng dami ng likido sa katawan
- Sobrang paggamit ng mga partikular na gamot tulad ng birth control pills, laxatives, at NSAIDs
- Ang pagkain o pag-inom ng masyadong mataas o masyadong mababang dami ng liquid o asin
- Surgery o injury
- Diabetes
- Mga karamdaman sa bato
- Pagkuha ng IV fluids
- Pag-inom ng iba pang mga gamot, kabilang ang hormone aldosterone
Ilan sa mga non-medical factors:
- Edad
- Kasarian
- Family o personal medical history
- Sinunod na procedure sa oras ng pagkuha ng dugo
Gaano kadalas Dapat Magkaroon ng Sodium Test?
Nabanggit na kung para saan ang sodium test. Tulad ng nasabi ang sodium levels mas mababa o mataas sa normal ay hindi ibig sabihin na hyponatremia o hypernatremia. Sa mga kaso na ang resulta ng blood test ay hindi kapani-paniwala o ang doktor mo ay may pagdududa sa resulta, maaaring ipaulit ng doktor ang Na test. O ilang iba pang blood test para masuri ang medical condition mo. Ang pag-ulit ng blood test ay para maihambing ang resulta ng naunang test. Gayundin para obserbahan ang mga iregularidad o kamalian, kung mayroon man.
Kung ang test ay ginawa paara ma-monitor ang ilang partikular na kondisyon ng kalusugan, maaaring payuhan ng doktor na ulitin ang pagsusuri sa mga regular na pagitan.
Sodium Test: Procedure
Matapos malaman kung para saan ang sodium test, paano naman ito isinasagawa? Ang isang medical professional ay kukuha ng dugo gamit ang isang karayom mula sa isa sa mga ugat ng likod ng kamay o sa panloob na siko. Kokolektahin ng isang injection sa vial o test tube ang blood sample.
Kadalasan, tatalian ang braso ng isang elastic band para palakihin ang mga ugat at mas madaling makita. Nagiging mas madali na piliin ang ugat na kukuhanan ng dugo. Mararamdaman mo ang kaunting sting sa pagtusok ng karayom. Pagkatapos kolektahin ang dugo, aalisin ng doktor o technician ang elastic band at tatakpan ng benda ang lugar na kinuhanan ng dugo. Ito ay para maiwasan ang mga pasa at ang posibilidad ng impeksyon.