backup og meta

Pagkain ng Junk Food: Ano Ang Epekto Nito sa Kalusugan?

Pagkain ng Junk Food: Ano Ang Epekto Nito sa Kalusugan?

Ang sobrang pagkain ng junk food at pag-inom ng softdrinks ay pwedeng makasama sa’yong kalusugan. Sa katunayan, ang isang can ng soda ay naglalaman ng 39-41 grams ng sugar, at kapag uminom ka ng 12-ounce can ng softdrinks, kasingdami ito ng pagkonsumo ng 7-10 kutsarang asukal. Pwedeng makasama sa’yong kalusugan ang labis na pagkuha ng sugar sa soda at pagmulan ng development ng iba’t ibang sakit at komplikasyon.

Basahin ang artikulong ito para sa mga mahahalaga pang impormasyon tungkol sa pagkain ng junk food at pag-inom ng soda.

Ano ang Junk Food?

Kadalasan kumakain ng junk food at umiinom ang tao ng softdrinks bilang isang resort para matugunan ang kanilang gutom at uhaw. Gayunpaman, sa katagalan ang pagkain ng sobrang junk food at soda ay maaaring maging dahilan ng pagkasira ng iyong kalusugan

Ang “junk food” ay tinatawag din bilang discretionary choices. Ibig sabihin, ito ang mga pagkain at inumin na walang sustansiyang binibigay sa katawan. Dahil ang junk food ay may mataas na calories mula sa sugar o fat at nagtataglay ng mababang components with nutritional value, tulad ng dietary fiber, protina, bitamina, at mineral. Kung saan, ito ang dahilan kung bakit tinatawag silang “empty calories”.

Anong mga pagkain ang itinuturing na junk food? 

Ang mga pagkaing itinuturing na junk food ay kinabibilangan ng:

  • Matamis na inumin tulad ng soda, juice, energy drink
  • Pinoprosesong karne tulad ng hotdog, bacon, ham
  • Mga matatamis na panghimagas o treats tulad ng mga kendi, gum, tsokolate, keyk
  • Fast food meal gaya ng french fries, fried chicken, hamburger, pizza, tacos
  • Mga chips
  • Instant noodles
  • Sorbetes
  • Iba pang mga naprosesong pagkain na hindi tama ang dami ng asukal, asin at bad fat

Epekto sa Kalusugan ng Sobra na Junk Foods

Ang sobrang pagkain ng junk food ang pumipigil sa katawan mula sa pag-absorb ng mga mahahalagang sustansya na tumutulong sa pag-function nito. Bukod pa rito, ang sobrang pagkain ng junk food ay maaaring magdulot ng mga problema sa kalusugan na pwedeng magresulta sa ilang malalang sakit sa hinaharap.

Narito ang ilan sa mga negatibong epekto ng junk food na dapat mong malaman

Obesity o Labis na Katabaan

Isa sa mga pangunahing kadahilanan kung bakit ang obesity ay isang pandaigdigang problema sa kalusugan ay dahil sa sobrang pagkain ng junk food. Ang mataas na lebel ng sugar, saturated fat, sodium, calories at mas mababa sa zero na dami ng nutrients (mineral at bitamina) sa napakaraming junk food ay maaaring magresulta ng labis na pagtaas ng timbang. Maaaring humantong sa mas malubhang sakit ang obesity tulad ng type-2 diabetes, cardiovascular disease, at ilang uri ng kanser.

Mahinang Kontrol ng Appetite at Mga Problema sa Panunaw

Ayon sa pag-aaral, ang pagkain ng sobrang dami ng junk food at maaaring makaapekto sa utak partikular sa hypothalamus na responsable sa regulasyon ng appetite. Ang sobrang sugar mula sa junk food ay nakasisira ng supresyon ng iyong appetite at nagiging dahilan ito ng pagtaas ng kagustuhan na kumain kahit ikaw ay busog pa.

Ang binge-eating junk food ay maaaring magdulot ng mga problema sa panunaw, dahil ang mga pagkain na walang fiber ay tumutulong sa panunaw. Kung ang pagkain ay hindi natutunaw nang maayos, maaari itong humantong sa constipation at iba pang problema sa digestion.

