backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Alamin: Para Saan Ang Lube?

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD · Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

    Alamin: Para Saan Ang Lube?

    Ang pakikipagtalik ng mga magkakarelasyon ay magiging mas kasiya-siya kung alam nilang gumamit ng lube habang nagtatalik. Subalit ano at para saan ang lube? Paano ito gamitin nang tama?

    Halos 50% ng mga magkakarelasyon ang naniniwalang ang lube ay nakatutulong upang mabilis na maramdaman ang orgasm. Kung gusto mong madagdagan ang kasabikan at emosyonal na kasiyahan habang nakikipagtalik, maaari mong subukang alamin kung paano gamitin ang lube. 

    Ano At Para Saan Ang Lube?

    Alamin sa artikulong ito kung ano ang lube, gayundin ang epekto at paraan kung paano ito gamitin nang hindi naaapektuhan ang iyong kalusugan.

    Ano at para saan ang lube? Ito ay isang produktong tiyak na ginagamit sa pakikipagtalik upang mabawasan ang pagkikiskisan ng tite at puke o ng ibang bahagi ng katawan. Kapakipakinabang ang produktong ito sa mga kababaihang maaaring makaranas ng panunuyo ng puke.

    May apat na uri ng lube na kasalukuyang mabibili:

    Water-Based Lubricants

    Ang uring ito ng lube ay natutunaw sa tubig. Madali itong linisin at ginagamit ng nakararami.

    Oil-Based Lubricants

    Maaari nitong masira ang condom. Kaya naman hindi ito ligtas at epektibong gamitin laban sa hindi inaasahang pagbubuntis o sa impeksyong dulot ng STD. Dapat iwasan ang paggamit nito dahil hindi ito madaling linisin at maaaring maging sanhi ng impeksyon.

    Silicon-Based Lubricants

    Ito ay mas malapot at mas madikit kaysa sa water-based lubricants kaya mas nagtatagal ito sa balat. Hindi rin ito natutunaw habang nakikipagtalik nang naliligo.

    Hybrid Lubricants

    Batay pa lamang sa pangalan nito, ang hybrid lubricants ay kombinasyon ng magkaibang katangian o uri ng lube upang mas maging kasiya-siya ang pakikipagtalik. Kadalasan, ito ay pinaghalong tubig at silicone-based lubes. Ito ay nagbibigay ng madulas na epekto dulot ng water-based lubricants subalit hindi ito mabilis na matuyo. Ligtas din itong gamitin kasama ng latex condoms at sa sex toys.

    Para Saan Ang Lube? 11 Paraan Nang Ligtas Na Paggamit Ng Lube

    1. Maingat Na Pagpili Ng Lube

    Bago gumamit ng lube, kailangan mong maingat na pumili nito batay sa mga sumusunod:

    • Huwag bumili ng produktong bukas na, o wala o sira ang selyo.
    • Tingnang mabuti ang expiration date upang matiyak na matagal magagamit ang produkto.
    • Alamin kung ang mga sangkap ng produkto ay ligtas gamitin.
    • Maglagay ng kaunting lube sa bahagi ng pulso upang malaman kung ikaw ay makararanas ng anomang iritasyon at pangangati. Kung mangyari man ito, huwag gamitin ang produkto.

    2. Hindi Porket Mas Marami Ay Mas Mainam

    Karamihan sa mga panuto sa paggamit ng lube ay nagrerekomendang gumamit lamang ng katamtamang dami sa bawat pakikipagtalik. Hindi dapat gumamit nang napakaraming lube dahil sayang lamang at mahirap itong tanggalin na maaaring humantong sa gynecological infections. Ito ay totoo lalo na sa mga oil o silicone-based lubricants. Gayunpaman, maaaring gumamit ng maraming water-based lube kung kinakailangan.

    Matapos makipagtalik, laging gawin ang perineal hygiene at tanggalin ang natirang gel upang maiwasan ang impeksyon. Gayundin sa paglilinis ng sex toys matapos gamitin.

    3. Pagmamasahe Gamit Ang Lube

    Bago maglagay ng lube sa mga pribadong bahagi ng katawan, maaari itong gamitin ng magkarelasyon upang imasahe ang isa’t isa. Makatutulong ito sa pagpapabuti ng pakiramdam ng maraming bahagi ng katawan tulad ng likod, utong, balikat, at maging maliliit na sensitibong bahagi gaya ng tainga.

    Ang paggamit ng lube upang “magpainit” ay bahagyang mainam sa pakikipagtalik dahil napabubuti nito ang pakiramdam.

