backup og meta

Kidney Health: Pagkain para sa Kidney

Kidney Health: Pagkain para sa Kidney

Malaki ang ginagawa ng ating kidneys upang mapanatiling malinis at mahusay ang sistema ng ating katawan. Pero ano nga ba ang ginagawa nito at paano natin ito aalagaan? Anong mga pagkain para sa kidney ang mainam? Alamin dito at iba pang tips.

Ano ang ginagawa ng kidney?

Bago natin alamin ang mainam na mga pagkain para sa kidney, tingnan muna natin kung ano nga ba ang ating mga bato at kung ano ang mga pangunahing tungkulin nito.

Una sa lahat, mayroon tayong dalawang bato. Ang mga ito ay malapit sa likod, sa magkabilang panig ng gulugod sa ilalim ng rib cage. Hugis bean ang mga ito at halos kasing laki ng iyong kamao.

Ang ating mga bato ay may ilang mga gawain at gamit. Ngunit ang kanilang mga pangunahing tungkulin ay salain at linisin ang mga lason at dumi, at ilabas ang mga ito sa pamamagitan ng ihi.

Partikular na sinasala nila ang ating dugo para sa basura, kinokontrol ang supply ng electrolyte na tumatakbo sa ating katawan. Kasama rin ang secretion ng mga importanteng hormone. Kapag ang ating kidneys ay hindi gumagana nang naaayon sa dapat gawin, maaaring maipon sa katawan ang mga dumi o lason. Ito ay nauuwi sa mga komplikasyon at sakit.

Ang ilang komplikasyon na maaaring magmula sa mga hindi malusog na bato ay chronic kidney disease, kidney stones, o mga impeksyon.

Tips sa Pag-aalaga ng Iyong Kidneys

Ngayong alam na natin kung bakit mahalaga ang kidneys, basahin natin kung paano pangalagaan ang mga ito. Narito ang ilang mga tip kung paano mapanatiling malusog ang iyong mga bato: 

Uminom ng maraming fluids.

Ang pagiging laging hydrated ay mainam na paraan para alagaan ang mga bato. Obserbahan ang iyong ihi. Magandang kulay ang straw-colored na ihi na ibig sabihin ay hydrated ka. Bigyang-pansin kapag ang panahon ay partikular na mainit dahil maaaring mangahulugan na kailangan mong uminom ng mas maraming tubig.

Bantayan ang blood pressure mo.

Regular na i-check ang blood pressure. Maaaring mauwi sa mga komplikasyon ang mataas na blood pressure. Kung mas mataas sa normal ang blood pressure mo, komunsulta sa iyong doktor. Para ito sa pagsasaayos ng iyong lifestyle at mapanatili kang malusog.

Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom.

Bukod sa iba pang alalahanin sa kalusugan, ang sobrang paninigarilyo o pag-inom ay maaaring magpataas ng blood pressure levels. Isa  itong karaniwang sanhi ng sakit sa bato.

Pamahalaan ang iyong timbang.

Ang pagiging overweight ay maaari ring magpataas ng ating blood pressure. Maaari mong kalkulahin ang iyong Body Mass Index (BMI) upang suriin at makita kung ang iyong timbang ay nasa healthy level. Maaari mong pamahalaan ang iyong timbang sa pamamagitan ng hindi labis na pagkain at pag-eehersisyo nang regular.

Magkaroon ng healthy diet.

Ang sobrang pagkain ng unhealthy food ay pwedeng magpahirap sa paggana ng ating mga bato. Bukod sa pag-abot sa pang-araw-araw na pangangailangang bitamina at nutritional requirements, kailangan ng malusog na pagkain. Ang pagkain ng malusog ay tumitiyak na hindi tayo ma-overload at masisira ang ating mga bato. Alamin pa ang mga pagkain para sa kidney.

Pagpili ng pagkain para sa kidney

Narito ang ilang mga tip sa paghahanap ng mga pagkaing mabuti para sa kalusugan ng kidney.

Piliin na kumain ng mga pagkaing may kaunting asin at sodium.

Ang sobrang sodium sa ating katawan ay maaaring humantong sa mas mataas na presyon ng dugo. Nililimitahan din nito ang kakayahan ng ating bato na gumana nang maayos. Maging mas maingat sa dami ng sodium sa bawat pagkain. Pumili ng pagkain para sa kidney na mababa sa sodium.

Ang mga ubas, berry, at cauliflower ay mainam dahil puno sila ng mga bitamina at mababa ang sodium.

Tiyaking may tamang uri ng protina at may sapat na dami

Kailangan nating i-regulate ang dami ng protina na ating kinakain. Ang pagkain ng sobra sa kailangan na protina ay nagpapahirap sa paggana ng ating kidneys.

Piliin ang manok, unsalted fish, o itlog para sa source ng protina mo.Mainam din ang nuts, beans, at grains para sa alternatibong source ng protein.

Pumili ng pagkaing heart-friendly.

Ang pangangalaga sa ating puso at pag-regulate ng ating presyon ng dugo ay isa ring magandang paraan upang mapanatiling malusog ang ating mga bato. Pumili din ng pagkain para sa kidney na heart-friendly. Nangangahulugan ito ng pag-iwas sa matatabang pagkain.

Piliin ang karne na walang taba, low-fat milk, yogurt, o isda.

Key Takeaways

Ang ating kidneys ay responsable para sa maraming mahahalagang tungkulin sa ating mga katawan. Kailangan natin itong panatilihing malusog upang mabuhay nang matagal at kasiya-siya. Upang mapanatiling malusog ang ating mga bato, dapat tayong mag-hydrate, mag-ehersisyo, at mapanatili ang malusog na timbang. Kapag pumipili ng pagkain para sa kidney, pumili ng mga mabuti para sa ating mga bato.

Matuto pa tungkol sa Kidney Disease dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kidney Health Information, https://www.nhs.uk/Livewell/Kidneyhealth/Documents/kidney%20guide.pdf Accessed March 19, 2021

Kidney Diseases, https://medlineplus.gov/kidneydiseases.html Accessed March 19, 2021

Kidney Disease/ Chronic Kidney Disease, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15096-kidney-disease-chronic-kidney-disease Accessed March 19, 2021

Keeping Your Kidneys Healthy, https://www.nhs.uk/live-well/healthy-body/keeping-your-kidneys-healthy/ Accessed March 19, 2021

Eating Right for Chronic Kidney Disease, https://www.niddk.nih.gov/health-information/kidney-disease/chronic-kidney-disease-ckd/eating-nutrition Accessed March 19, 2021

Diabetes and Kidney Disease: What to Eat?, https://www.cdc.gov/diabetes/managing/eat-well/what-to-eat.html Accessed March 19, 2021

Kasalukuyang Version

03/10/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

9 na Senyales ng Kidney Failure: Alamin Dito

5 Sintomas Na May Bato Ka Na Sa Iyong Kidney, Ayon Kay Dr. Ong!


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement