Ang lubricant, o mas kilala na lube, ay maaaring gamitin ng kahit sino. Mas marami ang mga dahilan na gamitin ito kaysa sa kaya mong isipin. Katulad na lang na maaaring mas ligtas ang pakikipagtalik, ma-enhance ang pleasure, at matulungan ang dryness. Karaniwang mabibili ang silicone-based products sa merkado. Kaya lang, may ibang mga tao na may takot dahil ito ay synthetic product. Mayroon bang natural na lube? Alamin dito.
Sa artikulong ito, tatalakayin ang ilang natural na alternatibo o sangkap na hinahanap mo sa mga produkto na maaari mong suriin.
Natural vaginal secretions
Sa tamang foreplay, ang katawan ng babae talagang nagiging posibleng maging komportable sa sex, ligtas, at kaaya-aya gamit ang natural na lube. Malinaw na hindi talaga ito produkto. Nag-iiba pa rin ito sa bawat tao at sa kanilang mga kagustuhan. Ngunit mahalagang malaman na hindi ito gaya ng natural.
Ano ang natural?
Wala talagang eksaktong kahulugan ang “natural” ngunit mas gusto ng maraming tao ang mga produktong hindi gaanong synthetic. Ito ay sa kadahilanan na ang ilang mga kemikal ay maaaring magdulot ng panganib sa mga tao. Maaaring kabilang sa mga kemikal na ito ang parabens, petroleum, glycerin, at iba pang synthetic compounds. Samakatuwid, maaari nating ipagpalagay na ang mga produktong mas simple at non-toxic o maging natural na sangkap ay pwedeng makasali bilang “natural” na lube.
Water-based na mga produkto
Ang mga water-based na mga produkto ay pamalit sa silicone. Neutral ang lasa at amoy ng mga ito. Kaya’t nakakasigurado ka sa kasiyahan at walang irritants na kasama sa mga hindi natukoy na pabango. Ligtas silang gamitin kasama ng mga condom at iba pang silicone products dahil hindi nasisira ang materyal, hindi tulad ng ipa pang uri ng lube.
Ang isa pang kapansin-pansing natural na sangkap ng water-based natural na lube ay aloe vera. Ito ay halaman na kilalang may cooling properties ay naglalaman ng tubig. Maraming lube products ngayon ang maaaring meron nito ngunit madalas silang may alkohol. Kung ikaw ay sensitibo sa mga iyon, siguraduhing suriin ang mga ingredient!
Mga alternatibong DIY na aloe vera-based
Ang isang water-based na DIY alternatives ay purong aloe vera. Ginagamit ito sa balat ng nagdaragdag ng hydration at nakakabawas ng irritation (kadalasan ay sa sunburn). Ito rin ay water-based, kaya ang natural na lube na ito ay hindi makakasira ng latex. Ligtas itong gamitin kasama ng condom. Kung gusto mong talagang natural, maaaring ito ang piliin.
Mga produkto na coconut o plant-oil based
Karaniwan ang oil-based products. Kadalasan, ito ay coconut, sunflower, o iba pang plant-based oils na ginagamit sa mga lube. Mahalagang tandaan na ang mga produktong oil-based na natural na lube ay hindi maaaring gamitin sa latex o plastic products. Ito ay dahil ang langis at taba ay nakakasira sa latex at silicone.
Mayroong mga alternatibong DIY para dito ngunit pinakamainam na piliin ang pwede sa balat mo o hindi gaanong naproseso.
Oil-based DIY alternatives
Ang unang posibleng alternatibo ay avocado oil. Pinakamainam na piliin ang unprocessed avocado oil. Dahil ito ay banayad at neutral sa lasa at amoy. Ito ay mas tumatagal pero hindi kasing epektibo ng mga mas sikat na mapagpipilian.
Ang coconut oil o langis ng niyog ang pangalawang posibleng natural na lube. Partikular dito ay ang virgin coconut oil. Ito ay napatunayang mahusay na moisturizing at hindi kailangan ng sobrang paglilinis. Naa-absorb ito ng balat pero posibleng mag-stain ang kumot. Ang virgin coconut oil ay nangangahulugan lamang na ito ay unrefined at hindi gaanong na-proseso.
Ang iba pang natural na mga langis tulad ng sweet almond oil o ghee ay maaaring epektibong natural na lube. Ngunit may ilang oil-based products na dapat iwasan. Ang tuntunin ay piliin ang hindi gaanong naprosesong variant.
Mga dapat iwasan na oil-based products
Tumataas ang tyansa ng impeksyon sa anumang petroleum-based o mineral oil. Kasama dito ang baby oil, na napaka-accessible. Ganoon din ang refined oils tulad ng canola o vegetable oils. Nag-iiwan ito ng residue na maaaring mag-build up at magkaroon ng impeksyon.
Hindi rin epektibo ang petroleum jelly dahil ito ay greasy at hindi madulas, na hindi magandang epekto. Ganoon din ang essential oils na hindi nilalayong gamitin sa iyong katawan na maaring ma-ingest dahil sa kanilang mataas na konsentrasyon.
Mga potensyal na panganib
May ilang mga kemikal na talagang dapat iwasan. Tulad ng chlorhexidine gluconate, cyclomethicone, cyclopentasiloxane, cyclotetrasiloxane, parabens, at mga flavor na hindi natukoy o mga pabango. Ito ay dahil nanganganib na makagambala ang mga ito sa kinakailangang bakterya sa katawan. Ang ilan sa mga ito ay nagdudulot pa nga ng mga problema sa fertility, endocrine disruption, at reproductive harm na dulot ng irritation o allergic reactions.
Key Takeaways
Sa pangkalahatan, siguraduhing mag-research at suriin ang magagamit na impormasyon sa anumang produkto na iyong mapili. Iwasan ang mga hindi kinakailangang magarbong epekto. Ito ay tulad ng flavors o sensations o mga kulay na maaaring strategy sa marketing at may maraming mga kemikal. Pagdating sa mga produkto na maa-absorb ng balat, palaging mas mainam ang mas simple. Gawin ang patch test bago aktwal na gamitin ang produkto.
Alamin ang iba pang Mga Tip sa Sex dito.
[embed-health-tool-bmr]