backup og meta

Ano ang critical illness insurance?

Kung ikaw ay mapalad, malamang na hindi mo na kakailanganing alamin kung ano ang critical illness insurance. Ngunit ang katotohanan, ang insurance na ito ang maaaring makapigil sa pagkalugmok ng iyong pinansyal na kapasidad sa panahon emerhensya sa kalusugan. Akala ng karamihan, sila ay ganap na protektado ng isang karaniwang insurance plan. Ngunit ang napakataas na gastos sa pagpapagamot ng mga kritikal na sakit ay kadalasang higit pa sa saklaw ng anumang plano.

Habang ang average life expectancy ay patuloy na tumataas, naghahanap ng mga paraan ang mga kompanya upang matiyak na kayang bayaran ng mga tao ang pribilehiyong tumanda. Ang critical illness insurance ay binuo dahil napagtanto ng mga tao na ang isang kritikal na kondisyon ay maaaring mag-iwan sa isang pasyente ng mga bayarin sa medikal. Kahit na may mahusay na health insurance ka pa, maaaring magkaroon ng napakalaking pasanin sa pananalapi kapag ikay inatake sa puso o na-stroke.

Alamin kung ano ang critical illness insurance

Ang critical illness insurance ay maaaring magbayad sa nakaseguro ng lump sum kasunod ng diagnosis ng isang sakit na sakop sa ilalim ng plano. May halos 36 na kritikal na karamdaman na kasali sa halos lahat ng critical illness plan tulad ng:

  • Cancer
  • Organ transplant
  • Atake sa puso
  • Stroke
  • Renal failure
  • Paralysis
  • Multiple sclerosis
  • Viral hepatitis

Subalit, walang saklaw kung na-diagnose ka na may sakit na wala sa partikular na listahan para sa iyong plano. Ang listahan ng mga sakop na sakit ay nag-iiba depende sa binayaran na plano.

[embed-health-tool-heart-rate]

Ano ang pre-existing conditions

May iba’t ibang mga plano sa kritikal na sakit na magagamit at ito ay may kaukulang presyo. Ang mga premium, na halagang binabayad sa insurance, ay batay sa halaga ng benepisyo at edad ng aplikante. Sa indibidwal na merkado, ang mga pre-existing conditions ay hindi saklaw ng insurance na ito.

Pre-existing conditions

Ang mga karamdaman o pinsalang naranasan bago kumuha ng critical illness insurance ay maaaring ituring na isang pre-existing condition. Maaaring kabilang sa mga dati nang kondisyon ang mga isyu sa kalusugan tulad ng acne, diabetes, cancer, lupus, depression, acne, pagbubuntis, o iba pang kondisyong pangkalusugan.

Ano ang critical illness insurance at health insurance plan

Ang critical illness insurance policy ay isang standalone na plano na makakatulong sa iyo kapag ikaw ay nagkaroon ng karamdamang nagbabanta sa buhay. Iba ito sa health insurance plan dahil kadalasang nag-aalok ito ng mas mahusay na kabayaran na maaari mong gamitin para sa mga medikal na gastusin o iba pa.

Mahalagang pag-aralan mo kung ano ang mga kondisyon at patakaran na nakapaloob sa insurance policy. Ang tatlong pangunahing kondisyon na sakop ng lahat ng mga patakaran sa ganitong insurance ay ang cancer, atake sa puso at stroke. Dapat makita ang mga kondisyong ito upang mabayaran ng insurance company ang insurance claim.

Kahalagahan ng critical illness insurance sa modernong pamumuhay 

Kung tutuusin, kinakailangan ng bawat tao ang critical illness insurance ngayon moderno na ang pamumuhay. Ang “fast food lifestyle” ng karamihan ay maaaring makaapekto sa pangkalahatang kalusugan ng mga pamilya. Idagdag pa dito ang paggamit ng mga kemikal na nagdudulot ng mga seryosong sakit. Ito ang ilan lamang sa mga pangunahing dahilan kung bakit naging popular ang insurance na ito.

Gayunpaman, may mga grupong kumukwestyon pa rin kung sulit nga ba ang mataas na halaga ng critical illness insurance. Maraming isyu ang hinaharap ng sektor. Isa na dito ang katanungan kung nailalahad ba ng maayos at kumpleto ang impormasyon na kailangang malaman ng mga tao bago bumili ng insurance policy. 

Sinasabing “contract of adhesion” ang kung ano ang critical illness insurance. Ibig sabihin nito, kadalasang pumipirma na lamang ang kumukuha ng insurance dahil nakasulat na ang kontrata. Mahalaga man ang insurance policy na ito, kumunsulta muna sa mga eksperto bago pumirma ng kontrata.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

02/26/2026

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Nilalagnat Ang Buntis?

Paano Malalaman Kung Sira Na Ang Breastmilk? Narito Ang Kasagutan!


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas