Ang kidney stones ay mga chemical deposits na nabubuo sa kidney ng tao. Kadalasang sanhi ito ng buildup ng mga chemical, na kadalasang sanhi ng isang hindi malusog na diet.
Nabuo mula sa ilang chemical ang kidney stones. Ang mga kemikal na ito ay dumating sa punto ng pagsasala kapag sila ay nabuo sa mga kristal. Kung ito ay makaabot sa daanan ng ihi na ma-stuck, maaari itong magsanhi ng matinding pananakit.
Bukod sa pananakit, ang mga kidney stones ay maaaring magdulot ng infection na maaaring nakamamatay. Mahalagang mabilis na matugunan ang problemang ito upang mabawasan ang mga risk factor ng kidney stones upang mapanatili ang kalusugan nito.
4 na Uri ng Kidney Stones
Mayroong apat na pangunahing uri ng mga kidney stones depende sa mga namuong kemikal. Ito ang mga sumusunod:
Calcium oxalate stones
Ito ang pinaka karaniwang uri ng bato, at resulta mula sa pamumuo ng calcium oxalate sa mga bato. Ang calcium oxalate ay karaniwang matatagpuan sa berdeng dahong mga gulay at mani.
Struvite Stones
Resulta ito ng buildup ng magnesium at ammonia, na mga basurang produkto ng katawan. Ang mga struvite stone ay kadalasang sanhi ng urinary tract infections o UTIs.
Uric acid stones
Karaniwan ang uric acid stones sa mga taong may gout, dahil sa mataas na uric acid sa kanilang ihi.
Cystine Stones
Ito ang hindi gaanong karaniwang uri ng mga kidney stones. Sanhi ito ng build-up ng cystine, uri ng amino acid. Ang mga cystine stone ay karaniwang namamana.
Calcium phosphate Stones
Pangunahing sanhi ito ng pagkakaroon ng labis na sodium sa diet. Ito ay karaniwang sanhi ng sobrang pagkain ng maalat o naprosesong pagkain.
Ano ang mga Risk Factor ng Kidney Stones
Kabilang sa mga nagpapataas ng risk factors ng kidney stones ang:
Pamilya at genetics
Kung isang kapamilya ay nakaranas nito, mayroong posibilidad na maranasan din ito ng ibang kapamilya.
Personal history
Maaaring muling maranasan ito kung nagkaroon na noon. Mas mataas din ang posibilidad ng pagkakaroon nito.
Hindi pag-inom ng sapat ng tubig o likido
Kung madalas na dehydrate, mas mataas ang panganib na magkaroon ng kondisyon dahil maaaring maging concentrated ang ihi. Ang mga taong nag-eehersisyo at mas pinagpapawisan ay mas madaling magkaroon ng kidney stones.
Ilang diet
Mayroong malaking posibilidad na magkaroon ng kidney stones ang mga taong kumakain ng maraming protina, asukal, at maalat na pagkain. Ang sobrang sodium sa sa diet ay maaaring mag-overwork sa mga bato at mapataas ang calcium na dapat salain ng mga organs.
Obesity
Pinatataas din ng obesity ang posibilidad na magkaroon ng mga kidney stones.
Digestive diseases
Ang mga dumaranas ng inflammatory bowel disease o chronic diarrhea ay maaaring makaranas ng mga pagbabago sa kanilang panunaw, na nakakaapekto sa kung paano ang calcium at stone-forming substances ay sinasala ng katawan. Nasa mas mataas na panganib na magkaroon ng sakit sa bato ay ang mga may renal tubular acidosis, cystinuria, hyperparathyroidism, at paulit-ulit na impeksyon sa ihi.
Ilang supplement at gamot
Natuklasan na ang mga sumusunod ay nauugnay sa mas mataas na mga kaso ng kidney stones – vitamin C, mga laxative, dietary supplements, mga antacid na nakabatay sa calcium at gamot na ginagamit para sa depression at migraines.
Kabilang sa mga panganib, pangunahing risk factor ng kidney stones ang diet ng isang tao.
Paano Mapababa ang Panganib ng Kidney Stones
Ngayong alam na natin ang mga risk factor ng kidney stones, alamin naman paano mapababa ang panganib nito.