Pagkawala ng Memorya at mga Problema sa Pag-aaral

Ang mahinang diyeta, lalo na kapag kumakain ng high-fat, high-sugar foods ay maaaring magdulot ng pamamaga sa hippocampus na isang bahagi ng utak na responsable para sa memorya, pag-aaral, emosyon, at motibasyon. Kung saan ang pinsala sa hippocampus ay maaaring mag-trigger ng mga problema sa pag-aaral at kapansanan sa memorya. Tandaan din na kapag hindi ito kaagad nabigyang pansin maaari nitong mapataas ang iyong risk sa pagkakaroon ng dementia at Alzheimer’s disease.

Panganib ng depresyon

Ayon sa isang papel nagmula sa Manchester Metropolitan’s Centre for Bioscience nalaman na ang pagkonsumo ng pagkain na mataas sa cholesterol, saturated fats, at carbohydrate ay nagpapataas ng iyong risk na magkaroon ng depresyon ng 40%, dahil ang mga pagkaing ito ay nagdudulot ng pamamaga sa utak.

Mga Negatibong Epekto sa Paglaki at Pag-unlad

Ang junk food ay kulang sa lahat ng mahahalagang sustansiya na kailangan ng katawan para sa paggana at pag-unlad nito. Kapag ang iyong diyeta ay binubuo ng discretionary choices, maaari nitong hadlangan ang paglaki at pag-unlad mo. Dagdag pa rito, kadalasan ang mga bata ang nasa panganib na magkaroon ng negatibong epekto ng junk foods. Dahil ang kanilang katawan at mga organ ay patuloy pa rin sa paglaki at pag-unlad.

Dagdag pa rito, mayroon mga kaso ng indibidwal na masyadong payat para sa kanilang taas o sobra ang timbang dahil sa kakulangan ng sustansya at ibang pang deficiency factors.

At sa Pilipinas ayon na rin sa United Nations Children’s Fund (UNICEF), isa sa tatlong batang Pilipino na wala pang limang taong gulang ay bansot o hindi pa lumalaki base sa kanilang edad dahil sa sobrang pagkain ng junk foods.

Mga mas malusog na alternatibong pagkain sa junk food

Ang pagkakaroon ng kaalaman sa kung ano ang maaaring idulot na problema sa kalusugan ng mga junk foods ang pwedeng makapanghikayat sa’yo para piliin ang healthier food choices.

Narito ang ilan sa mga malulusog na alternatibong pagkain na maaari mong gawin sa halip na junk food na kumain ka ng junk foods.

Baked o air fried veggies sa halip na french fries.

Mag-bake o mag-air fry ng mga karot o kamote, at iba pang mas malusog na gulay kapag nais mong kumain ng french fries. Kung saan, maaari ka ring makakuha ng iba’t ibang mga sustansya mula sa mga gulay kaysa sa pagprito ng patatas.

Subukan mo ang sparkling water o iba pang mas malusog na inumin

Ang malamig na carbonated soda ay pumapawi sa iyong uhaw, lalo na sa mainit na panahon. Gayunpaman, ang sugar content ng mga inuming ito ay hindi masustansya. Ito ang dahilan kung bakit mas mainam na uminom ka ng sparkling water na may kasamang ilang sariwang prutas, kaysa sa pag-inom ng softdrinks.

Bukod pa rito, maaari ka ring kumuha ng sariwang kinatas na prutas o gumawa ng smoothie, kung naghahanap ka ng matamis na inumin.

Kung gusto mo ng pizza, subukang gumawa nito sa iyong bahay.

Kapag sa tahanan ka gumawa ng pizza makokontrol mo ang anumang sangkap na gustong ilagay sa pagkain. Maaari ka ring makagawa ng malusog na alternatibong pagkain sa’yong bahay at gamitin ang isa sa mga sample recipe ng pizza kung saan ang mga sangkap na ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • sariwang tomato sauce
  • basil
  • baby tomatoes
  • kaunting cheese
  • isang dash ng olive oil

Huwag lamang kakalimutan na kung nag-aalala ka sa gastos sa pagbili ng sangkap pwede ka namang bumili ng ready-made one sa grocery.

Gumamit ka ng walang taba na karne o mushroom kapag gumagawa ng hamburger.

Bilang kapalit ng double cheeseburger na mayaman sa saturated fat at cholesterol, bumuo ng burger sa’yong bahay. Maaring gumamit ng walang taba na protina tulad ng manok at turkey at gumamit ng mushrooms bilang iyong patty. Tandaan na pwedeng maging kalasa nito ang karne at maging masustansya para sa’yo.

Kumain ka ng mas malulusog na chips o nuts kaysa sa’yong regular na potato chips.

Madali mong mahahanap sa merkado ang mga alternatibo pagkain para sa potato chips, gaya ng kale chips, malunggay (moringa) chips, banana chips, at iba pa. Ang mga mani ay mahusay ding pamalit sa potato chips kung naghahanap ka lang ng snacks para sa’yong cravings. 

Kumuha ka ng mga sariwang prutas pamalit sa matatamis na pagkain.

Kung mayroon kang sweet tooth, hindi kumpleto ang iyong araw kung wala kang matamis na pagkain na kinakain. Tandaan na sa halip na kumain ng mga kendi, keyk, at iba pang sugary sweets mas maganda kung sariwang prutas na lang ang iyong kakainin. Dahil ang mga fresh fruit ay mayaman sa mga benepisyo sa nutrisyon at makakatulong para maibsan ang iyong cravings.

Maraming malulusog na pagkain ang maaari mong piliin, sa halip na manatili sa isang bagay na pwedeng makapagpahamak sa’yo. Ang kailangan mo lang gawin ay magsaliksik o mag-eksperimento sa bahay upang mahanap ang iyong mga bagong paboritong pagkain at ganap mong matanggal ang junk food sa’yong diyeta.

Key Takeaways

Sa pagkain ng junk foods hindi mo agad mararamdaman ang mga negatibong epektibo nito dahil para sa’yo at sa nakakarami ang junk food ay isang “comforting” na pagkain. Kaugnay nito, hindi na nakapagtataka kung patuloy ka sa pagkain dahil sa pag-aakala na mabuti ito para sa’yo. Kapag ganito ang iyong pag-iisip, dahan-dahang magdurusa ang iyong katawan dahil sa mahinang diyeta na iyong ginagawa.
Para maiwasang mangyari ito, palagiang unahin ang pagpili ng mga masusustansiyang pagkain kapag ikaw ay namimili at hangga’t maaari subukang gawin ang iyong pagkain sa bahay. Ito ay para masigurado ang pinakasariwa at pinakamalusog na sangkap ang mailalagay sa’yong pagkain. At panghuli, maging adventurous sa’yong mga food options at maging maingat sa pagkain habang nagpapatuloy ka sa malusog na diyeta.

Matuto pa tungkol sa Masustansyang Pagkain dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Junk Food Diet Raises Depression Risk, Researchers Findhttps://www.mmu.ac.uk/science-engineering/about-us/news/story/index.php?id=9149 Accessed June 17, 2020

Hypothalamic Inflammation In Obesity and Metabolic Disease https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5199695/ Accessed June 17, 2020

Hippocampal-dependent Appetitive Control is Impaired by Experimental Exposure to a Western-Style Diet https://royalsocietypublishing.org/doi/10.1098/rsos.191338#d3e785 Accessed June 17, 2020

Sugary Drinkhttps://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/healthy-drinks/sugary-drinks/ Accessed June 17, 2020

Junk Food https://healthywa.wa.gov.au/Articles/J_M/Junk-food Accessed June 17, 2020

Experts Note Rise in Number of Unhealthy Kids in PH https://www.pna.gov.ph/articles/1083389 Accessed June 17, 2020

 

Kasalukuyang Version

10/17/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Kaugnay na Post

Paano Magpalakas ng Immune System? 10 Mahalagang Nutrients


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement