Ang sex ay isa sa mga paraan ng mga magkasintahan upang maging intimate nang pisikal at emosyonal sa isa’t isa. Ito rin ay maraming mga benepisyo, kabilang na ang maayos na pagtulog, pagkawala ng sakit ng ulo, at pagpapabuti ng mood. Ngunit, gaano kadalas dapat mag-sex ang mga magkasintahan? Ano ang kaunti lang at ano ang sobra na? Alamin dito.
Gaano Kadalas Dapat Mag-sex ang mga Magkasintahan?
Ipinakita ng isang pag-aaral na karamihan ng mga magkasintahan ay sexually intimate isang beses sa isang linggo. Sa ibang pag-aaral, ang mga mananaliksik ay napag-alaman na ang mga magkapareha na nagse-sex kada linggo ay ang mga pinaka masasaya.
Sinabi ng mga eksperto na ang isang beses kada linggo ay mainam: ito ay nagpapanatili ng intimacy, nagbibigay ng pakiramdam sa mga tao ng aktibong sex life, at nagbibigay sa kanila ng mga bagay na ilo-look forward. Sa madaling salita, ang mga magkapareha na nagse-sex kada linggo ay nararamdaman na ang sex ay espesyal hindi lang isang routine.
Ang Isang Beses Kada Linggo ay Hindi Akma sa Lahat
Kahit na gaano ka-“ideal” ang pakikipag-sex isang beses kada linggo, nauunawaan ng mga eksperto na hindi ito mainam para sa lahat. Binigyang-diin nila na ang dalas ng sex ay nakadepende sa mga magkasintahan at hindi nila dapat sundin ang pattern na mabisa sa iba.
Ang layunin ng mga magkasintahan ay ma-satisfy. Kaya’t kung sila ay satisfied sa dalas ng kanilang sexual intimacy, mainam iyon.
Tandaan na ang Dalas ay Nagbabago, Magpokus sa Kalidad
Habang ang karamihan ng mga tao na nakilahok sa pag-aaral ay nagsabing nag-sex sila isang beses kada linggo, tandaan na hindi ito tinakda na permanente. Punto ng kaso: ang dalas ng sex ay karaniwan na nababawasan dulot ng edad. Ang ibang mga salik tulad ng stress at busy schedules ay kailangan ding ikonsidera.
Para sa rason na ito, sinasabihan ng mga eksperto ang mga magkasintahan na tumuon sa kalidad.
Nasa ibaba ang ilang tips upang magkaroon ng mas magandang sex life:
Huwag Mag-alinlangan na Mag-usap tungkol sa Sex
Isa sa mga hakbang na dapat gawin upang magkaroon ng mas satisfying na sex life ay pag-usapan ang tungkol sa sex.
Maging totoo tungkol sa kung anong gusto at kung anong sa tingin na off. Gayunpaman, siguraduhin na sabihin ito sa positibong paraan. Makatutulong din ito na pag-usapan ang mga inaalala o ang mga pagbabago na nararanasan ng katawan.
Tandaan na ang Sex ay Isang Porma ng Intimacy
Tandaan na ang sex ay isa lamang paraan upang maging intimate sa kapareha. Ang ibang mga bagay tulad ng affection, touching, paglalaan ng panahon sa isa’t isa, at maging ang pakikipag-usap ay nakatutulong na mas malapit pa sa isa’t isa.
Sumubok ng Ibang Posisyon
Minsan, kailangan mo lang gawin upang magkaroon ng spice ang iyong sex life ay sumubok ng bago. Ikonsidera ang pakikipag-usap sa iyong kapareha tungkol sa bagong posisyon na gustong subukan, at subukan na gawin ito sa kama.
Ikonsidera ang Pag-schedule ng Sex
Sa pag-schedule ng sex maaari mong maramdaman at maisip na ang sex ay obligasyon, ngunit maraming mga magkasintahan na nagtatakda nito sa kanilang kalendaryo upang makuha ang benepisyo ng intimacy. Para sa kanila, ang pagkakaroon ng schedule ay pagtanggap na kailangan nila ng oras para sa isa’t isa. Karagdagan, nakapagbibigay ito sa kanila ng bagay na kanilang kasasabikan.
Kung nais mag-schedule ng sex, siguraduhin na mag-usap tungkol sa araw at oras na parehong ayos sa inyo. Syempre, gawin ang makakaya upang panindigan ang schedule, ngunit maghanda rin kung napagpaliban o hindi nangyari ang inaasahan na plano.
Sa huli, maging bukas sa uri ng intimacy na kabilang. Maaaring may mga pagkakataon na hindi mo nais magkaroon ng penetrative sex, at ang nais mo lang ay yakap at halik. Ayos lang din iyon, dahil ang mahalaga ay ang intimacy.
Key Takeaways
Gaano kadalas dapat na mag-sex ang mga magkasintahan? Karamihan ng mga tao ay nakikipag-sex isang beses kada linggo. Sinabi ng isang pag-uulat na ang uri ng pag-schedule ay nagpapasaya sa kanila. Kahit na anong panahon at kung gaano kadalas na piliin ng mga magkasintahan na maging intimate sa bawat isa ay nakadepende sa kanila. Sa halip na tumuon sa dalas, magpokus sa kalidad ng intimacy.
Key-takeaways
Matuto pa tungkol sa Sexual Wellness dito.