Narito ang ilang mga paraan upang mapababa ang panganib ng mga bato sa bato:
1. Kumain ng balanseng diet
Nakatutulong ang pagkakaroon ng balanseng diet upang matiyak na hindi kumakain ng labis na mga pagkaing stone-forming stones. Nakatutulong din ito na panatilihing kontrolado ang timbang.
Pinabababa ng malusog na timbang ang panganib na magkaroon ng mga problema sa kalusugan na maaaring maging mas madaling kapitan ng pagkakaroon ng mga kidney stones.
2. Mas Mag-ehersisyo
Kasama ng pagkain ng mga masusustansyang pagkain, ang pag-eehersisyo na hindi bababa sa 30 minuto bawat araw kung nais na manatiling malusog. Nakatutulong itong mapababa ang timbang, at mapababa ang panganib na magkaroon ng mga kondisyon na posibleng maging sanhi ng pagbuo ng mga kidney stones.
3. Uminom ng mas maraming tubig
Kapag dehydrated, hindi malalabas ng katawan ang mga substance na nagdudulot ng mga kidney stones. Subukang uminom ng maraming likido, humigit-kumulang walong karaniwang 8oz na baso. Ang mga Lemonade at orange juice ay kilala rin bilang nakapipigil sa pagbuo ng kidney stones.
Napakahalaga ng pag-inom ng tubig kung ikaw ay partikular na aktibo, dahil mas maraming tubig ang nawawala sa pag-eehersisyo. Ang pagkawala ng tubig na ito ay isa sa maaaring kadahilanan ng pagkakaroon ng kidney stones, kung kaya siguraduhing manatiling hydrated sa lahat ng oras.
4. Siguruhing may sapat na calcium sa diet
Taliwas sa popular na paniniwala, ang calcium ay tunay na makatutulong na maiwasan ang pagbuo ng mga kidney stone. Kung kaunti lamang ang calcium sa katawan, ang mga lebel ng oxalates ay tataas, at ito ay maaaring mag-ambag sa pagbuo ng mga kidney stones.
Maaaring uminom ng mga supplement upang makuha ang pang-araw-araw na pangangailangan ng calcium, ngunit pinakamainam na magmula ito sa mga natural na mapagkukunan tulad ng gatas, keso, broccoli, spinach, at tofu. Ang pag-inom ng calcium sa pamamagitan ng mga supplement ay nauugnay sa mas mataas na paglitaw ng kidney stones.
Tulad ng iminungkahi, ang mga lalaki (edad 50 at mas matanda) ay dapat magkaroon ng 1,000 mg ng calcium araw-araw, kasama ng 800-1,000 IU ng bitamina D, na tumutulong sa katawan na sumipsip ng calcium.
5. Bawasan ang iyong paggamit ng asin
Maaaring magsanhi ang sodium ng kidney stone dahil ang sodium ay nagpapataas ng mga lebel ng calcium sa ihi. Maaari ding maipon ang mga calcium at mauwi sa kidney stones.
6. Iwasan ang labis na pagkain ng karne
Ang pagkain ng masyadong maraming protina ng hayop tulad ng karne, itlog, at pagkaing-dagat ay maaaring magpapataas ng lebel ng uric acid sa katawan, na maaaring mag-ambag sa paglaki ng mga kidney stones. Bilang karagdagan, ang diet na may mataas na protina ay binabawasan ang mga lebel ng citrate sa katawan na tumutulong sa pag-iwas sa pagbuo ng bato. Kung ikaw ay nasa mas mataas na panganib na magkaroon ng mga kidney stones, limitahan ang pagkonsumo ng karne sa mga bahaging hindi hihigit sa isang pack ng mga baraha araw-araw.
7. Limitahan ang pagkonsumo ng mga pagkaing stone-forming
Ang pagkain ng napakaraming mani, chocolate, pati na rin ang pag-inom ng tsaa o kape ay maaaring mag-ambag sa pagbuo ng mga kidney stones sa katawan. Iwasan o kumain lamang ng mas kaunti sa mga sumusunod na mataas sa oxalate:
- Beets
- chocolate
- kangkong
- Rhubarb
- tsaa
- Mga mani
- Cola (mayaman sa phosphate)
Mainam na kainin ang mga pagkaing ito sa katamtamang dami, ngunit siguraduhing subaybayan ang paggamit at huwag kumain ng labis.
Matuto pa tungkol sa Kidney Disease dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.