backup og meta

Mabula Ang Ihi: Ano Ang Ibig Sabihin Nito?

Mabula Ang Ihi: Ano Ang Ibig Sabihin Nito?

Nangyayari ang mabula ang ihi kapag may napansin kang mga bula rito. Kung minsan, ito ay normal at walang dapat ipag-alala. Gayunpaman, may mga kaso na ang hitsura ng mga bula sa ihi ay nangangahulugan na kailangan mong komunsulta  sa iyong doktor.

Sinasabi ng mga ulat na ang paglitaw ng isang layer ng mga bula sa pag-ihi ay maituturing na normal kapag ang mga bula ay mabilis na nawala.

Ngunit ang mabula na ihi, na kung saan marami ang layer ng mga bula ay dapat ipatingin sa doktor. Kinakailangan din ang pagkonsulta sa doktor kung ang mabula na ihi ay nagiging mas kapansin-pansin sa paglipas ng panahon. 

Bula Sa Ihi: Mga Posibleng Dahilan

Nasa ibaba ang mga posibleng dahilan ng mabulang ihi:

  1. Mga Produkto Sa Paglilinis

Bago ka mag-alala tungkol sa mga bula sa ihi, suriin muna ang produktong panlinis sa toilet bowl. Minsan, pinalalabas ng mga produktong panlinis na may mga bula ang iyong ihi. At ang totoo, natural na lumilitaw ang mga ito. Kung makakita ka ng mga bula kapag nagbuhos ka ng tubig sa palikuran, ang produktong panlinis ay maaaring sanhi nito.

  1. Mabilis Na Daloy Ng Ihi

Sa maraming mga kaso, ang hitsura ng mga bula sa ihi ay nangangahulugan na mayroon kang malakas na daloy ng ihi. Karaniwang nangyayari ito kapag puno ang pantog mo.

  1. Dehydration

Ang dehydration ay nagpapadilim ng ihi dahil walang sapat na tubig upang palabnawin ang mga sangkap, tulad ng protina sa ihi. Ayon sa mga ulat, ang mga protina ay may mga katangian ng surfactant. Ang surfactant ay karaniwang hindi nagiging sanhi ng paglitaw ng mga bula dahil ang ihi ay karaniwang may mababang antas ng protina. Kapag ang bula sa ihi ay sanhi nito, may pakiramdam na nauuhaw at nagkakaroon ng tuyong bibig at labi.

  1. Proteinuria

Ayon sa kaugalian, itinuturing ng mga doktor ang mabula na ihi bilang isang marker para sa proteinuria, ang terminong medikal para sa mataas na antas ng protina sa ihi. Gayunpaman, sa pagsusuri, natuklasan ng mga eksperto na halos isang-katlo lamang ng mga pasyente na may mabula na ihi ang may proteinuria. Ibig sabihin, ang karamihan sa mga kaso ay nanatiling hindi maipaliwanag. 

Ang ilan sa mga kondisyong ito sa kalusugan ay kinabibilangan ng:

Kapag natukoy na ng doktor ang sanhi ng proteinuria, mabibigyan ka nila ng naaangkop na paggamot.

  1. Mga Gamot

Ang ilang mga gamot para sa impeksyon sa ihi ay maaaring magdulot ng ilang mga bula sa ihi. Ang isang halimbawa ng mga gamot na ito ay kinabibilangan ng phenazopyridine (Pyridium, AZO Standard, Uristat, AZO).

Kailan Hihingi Ng Tulong Medikal

Kapag ang paglitaw ng mga bula sa ihi ay nangangahulugan ng proteinuria, malamang na magkakaroon ka ng iba pang mga sintomas, tulad ng:

  • Madalas na pag-ihi
  • Pagod
  • Kinakapos na paghinga
  • Edema o pamamaga sa mukha, tiyan, paa, at bukung-bukong
  • Puffiness sa paligid ng mata, lalo na sa umaga
  • Muscle cramping sa gabi
  • Walang gana
  • Pagduduwal at pagsusuka

Humingi ng medikal na atensyon kung nakakaranas ng patuloy na mabula ang ihi, lalo na kapag sinamahan ito ng alinman sa mga sintomas sa itaas.

Key Takeaways

Minsan, maaari mong mapansin na mabula ang ihi dahil sa malakas na daloy, mga produktong panlinis sa tubig sa banyo, o dehydration.
Gayunpaman, ang paulit-ulit at maraming layer ng mga bula sa ihi ay nangangahulugan na kailangan mong makipag-ugnayan sa iyong doktor. Ito ay dahil kapag mabula ang ihi, maaaring mayroon kang proteinuria, isang senyales na mayroon kang isyu sa kalusugan.

Matuto pa tungkol sa Urological Health dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 Foamy Urine, https://cjasn.asnjournals.org/content/14/11/1664, Accessed September 23, 2021

2 Foamy urine: What does it mean?, https://www.mayoclinic.org/foamy-urine/expert-answers/faq-20057871, Accessed September 23, 2021

3 Foamy Urine, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6832055/, Accessed September 23, 2021

4 Protein in urine, https://www.mayoclinic.org/symptoms/protein-in-urine/basics/causes/sym-20050656, Accessed September 23, 2021

5 When to Worry About Bubbly or Foamy Urine, https://share.upmc.com/2021/03/foamy-urine/, Accessed September 23, 2021

6 Proteinuria, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/16428-proteinuria, Accessed September 23, 2021

Kasalukuyang Version

06/14/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Sintomas Ng Diabetes Na Dapat Mong Malaman

Sakit Sa Gallbadder: Ano Ang Ibig Sabihin Ng "Contracted Gallbladder?"


Narebyung medikal ni

Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement