Mahalaga para sa isang ina na magkaroon ng kakayahan na makapagpasuso sa anak. Dahil isa itong tanda na binibigyan mo ang iyong baby ng mga sustansya na magpo-promote ng kanyang pag-unlad at kalusugan. Kaya naman maaaring may mga tanong ka tungkol sa kalidad ng iyong breastmilk— at kung paano malalaman kung ligtas pa bang inumin ng iyong anak ang gatas na mula sa’yo.
Sa katunayan ang pag-store ng gatas sa fridge o freezer works ay isang mahusay na hakbang. Gayunpaman dapat maging “aware” tayo sa milk spoilage o kailan tuluyang masisira ang breastmilk. Sapagkat sa oras na makainom ang baby ng sira o expired na breastmilk maaaring silang makaranas ng mga sumusunod:
- pananakit ng sikmura
- bloating
- pagsusuka
- food poisoning
Lagi mo ring tatandaan na ang gatas ng ina ay may iba’t ibang kulay, amoy, at lasa. Pwede itong magbago depende sa kung ano ang kinakain ng isang ina— at dahil madalas magbago ang gatas ng ina, kailangan maintindihan ng mga magulang kung paano malalaman kung sira na ang breastmilk.
At para malaman ang mga paraan kung paano malalaman kung sira na ang breastmilk, patuloy na basahin ang article na ito.
Safe pa ba kapag soapy o naging metallic breastmilk ang gatas ni baby?
Ang breastmilk na iniimbak ay maaaring magbago ang kulay at consistency araw-araw. Katulad ng ibang gatas, maaari itong masira kung masyadong matagal. Dagdag pa rito, tinitingnan, inaamoy, at tinitikman natin ang gatas para matukoy kung pwede pa ba ang gatas ng ina na ipainom kay baby.
Kaya ang isa sa pangunahing tanong ng mga mommy ay kapag ba nagmukang soapy o metallic ang breastmilk ay maaari pa ba itong i-consume?
Ayon sa isinulat na article ni Jessica Holbrook, MSN, RN, CCRN ang soapy o metallic breastmilk ay maaaring sanhi ng iba’t ibang bagay. Kung saan, ang lasa o amoy ay hindi palaging mapanganib para sa iyong baby. Dahil ang ilang mga ina ay gumagawa ng mas maraming “lipase” kumpara sa iba na pwede maging sanhi ng lasa at amoy na may sabon.
Ang lipase activity ay tumataas habang ang nailabas na gatas ay nasa room temperature at ang sobrang lipase ay nagdudulot ng mga pagbabago sa lasa at amoy kahit na ang gatas ng ina ay mainam pa ring inumin.
Habang ang metallic breastmilk ay sanhi ng chemical oxidation. Ito ay maaaring mangyari kahit na ang gatas ay naimbak nang maayos at pinaniniwalaan na ang dahilan nito ay ang pagkain ng ina. Kung saan ang pagkain ng masyadong maraming polyunsaturated fats o pag-inom ng tubig na may iron ions at free copper ay nagdudulot ng chemical oxidation.
Paano malalaman kung sira na ang breastmilk?
Mayroong 3 paraan kung paano malaman kung sira na ang breastmilk— ito ang appearance test, smell test, at taste test.
Ngunit paano nga ba gumagana ang mga ito? Patuloy na basahin ang article na ito.
-
Appearance test
Pagkatapos i-pump ang gatas ng ina, makikitang natural nahihiwalay ang fat sa breastmilk at tumataas ito sa itaas na bahagi, habang ang matubig na parte naman ay makikita sa ibabang bahagi nito. Kapag mabuti pa ang gatas, madali itong nahahalo sa mild na pag-ikot o pag-shake ng bote ng sanggol.
Kaya sa oras na ang breastmilk ay nananatiling may mga lumulutang na tipak, pagkatapos subukang paghaluin malamang na sira na ang gatas at magandang ideya na itapon na lang ito.
-
Smell test
Kapag ang gatas ng ina ay inistore sa refrigerator o sa room temperature, ang “sniff test” ay maaaring isang maaasahang paraan para matukoy kung ang breastmilk ay sira na. Bagama’t normal lamang na may iba’t ibang variance sa amoy ang gatas ng ina, tandaan mo pa rin na kapag rancid o maasim na ang amoy nito ay maaaring senyales na ito na panis o sira na ang gatas.
Gayunpaman, ang pamamaraang ito ay hindi palaging maaasahan, lalo na kung na-freeze ang breastmilk. Dahil ang gatas ng ina ay naglalaman ng lipase na nagbre-break down ng fats para sa baby. Kaya ang mga ina na may mataas na lipase breastmilk, ang enzyme nila ay maaaring maging sanhi ng “thawed breast milk” na amoy maasim at mukang may sabon, kahit na ang gatas ay ligtas para inumin.
-
Taste test
Kapag ang iniimbak na gatas sa refrigerator ay naging rancid o maasim ang lasa, malamang na nasira na ito at hindi dapat ipakain sa baby.