Ang iodine ay mineral na natural na nakukuha sa lupa at tubig dagat. Kailangan ng thyroid glands ng sapat na dami ng iodine upang ito ay gumana nang maayos. Ang thyroid ang gumagawa ng thyroid hormones na inilalabas naman sa mga daluyan ng dugo at dinadala ng dugo sa tissues ng katawan. Alamin dito kung ano ang epekto ng iodine deficiency sa kalusugan ng tao.
Tinutulungan ng thyroid hormones ang katawan sa paggamit ng enerhiya, pagpapanatili ng temperatura ng katawan at paggana ng organs nang maayos. Sa panahon ng pagbubuntis, ang fetus ay nangangailangan ng thyroid hormone para sa brain at bone development.
Ano ang Iodine Deficiency?
Ang iodine deficiency ay ang kakulangan ng iodine sa katawan ng isang tao. Kailangan mo ng tamang dami ng iodine para sa iyong metabolismo at para sa malusog na paggana ng iyong thyroid gland.
Iodine deficiency ang pinakakaraniwang sanhi ng thyroid disease at, kung malubha, ang epekto ng iodine deficiency ay maaaring magdulot ng permanenteng brain damage at intellectual disability sa mga sanggol.
Epekto ng Iodine Deficiency
Totoo ba na brain damage ang epekto ng Iodine Deficiency?
Ayon sa World Health Organization, iodine deficiency ang pangunahing sanhi ng brain damage sa mga bata. Ang iodine ay key nutrient para sa proseso ng fetal development lalo na sa utak. Ang iodine deficiency ay nagreresulta sa impaired cognitive at motor development na nakakaapekto sa performance sa school ng bata.
Sa mga adult, naaapektuhan nito ang productivity at kakayahang makapagtrabaho. Maaaring 15% ng IQ points ang mawala sa mga taong kulang sa iodine at halos 50 million ang dumaranas ng ilang antas ng brain damage na may kaugnayan sa iodine deficiency.
Kung ang mga bata at mga hindi pa isinisilang na sanggol ay may malaking kakulangan sa iodine, maaaring magkaroon ng mga problema sa normal development kasama na ang:
- pinsala sa utak
- low birth weight
- kapansanan sa intelektwal
- mababang IQ
- pagkansot
Sa mga kababaihan, ang ilan sa epekto ng iodine deficiency ay:
- fertility problems
- mga problema sa pagbubuntis tulad ng miscarriage, stillbirth, at brain at nerve damage sa nabubuong fetus
Mga Sintomas ng Iodine Deficiency
Maraming mga tao ang hindi alam na mayroon silang iodine deficiency. Gayumpaman, ang ilang mga tao na kulang sa iodine ay maaaring magkaroon ng goiter, o paglaki ng thyroid gland sa leeg.
Maaari ring mauwi sa hypothyroidism, (underactive thyroid kung saan napakakaunti ng thyroid hormone.) Ito ay maaaring magdulot ng mga sintomas kabilang ang:
- madalas na pagod
- panghihina ng muscles
- hindi inaasahang pagtaas ng timbang
- nahihirapan sa pag-aaral at pag-alala
- constipation
- mahina, mabagal na heartbeat
- dry skin
- pagkalagas ng buhok
- namamagang mukha
- pakiramdam na malamig
Mga Dahilan
Nagkakaroon ng iodine deficiency kapag hindi nakakakuha ang katawan ng sapat na iodine. Ang iodine deficiency ay karaniwang sa mga developing countries sa buong mundo. Maaaring hindi nakakakuha ng sapat na iodine ang mga taong malayo sa dagat sa pamamagitan ng seafood.
Sa tala ng PubMed Central, na Health Consequences of Iodine Deficiency, ang mga lupa galing sa mabundok na lugar mga lugar na may madalas na pagbaha, ay malamang na kulang sa iodine. Dahil dito, ang pagkain na itinanim sa mga rehiyong ito ay hindi nakapagbibigay ng sapat na iodine sa populasyon at mga hayop na naninirahan doon. Hindi tulad ng mga sustansya tulad ng iron, calcium o bitamina, ang iodine ay hindi likas na makikita mga partikular na pagkain; sa halip, ito ay nasa lupa at ingested sa pamamagitan ng mga pagkaing lumaki sa lupang iyon. Nagkakaroon ng iron deficiency kapag may kakulangan ng iodine sa crust ng lupa. Hindi naman garantiya ng sapat na iodine ang pamumuhay sa baybayin ng dagat. Naiulat ang malalaking kakulangan sa iodine mula sa coastal regions sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Diagnosis ng Iodine Deficiency
Gagawin ng doktor ang physical examination at mag-uutos ng pagsusuri sa ihi o pagsusuri sa dugo ng thyroid stimulating hormone (TSH). Kung may abnormal levels ng TSH, maaari kang magkaroon ng karagdagang mga pagsusuri tulad ng ultrasound upang tingnan ang thyroid gland.
Kung may iodine deficiency, malamang na ire-refer ka sa isang espesyalistang doktor na tinatawag na endocrinologist.
Treatment
Kadalasan ang gamutan ay sa pamamagitan ng pagkain ng mga pagkaing may iodine, paggamit ng iodized salt, ang pag-inom ng iodine supplements.
Ang mga taong may hypothyroidism ay kadalasang ginagamot ng synthetic form ng thyroid hormone, na kailangan nilang inumin sa natitirang bahagi ng kanilang buhay.
Paano mo maiiwasan ang iodine deficiency
Karaniwang makakakuha ng iodine mula sa pagkain ng mga pagkaing mayaman sa iodine tulad ng seafood. Maaari kang gumamit ng kaunting iodized salt upang madagdagan ng iodine ang iyong diet.
Ang pag-take naman ng sobrang iodine ay maari ring maging sanhi ng mga problema sa thyroid, kaya huwag sobrahan ang recommended dose ng supplements.
Ayon sa American Thyroid Association, sa kasalukuyan maraming tao sa buong mundo ang may kakulangan pa rin sa iodine at patuloy itong problema sa public health. Halos 30% ng mga tao sa buong mundo ang may iodine deficiency.
Ang mga sumusunod ay mapagkukunan ng Dietary Iodine:
- Iodized table salt
- Pink Himalayan salt ito ay may iodine, pero hindi kasing dami ng iodized table salt
- Iodine-containing multivitamins
- Seaweed (kelp, kombu, nori, dulse)
- Saltwater fish (cod, sardines, salmon, tuna)
- Shellfish (scallops, shrimp)
- Dairy (milk, cheese, yogurt
- Eggs
Key Takeaways
Mahalaga ang iodine laban sa brain damage. Nakakatulong sa pagkakaroon ng iodine ang mga pagkaing mula sa lupang mayaman sa iodine, ito ang pinakamainam na source ng iodine. Tandaan din na maaaring pigilan ang pagkakaroon nito sa pamamagitan ng pagkain na may iodine o paggamit ng iodized salt. Ang iodine deficiency ay maiiwasang sanhi ng brain damage at mental retardation. Maaring magkaroon ng malaking epekto ng iodine deficiency sa kalusugan. Pinakamainam na magpatingin sa doktor kung nararanasan ang mga sintomas ng iodine deficiency upang matulungan ka sa angkop na paggamot.
[embed-health-tool-bmi]