Ang hypoactive sexual desire disorder (HSDD) ay isang problema na nakakaapekto sa milyun-milyong tao sa buong mundo, lalo na sa mga kababaihan. Sa kabila nito, ang HSDD ay isa pa ring underdiagnosed na kondisyon. Maaaring hindi alam ng mga taong may karamdaman ito kung ano ang HSDD.
Ano ang HSDD, hypoactive sexual desire disorder?
Karaniwan na para sa mga tao na may iba’t ibang level ng sexual desire. May mga araw na ang mga tao ay nakakaramdam ng kawalan ng interes sa pakikipagtalik, habang may mga araw naman na parang sex lang ang nasa isip nila. Gayunpaman, kung ang isang tao ay patuloy na kulang sa sekswal na pagnanais, kahit mayroon naman siya nito noon, maaaring sila ay dumaranas ng hypoactive sexual disorder.
Ang HSDD ay maaaring magdulot ng mga problema sa mga relasyon ng isang tao. Una, ito ay maaaring maging lubhang frustrating na biglang malaman mo na ganap na nawala ang iyong sex drive. At pangalawa, kung ang isang tao ay nasa isang long-term relationship, tulad ng marriage, ang kakulangan sa pakikipagtalik ay maaaring mahirap harapin.
Ang mga babae ay mas madaling magkaroon ng ano ang HSDD kumpara sa mga lalaki. Ayon sa Society for Women’s Health Research, humigit-kumulang na isa sa 10 kababaihan ang may HSDD. Kaya naman ito na ang isa sa mga pinaka karaniwang form ng sexual disorder. Kamakailan, ang terminong ito ay nakilala bilang female sexual interest/arousal disorder. Sa mga lalaki, ito ay tinatawag ding male hypoactive sexual desire disorder.
Ano ang sanhi nito?
Kung ano ang ng HSDD ay maaaring sanhi ng maraming bagay, kabilang ang mga sumusunod:
Menopause
Kapag ang isang babae ay nakaranas ng menopause, normal na makaramdam ang pagbaba ng sekswal na pagnanais o libido. Ito ay dahil sa katunayan na ang katawan ng isang babae ay dumaraan sa ilang mga hormonal changes sa panahon ng menopause.
Physical illness
Ang mga sakit tulad ng cancer, diabetes, multiple sclerosis, at mga problema sa thyroid ay maaari ding mag-trigger ng HSDD. Gayunpaman, hindi pa rin sigurado ang mga doktor kung bakit nagiging sanhi ng HSDD ang ilang sakit.
Imbalance ng mga kemikal sa utak
Ang isang chemical imbalance ay maaari ding maging isang posibleng dahilan kung bakit ang isang tao ay may HSDD. Posible na ang chemical imbalance ay nakakaapekto sa sex drive ng tao, na humahantong naman sa HSDD.
Personal at mental health problems
Panghuli, ang ilang mga personal na problema ay maaari ding maging sanhi ng HSDD. Partikular, ang mga kababaihan na nagkaroon ng mga cheating partners ay maaaring makaranas ng mga sintomas ng HSDD.
Bilang karagdagan, ang mga kondisyon tulad ng depresyon, anxiety, at low self-esteem ay na-link sa hypoactive sexual desire disorder.
Diagnosis
Kahit na ang HSDD ay isang pangkaraniwang kondisyon, ito ay malamang na hindi matukoy, tulad ng iba pang mga sekswal na karamdaman. Ang dahilan sa likod nito ay maraming tao ang maaaring nahihiya o natatakot na mag-open up sa isang doktor o tagapayo tungkol sa kanilang mga personal na problema.
Ang isa pang dahilan ay baka hindi lang nila alam na ang HSDD ay isang kondisyon, kaya hindi sila humingi ng tulong para dito. Ito ay maaaring maging problema, lalo na para sa mga may-asawa, dahil maaari itong maging sanhi ng hindi pagkakasundo sa kanilang relasyon.
Kaya ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang paghingi ng propesyonal na tulong mula sa isang doktor, dahil makakatulong sila sa pag-diagnose at bigyan ka ng mga rekomendasyon para sa treatment. Ang mga doktor ay karaniwang may isang serye ng mga tanong na tinatawag na Decreased Sexual Desire Screener. Nakakatulong ito sa kanila na matukoy kung ano ang HSDD at kung mayroon ka nito.
Narito ang mga tanong:
- In the past, ang level ba ng iyong sekswal na pagnanais/interes ay mabuti at kasiya-siya sa iyo?
- Nagkaroon ba ng pagbaba sa level ng iyong sekswal na pagnanais/interes?
- Nababahala ka ba sa pagbaba ng level ng iyong sekswal na pagnanais/interes?
- Gusto mo bang tumaas ang level ng iyong sexual desire/interest?
Kung ang sagot ng isang tao ay hindi, malamang na hindi ito hahantong sa diagnosis ng HSDD. Kung oo ang sagot nila, magtatanong ang doktor ng karagdagang mga katanungan para ma-diagnose ang problema.
Treatment ng hypoactive sexual desire disorder
Sa mga tuntunin ng paggamot, mayroong ilang mga opsyon na magagamit pagdating sa kung ano ang HSDD. Narito ang ilan sa mga paraan ng paggamot:
- Ang counseling ay ang karaniwang paraan ng paggamot na ginagawa para sa HSDD.
- Sa ilang mga kaso, maaaring gawin ang sex therapy kasama ang partner ng pasyente upang ma-address ang anumang mga isyu sa relasyon.
- Ang mga doktor ay maaari ding magreseta ng gamot na tumutulong na panatilihin ang balanse ng mga kemikal sa utak sa isang normal na antas.
Kung sa tingin mo ay maaaring mayroon kang HSDD, tandaan, huwag mag-atubiling makipag-usap sa iyong doktor tungkol dito.