Ang dugo sa ihi, na medikal na tinutukoy bilang hematuria, ay maaaring maging lubhang nakababahala. Maaaring mangahulugan ito na may isyu sa mga bato o ibang bahagi urinary tract. Ano ang ipinahihiwatig ng dugo sa ihi? Kailan ka dapat humingi ng medikal na tulong para rito? Alamin dito.
Mga Risk Factor
Bago natin sagutin ang tanong na, “Ano ang ipinapahiwatig ng pagkakaroon ng ihing may dugo?” atin munang talakayin ang mga risk factors.
Sa pangkalahatan, mas malaki ang posibilidad na makaranas ka ng hematuria kung ikaw ay:
- Mayroong enlarged prostate
- Mayroong family history ng sakit sa bato
- Umiinom ng ilang gamot, tulad ng mga pain reliever, antibiotic, at blood thinners
- Nagsagawa ng mabibigat na aktibidad o ehersisyo, tulad ng pagtakbo at jogging ng malalayong distansya
- May history ng kidney stones
- Nagkaroon kamakailan ng impeksyon, tulad ng hepatitis o streptococcus
- Naninigarilyo
- Nagkaroon ng pinagbabatayang kondisyon na nakaaapekto sa isa o higit pang mga organ
Ano Ang Ipinapahiwatig Ng Dugo Sa Ihi?
Bago natin bigyang linaw ang tanong na, “Ano ang ipinapahiwatig ng pagkakaroon ng ihing may dugo?” linawin muna natin na ang hematuria ay maaaring maging gross o microscopic.
Ang gross hematuria ay nangangahulugan na ang dugo ay nakikita ng mata. Kadalasan, ang ihi ay maging kulay cola, rosas, o pula. Sa pangkalahatan, hindi ito masakit kapag nangyari ito, maliban kung magkaroon ng mga namuong dugo sa ihi.
Sa kabilang banda, ang microscopic hematuria ay nangyayari kapag hindi mo makita ang dugo maliban kung gagamit ka ng mikroskopyo.
Ngayon, ano ang ipinahihiwatig ng dugo sa ihi?
Mabigat Na Pisikal Na Aktibidad
Hindi pa rin malinaw kung paano nagiging sanhi ng hematuria ang matinding pisikal na aktibidad, ngunit maraming runner ang nakararanas nito. Sinasabi ng mga ulat na maaaring may kinalaman ito sa dehydration, trauma sa pantog, o breakdown ng mga red blood cells na nauugnay sa mga aerobic workouts.
Pinsala Sa Bato
Minsan, ito ay tumutukoy din sa pinsala sa bato kasunod ng isang aksidente o mga pangmalakasang contact sports.
Ilang Mga Partikular Na Gamot
Ang ilang mga gamot ay maaaring mag-trigger ng hematuria. Ilan sa mga halimbawa nito ay kinabibilangan ng:
- Penicillin, na isang antibiotic
- Cyclophosphamide, na isang gamot para sa kanser
- Heparin, na isang blood thinner
- Aspirin, na isang anticoagulant
Sakit Sa Bato
Sa ilang mga kaso, ang dugo sa ihi ay nangyayari dahil sa glomerulonephritis. Ito ay tumutukoy sa pamamaga ng filtration system ng bato. Maaaring kusang mangyari ang glomerulonephr o bilang resulta ng iba pang mga kondisyon, tulad ng diabetes. Ang ilang bacterial o viral infection ay maaaring mag-trigger din ng ganitong kondisyon.
Bladder/Kidney Stones o Mga Impeksyon
Ang mga kidney o bladder stones ay hindi palaging nagreresulta sa mga senyales at sintomas. Ngunit kapag nangyari ang mga ito, maaaring isa sa mga ito ang hematuria. Tandaan na ang mga bato ay maaaring maging sanhi ng parehong gross at microscopic bleeding.
Bukod sa mga bato, ang impeksyon sa bato o pantog (urinary tract infections) ay maaari ring mag-trigger ng hematuria. Nangyayari ito kapag ang bacteria ay umabot sa iyong bato o pantog. Bagama’t ang mga impeksyon sa pantog at bato ay kadalasang may mga katulad na sintomas, ang lagnat at pananakit ay mas karaniwan sa mga impeksyon sa bato.
Enlarged Prostate
Sa ilang mga sitwasyon, ang hematuria ay dahil sa isang pinalaki na prostate o benign prostatic hyperplasia (BPH).
Ang BPH ay mas karaniwan sa mga matatandang lalaki at maaari itong magresulta sa mga sintomas tulad ng patuloy na pangangailangang umihi, kahirapan sa pag-ihi, at gross o microscopic hematuria.
Tandaan na ang prostatitis (impeksyon ng prostate) ay maaari ring mag-trigger ng mga katulad na sintomas.
Kailan Dapat Humingi Ng Tulong Medikal?
Sa sandaling makaranas ka ng hematuria o dugo sa ihi, ito ay sign na para humingi ng medikal na tulong.
Ito ay marahil hindi dapat balewalain ang naturang kondisyon, at anumang mga sintomas na kasama nito ay dapat iulat sa iyong doktor.
Key Takeaways
Ang dugo sa ihi, na maaaring maging gross o microscopic, ay maaaring dahil sa ilang mga kadahilanan, tulad ng mga kidney stones, ibladder infection, enlarged prostate, pag-inom ng ilang mga gamot, at sakit sa bato.
Kung may napansin kang dugo sa iyong ihi, makipag-ugnayan sa iyong doktor sa lalong madaling panahon. Ang hematuria ay hindi dapat balewalain at ang iba pang mga sintomas na kasama nito ay dapat ipaalam sa iyong doktor.
Key-takeaways
Alamin ang iba pa tungkol sa Isyung Urological dito.