Pamalit ba sa energy drink ang hanap mo? Ito ang kadalasang hinahanap ng mga taong laging pagod ngunit gustong umiwas sa mga posibleng hindi magandang epekto ng mga energy drink sa kalusugan. Normal lamang ang mapagod ngunit mas mabuting alamin ang pinag-uugatang dahilan ng kondisyong ito. Maaaring may iba pang paraan upang pasiglahin ang iyong katawan nang hindi umiinom ng energy drink.
Malaki ang maitutulong ng energy drink para sa isang karaniwang manggagawa na pagod na ngunit marami pang dapat tapusin. Hindi nakapagtataka kung matukso kang uminom ng isang bote ng energy drink o kahit kape man lang. Ngunit sa halip na humanap ng pangmadaliang solusyon, mas mabuting alamin ang totoong dahilan kung bakit lagi kang pagod at humanap ng permanenteng solusyon dito.
Epektibo ba ang energy drink? Ano ang pamalit sa energy drink?
Pumunta ka sa tindahan at makakakita ka ng maraming bitamina, halamang gamot, at iba pang suplemento na sinasabing nagpapalakas ng enerhiya. Sinasabing epektibo ang mga energy drink na may chromium picolinate at ginseng. Ngunit kaunti o walang siyentipikong ebidensya kung ang mga nagpapalakas ng enerhiya ay epektibo nga. Sa kabutihang palad, may mga bagay na maaari mong gawin upang mapataas ang antas ng natural mong enerhiya.
May mga pag-aaral na nagsasabing may kakayahang magpalakas ng pisikal na resistensya ang mga energy drinks. Subalit, kaunti lamang ang ebidensya ng anumang epekto nito sa pagpapalakas ng kalamnan. Maaaring mapahusay ng mga energy drinks ang pagiging alerto at mapahusay ang bilis ng reaksyon. Ngunit maaari rin nilang bawasan ang pagiging matatag ng mga kamay.
Ligtas ba ito? Ano ang pamalit sa energy drink?
Sa sandaling uminom ka ng energy drink, tumatagal ng humigit-kumulang sampung minuto bago makapasok ang caffeine sa daluyan ng dugo. Nagsisimulang bumilis ang pintig ng iyong puso at presyon ng dugo. Ito ang sinasabi nilang half-life ng caffeine.
Mabuti ba sa katawan ang pag-inom ng energy drinks? May mga nagsasabing wala itong benepisyo sa katawan dahil karamihan ay nagtataglay ng mataas na antas ng caffeine at asukal. Ang pag-inom ng sobrang caffeine ay maaaring magpataas ng presyon ng dugo at tibok ng puso, at maging sanhi ng pagkabalisa at hindi pagkakatulog.
Sports drink pamalit sa energy drink?
Minsan ay nalilito ang mga tao sa pagitan ng energy drink at sports drink ngunit sila ay magkaiba. Maraming mga energy drinks ang naglalaman ng humigit-kumulang 200 mg ng caffeine, ang halaga sa dalawang tasa ng kape. Maaaring may dagdag rin na iba pang mga sangkap na maaaring magpataas ng enerhiya tulad ng mga bitamina B at mga halamang gamot tulad ng ginseng at guarana.
Maraming nababahala sa kakulangan ng regulasyon tungkol sa kaligtasan ng mga energy drinks. Iniulat ng Centers for Disease Control and Prevention na noong 2007, 1,145 na kabataan na may edad 12 hanggang 17 ang nakaranas ng emergency na may kinalaman sa energy drink. Tumaas ang bilang nito sa 1,499 noong 2011.
Mga pamalit sa energy drink
Tubig
Tubig ang pinakamahusay na energy drink sa buong mundo dahil may kinalaman ito sa lahat ng metabolic reaksyon na nangyayari sa katawan. Ang kakulangan sa tubig ay maaaring mauwi sa dehydration at pagbaba ng enerhiya. Gawing mas kaaya-aya ang pag-inom ng tubig sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga hiwa ng prutas or gulay tulad ng lemon o pipino.
Malamang na bumaba ang iyong enerhiya kung hindi ka umiinom ng tubig sa buong araw. Natuklasan ng isang pag-aaral na ang dehydration ay maaaring maging sanhi ng pagod, kabawasan sa pagiging alerto at hirap sa pagtutok. Uminom ng 11 hanggang 15 baso ng tubig bawat araw.
Green Juices at Smoothies
Ang mga berdeng gulay tulad ng spinach, kale at parsley ay sagana sa bitamina B na kinakailangan ng katawan para sa metabolismo. Kapag maganda ang metabolismo ng katawan, mas mabilis na makakagawa ito ng sapat na enerhiya. Ang mga berdeng gulay na ito ay maaaring gawing juice o smoothie.
Maraming pag-aaral ang nagsasabi na may negatibong implikasyon sa kalusugan ang mga energy drinks. Kung ang pag-inom ng energy drink ay naging normal na para sa iyo, mas mabuting humanap ng pamalit sa energy drink tulad ng tubig, at natural na inuming gawa sa gulay o prutas.