    Upang maging mas epektibo ang pagmamasahe, hugasan ang iyong kamay gamit ang sabon, at saka maglagay ng lube sa iyong mga kamay. Ipahid ito sa katawan ng iyong karelasyon at simulan ang pagmamasahe.

    4. Paggamit Ng Lube Gel Habang Naliligo

    Huwag hayaang humalo ang lube sa sabon o sa shampoo at saka makipagtalik. Maaari itong maging sanhi ng iritasyon sa paligid ng pribadong bahagi ng katawan.

    5. Lube Na May Lasa Para Sa Oral Na Pakikipagtalik

    Mababawasan nito ang hindi komportableng pakiramdam habang nangyayari ang oral na pakikipagtalik. Napataas din nito ang kagustuhang makipagtalik dahil sa lasa at amoy nito. Ito ay kadalasang ginagamit ng mga taong nagnanais na isubo o magkaroon ng direktang oral contact sa lube.

    Pumili ng lasang gusto mo, ipahid ito sa iyong karelasyon, at saka magsaya.

    6. Makipaglaro Sa Isa’t Isa Gamit Ang Malamig Na Lube

    Maaari mong ilagay ang ilang lube sa refrigerator at gamitin ito bago makipagtalik para sa kakaibang uri ng kasiyahan.

    Magpahid ng nito sa iyong utong, labi, likod ng tainga, at iba pang sensitibong bahagi ng katawan.

    7. Lubos Na Magsaya Gamit Ang Iyong Mga Kamay

    Kasama ang lalaking iyong karelasyon, maaari mong gamitin ang lube upang mabuti ang ang hand job. Magsimula sa pagmamasahe sa kanyang hita at balakang, at ituloy sa itaas at ibabang bahagi ng tite. Ang katawan ng tite ay pasiglahin sa pamamagitan ng pressure at pagsisikip habang hinihimas ang dulong bahagi nito. Gawin din ito habang nagbibigay ng kakaibang pakiramdam.

    Bumuo ng bilog gamit ang iyong hinlalaki at hintuturo ang mabilis na ipadulas sa dulong bahagi ng tite. At saka, para sa katawan ng tite, imasahe ito gamit ang parehong mga kamay.

    8. Gamitin Ang Lube Para Sa Hindi Gaanong Masakit Na Anal Sex

    Kung isa man sa inyo ay napapaisip tungkol sa anal sex, kung ito man ay dampi lamang o buong pagpasok, ang lube ay lubhang makatutulong.

    Simulan sa pagmamasahe sa puwet at dahan-dahan mula sa labas na bahagi hanggang sa perineum at sa labas ng butas ng puwet upang matukoy ang bahaging may kasiya-siyang pakiramdam bago pa pumunta sa ibang bahagi ng katawan. Kung komportable, gumamit ng ekstrang lube bago makipagtalik.

    9. Panuto Sa Paggamit Ng Lube Sa Loob Ng Condoms

    Maaaring gumamit ng kaunting lube sa loob ng condom upang mas maging sensitibo. Subalit ito ay dahilan upang mas dumulas ang condom habang nakikipagtalik, lalo na kung kayo ng iyong karelasyon ay nagsasagawa ng mga agresibong posisyon.

    10. Paggamit Ng Lube Sa Masturbation

    Ang epekto ng lube ay nakapagpapabuti ng karanasan. Kung gagamit ng lube sa masturbation, piliin ang water-based o natural lubricant upang hindi humantong sa iritasyon.

    Gayunpaman, maging maingat. Ang lube na naiwan matapos ang masturbation ay maaaring pamahayan ng bakterya at humantong sa impeksyon. Kaya siguraduhing maging malinis sa katawan bago at pagkatapos ng masturbation.

    11. Paggamit Ng Lube Para Sa Mas Mainam Na Vaginal Sex

    Iwasan ang paglalagay ng masyadong maraming lube sa puke dahil maaari nitong mapataas ang tyansa ng iritasyon.

    Key Takeaways

    Ang lube ay isang produktong nakatutulong upang mataas ang kasiyahan habang nakikipagtalik. Gayundin, sa pamamagitan nito ay naiiwasan ang masakit na pagkikiskisan ng mga bahagi ng katawan. Gamitin nang tama ang lube at gumamit lamang ng lube na pasado sa quality standards of production.

    Matuto pa tungkol sa ibang payo sa pakikipagtalik dito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Mary Rani Cadiz, MD

    Obstetrics and Gynecology


    Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement