backup og meta

Ano ang Sexual Aversion Disorder, at Paano ito Ginagamot?

Ano ang Sexual Aversion Disorder, at Paano ito Ginagamot?

Ang mga sexual disorders ay tumutukoy sa mga kondisyon na pumipigil sa isang tao na ma-enjoy ang pakikipagtalik. Isang halimbawa nito ay ang sexual aversion disorder. Bagaman ito ay maituturing na karaniwang sexual disorder, marami pa ring misconceptions tungkol dito. Ngunit ano nga ba ang eksaktong ibig sabihin ng sexual aversion disorder, at paano ito magagamot?

Ano ang sexual aversion disorder?

Ayon sa Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders (DSM), ang sexual aversion disorder (SAD) ay isang pag-iwas o pag-ayaw sa pakikipagtalik sa kapareha.

Para sa isang taong may SAD, ang isipin man lamang na magkakaroon ng sekswal na contact ay sapat na upang magdulot ng sobrang takot at pangamba. Posible rin para sa isang tao na mayroong SAD na magkaroon ng matinding pag-ayaw sa pisikal na contact tulad ng paghawak ng kamay, paghalik, o pagyakap. Ito ay sa kadahilanan na sila ay natatakot na ang mga aksyon na ito ay humantong sa pakikipagtalik.

Ang SAD ay mas karaniwan sa mayroong mga anxiety disorders kaysa sa ibang porma ng sexual disorder. Ang iba ay kinukumpara ang SAD sa pagkakaroon ng phobia sa pakikipagtalik. Ito ay dahil ang mga sintomas ng pasyente ay pareho sa nararanasan ng may phobia.

Gayunpaman, posible sa isang taong may SAD na magkaroon ng pagnanasang sekswal. Ang iba ay mayroon pang pantasya, o nagsasagawa pa ng masturbation. Ang problema ay nasa pisikal na intercourse sa kapareha.

Ano ang dahilan ng sexual aversion disorder?

Isa sa pinaka sanhi ng sexual aversion disorder ay kung ang tao ay nakaranas ng traumatic o negatibong karanasan na naiuugnay sa pakikipagtalik. Ito ay maaaring dahil sa pisikal na sakit o emotional trauma. Dahil dito, maaaring maiugnay ng isang tao ang kanilang trauma sa pakikipagtalik, at ito ang sanhi ng pag-ayaw dito.

Posible rin sa isang tao na may malubhang anxiety na magkaroon ng sexual aversion disorder. May mga pangyayari na ang tao ay takot na makipagtalik dahil sila ay nangangamba na maaaring magkaroon sila ng panic attack habang ginagawa ito. 

Diagnosis

Ang pag-diagnosis ng SAD ay maaaring maging mahirap. Ito ay sa kadahilanang maraming tao ang hirap na magsabi tungkol sa kanilang pakikipagtalik, lalo na kung nagkaroon sila ng hindi magandang karanasan noon. Sa katunayan, maraming mga doktor na naniniwala na ang SAD ay hindi partikular na bihirang disorder at maraming mga kaso na naiiwang hindi nadi-diagnose.

Ang pinaka karaniwang krayterya na hinahanap ng doktor ay ang pag-ayaw o pag-iwas sa pakikipagtalik. Ang mga pasyenteng may SAD ay nagsisimulang makaramdam ng pangamba o takot kung ang paksa ay tungkol sa pakikipagtalik. Titignan din ng doktor kung ang pasyente ay nakararanas ng anxiety, dahil nag o-overlap din ito minsan sa SAD.

Kung sa tingin nila na mayroong SAD ang pasyente, maaari nang simulan ang gamutan.

Nagagamot ba ito?

Ang gamutan sa sexual aversion disorder ay katulad ng sa anxiety disorder o phobias.

Ang mga pasyente ay sasailalim sa isang systematic desensitization upang matulungan sila sa kanilang problema. Kabilang dito ang pag-iisip ng iba’t ibang lebel ng sekswal na gawain habang nagsasagawa ng relaxation exercises.

Ang relaxation exercises ay nakatutulong sa mga pasyente na masanay sa pag-iisip ng mga gawaing sekswal nang hindi nakararanas ng pangamba. Sa paglipas ng panahon, ang mga pasyente ay pwede nang magsimula na mag-isip tungkol sa pakikipagtalik nang hindi nagkakaroon ng panic attack. 

Kung kaya na itong gawin ng pasyente, maaari na silang tumungo sa susunod na hakbang ng gawaing sekswal. Ito ay ginagawa kung ang pasyente ay sapat nang komportable sa mga ganitong senaryo sa kanilang kapareha nang hindi nakararamdam ng pangamba o nagkakaroon ng panic attacks.

Sa ibang mga kaso, ang mga doktor ay maaaring magreseta ng gamot para sa mga pasyenteng nakararanas ng anxiety. Ang gamot ay makatutulong upang mapababa ang lebel ng anxiety at hindi gaanong matakot o mangamba tungkol sa sekswal contact.

Ang pinaka mahalagang bagay para sa mga pasyente ay ang paghingi ng tulong at subukan na maging bukas hangga’t maaari habang isinasagawa ang therapy.

Mahalagang Tandaan

Mahalaga na tandaan na ang pagkakaroon ng sexual aversion disorder ay hindi pagkawala ng pagnanasang sekswal. Ang isang tao ay maaring magkaroon ng SAD at matakot o umayaw sa pakikipagtalik.

Ang sexual aversion disorder ay nagagamot na kondisyon. Sa pamamagitan ng tamang therapy, at tulong mula sa propesyonal, ang SAD ay malulunasan. Kalaunan, ang mga pasyente ay maaaring mag-enjoy sa malusog na sex life.

Alamin ang marami pa tungkol sa Sexual Wellness dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Sexual Dysfunction & Disorders: Treatment, Symptoms & Diagnosis, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/9121-sexual-dysfunction, Accessed December 21, 2020

The DSM diagnostic criteria for sexual aversion disorder – PubMed, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/19784769/#:~:text=Sexual%20Aversion%20Disorder%20(2020SAD)%20is,partner%22%20which%20causes%20distress%20or, Accessed December 21,

Sexual Aversion Disorder, https://labs.la.utexas.edu/mestonlab/sexual-aversion-disorder/, Accessed December 21, 2020

The DSM Diagnostic Criteria for Sexual Aversion Disorder, https://med-fom-brotto.sites.olt.ubc.ca/files/2014/12/Brotto-2010-DSM-SAD.pdf, Accessed December 21, 2020

(PDF) Sexual Aversion and the DSM-5: An Excluded Disorder with Unabated Relevance as a Trans-diagnostic Symptom, https://www.researchgate.net/publication/263897133_Sexual_Aversion_and_the_DSM-5_An_Excluded_Disorder_with_Unabated_Relevance_as_a_Trans-diagnostic_Symptom, Accessed December 21, 2020

The Relationship Between Anxiety Disorders and Sexual Dysfunction | Psychiatric Times, https://www.psychiatrictimes.com/view/relationship-between-anxiety-disorders-and-sexual-dysfunction, Accessed December 21, 2020

Kasalukuyang Version

03/23/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Maligo Bago Mag-sex, At Pagkatapos Mag-sex, Kinakailangan Ba?

Adik Sa Sex: Ano Ang Maaaring Gawin Tungkol Dito?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement