backup og meta

Anu-ano Ang Mga Pampagising Bukod Sa Kape? Alamin Dito!

Anu-ano Ang Mga Pampagising Bukod Sa Kape? Alamin Dito!

Naglalaman ang kape ng caffeine, isang natural stimulant na nakakaapekto sa ating central nervous system. Kapag nakapasok ang caffeine sa ating bloodstream, maaaring harangan nito ang pagkilos ng adenosine, isang neurotransmitter na nagpro-promote ng pagtulog. Sa pag-block rin sa adenosine receptors, pinapataas ng caffeine ang aktibidad ng iba pang mga neurotransmitter, tulad ng dopamine, at norepinephrine, na nagtataguyod naman ng pagiging alerto at gising ng isang tao.

Sa madaling salita, mahalaga ang caffeine sa paglinlang sa utak na hindi ito pagod. Ang panlilinlang na ito ay maaaring maganap sa pamamagitan ng pagharang sa mga signal na nagpapahiwatig ng pangangailangan para sa pagtulog. Kung saan, ito ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit nanatiling gising ang isang tao kapag sila ay nakainom ng kape. Ngunit alam mo ba na maraming pampagising bukod sa kape na pwede mo pang subukan?

Para malaman ang mga pampagising bukod sa kape, patuloy na basahin ang article na ito.

6 Na Pampagising Bukod Sa Kape

Narito ang ilang mga paraan upang manatiling aktibo at alerto nang hindi umaasa sa kape o caffeine:

  1. Mag-ehersisyo

Tandaan mo na ang regular physical activity ay isa sa mga pinakamahusay na paraan upang mapalakas ang energy levels mo at mapabuti ang iyong focus. Kahit ang isang maikling pag-eehersisyo o mabilis na paglalakad ay maaaring makatulong sa pagtaas ng daloy ng dugo at oxygen sa utak at katawan, na humahantong sa pagtaas ng pagkaalerto at pagiging produktibo.

  1. Uminom ng sapat na tubig 

Ayon sa mga pag-aaral ang dehydration ay maaaring magdulot ng pagkapagod at katamaran, kaya naman mahalagang manatiling hydrated sa buong araw. Maganda kung makakainom ang mga nasa hustong gulang ng hindi bababa sa 8 basong tubig sa isang araw upang makatulong na panatilihing hydrated ang katawan, mapataas ang energy levels, at manatiling gising.

  1. Magpahinga kung kinakailangan

Makakatulong ang mga maiikling pahinga o short breaks sa buong araw upang mapabuti ang iyong focus at mas maging produktibo — at manatiling gising sa mga oras na dapat ay gising ka. Iminumungkahi ng pananaliksik na ang pagkuha ng 5-10 minutong pahinga bawat oras, para mabawasan ang pagkapagod at mapabuti ang pag-andar ng pag-iisip.

Maaari ka kasing mas mabilis makatulog kung ikaw ay pagod — at ang pagkaantok ang isa sa mga palatandaan na nangangailangan na ng pahinga at tulog ang iyong katawan.

  1. Magkaroon ng balanseng diet

Ang pagkakaroon ng diyeta na mataas sa whole foods, prutas, gulay, at lean protein ay maaaring makatulong sa pagbibigay at pagpapanatili ng ating enerhiya sa buong araw. Iwasan ang mga matamis at naprosesong pagkain, na maaaring magdulot ng pagtaas ng blood sugar levels na maaaring humantong sa pagbagsak ng enerhiya — at pagkaantok natin.

  1. Kumuha ng Sapat na Tulog

Huwag mong kakalimutan na ang pagkakaroon ng sapat na tulog ay mahalaga para sa pagpapanatili ng energy levels sa buong araw. Mainam kung makakakuha ang isang indibidwal ng 7-8 oras na tulog bawat gabi upang makatulong na mapabuti ang focus, pagiging produktibo, at sa pangangalaga ng overall health.

Ang pagkakaroon ng sapat na tulog ay isang mabisang pampagising bukod sa kape, dahil kapag may sapat na tulog ka maaaring hindi ka antukin o makatulog basta-basta.

  1. Practice Mindfulness

Maganda kung magsasagawa ka rin ng “mindfulness practices” tulad ng meditation, at malalim na paghinga. Dahil maaaring makatulong ito na mabawasan ang stress at mapataas ang iyong focus, at productivity — at hindi makatulog sa gitna ng gawain.

Paalala ng doktor sa mga paggamit ng iba’t ibang pampagising na paraan

May mga kaso na hindi pa rin sapat ang pagsasagawa ng mga pampagising paraan upang manatiling gising ang isang tao. Ito ay dahil iba-iba ang bawat tao, health status, lifestyle, at lebel ng kagustuhan sa pagnanais na manatiling gising. Kaya naman may mga tao na patuloy pa rin na umaasa sa pag-inom ng kape upang hindi makatulog agad. 

Gayunpaman, dapat mong tandaan na ang mga epekto ng caffeine ay maaaring mag-iba depende sa indibidwal, partikular sa kanilang tolerance sa caffeine, at nainom na kape. Dapat mo pa rin na tandaan na ang pag-inom ng sobrang caffeine ay maaaring magdulot ng mga side effect gaya ng pagkabalisa, at insomnia, kaya mahalagang ubusin ang caffeine ng katamtaman.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

5 ways to feel awake without caffeine, https://www.colorado.edu/health/caffeine Accessed May 23, 2023

9 Ways To Stay Awake Without Caffeine, https://health.clevelandclinic.org/how-to-stay-awake-without-caffeine/ Accessed May 23, 2023

6 ways to wake up without coffee, https://edition.cnn.com/2022/02/05/health/wake-up-without-coffee-wellness/index.html Accessed May 23, 2023

7 Ways to Wake Up Without Coffee, https://www.nm.org/healthbeat/healthy-tips/caffeine-free-strategies-to-stay-energized Accessed May 23, 2023

Caffeine and Sleep, https://www.sleepfoundation.org/nutrition/caffeine-and-sleep Accessed May 23, 2023

Caffeine and Sleep, https://www.sleephealthfoundation.org.au/caffeine-and-sleep.html Accessed May 23, 2023

 

Kasalukuyang Version

06/13/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Nilalagnat Ang Buntis?

Paano Malalaman Kung Sira Na Ang Breastmilk? Narito Ang Kasagutan!


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement