Tinatawag ding crabs, ang kuto sa ari ay maliliit na insekto na dumidikit sa genital area mo. May tatlong uri ng kuto na maaaring magdulot ng pangangati sa katawan ng tao. Ang mga ito ay:
- Pthirus pubis: Kuto sa ari
- Pediculus humanus corporis: Ito ang kuto sa katawan
- Pediculus humanus capitis: Kuto sa ulo
Ang mga kuto ay nabubuhay sa dugo ng tao at nagdudulot ng matinding pangangati sa mga apektadong lugar.
Karaniwan, ang crab lice ay nabubuhay sa pubic hair mo at kumakalat sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Bihirang, makikita ang mga ito sa facial hair, eyelashes at armpit hair.
Kadalasan, ang kuto sa ari ay nakikita sa mga taong may sexually transmitted infections.
Sintomas ng Kuto sa Ari
Kung may ganitong kuto, maaari kang makaranas ng matinding pangangati ng balat at pangangati sa genital area o anus. Ang pangangati ay maaaring maging matindi sa gabi.
Maaari ka ring makaranas ng:
- Pale bluish spots malapit sa mga kagat
- Makita ang mga kuto sa anit, pubic hair at damit.
- Low-grade fever
- Pagkairita
- Makakita ng mga itlog ng kuto o ‘nits’ sa buhok mo
- Madalas may mapulang bukol sa anit, leeg o balikat
- Kulang sa energy
Ano ang Sanhi ng Kuto sa Ari?
Ang mga kuto sa ari ay hindi maaaring lumangoy, lumipad o tumalon, pwede lang silang gumapang.
Maaari lamang silang mailipat ng isang tao sa isa pa sa mga sumusunod na paraan:
- Sharing ng mga tuwalya, bedding, at iba pang personal na gamit
- Sa panahon ng pakikipagtalik
- Sa pamamagitan ng nonsexual bodily contacts, tulad ng pagyakap o paghalik
Ang mga ito ay pwedeng kumalat mula sa isang bahagi ng katawan patungo sa isa pa sa mga kamay, halimbawa, kung hinawakan mo ang iyong pubic hair.
May ilang mga dahilan na nagpapataas ng tyansa na magkaroon ka ng kuto sa ari. Ngunit tandaan na hindi lahat ng taong may ganitong risk factors ay makakakuha ng mga ito.
Risk factors:
- Maraming sexual partners
- High-risk sexual behaviour
- Pag-share ng damit o tuwalya sa taong may kuto sa ari
- Sexual contact sa isang taong may kuto sa ari
Pag-diagnose ng Kondisyon
Kung nararanasan mo ang matinding pangangati, kailangan mong bumisita sa family doctor mo at magpa-checkup.
Bago mag-diagnose ng infestation ng pubic lice, gagawin ng iyong doktor ng pisikal na pagsusuri sa iyong pubic area. Maaaring gumamit ang iyong doktor ng magnifying glass upang maghanap ng mga kuto.
Kadalasan, ang mga kutong ito ay maputlang kulay abo ngunit maaaring umitim ang kulay pagkatapos sumipsip ng dugo mo. Malamang, infested ka ng kuto kung makakita ka ng mga insektong crab-like na gumagalaw sa pubic hair mo.
Ang mga kuto na ito ay maaaring mangitlog sa iyong pubic hair. Ang mga itlog ay maliliit at puti ang kulay. Kadalasang makikita sa paligid ng mga ugat ng iyong pubic hair o anumang iba pang buhok sa katawan.
Humingi ng tulong medikal kung nakakaranas ka ng pangangati at iritasyon sa paligid ng iyong pubic hair.
Paggamot sa Kuto sa Ari
Maaaring magreseta ang iyong doktor ng ilang gamot at magrekomenda ng insecticide cream, lotion o shampoo.
Pwedeng makatulong ang doktor mo sa lahat ng mga tagubilin tungkol sa treatment plan at mga inirerekomendang produkto. Mahalagang sundin mo ang payo na ibinigay ng iyong doktor.
Ang ilang insecticide cream o lotion ay maaaring gamitin sa infected area, minsan sa buong katawan. Iwasan ang bahagi ng mata.
Kung ang mga ito ay hindi makatulong sa pag-alis ng mga kuto, ang iyong doktor ay maaaring magrekomenda ng mga angkop na alternatibo.
Maaaring magreseta ang iyong doktor ng matitinding paggamot tulad ng:
- Lindance: Ito ay kadalasang inireseta lamang pagkatapos na hindi gumana ang ibang treatments dahil sa toxicity nito. Maaari mong gamitin ito sa apektadong bahagi at banlawan pagkatapos ng ilang minuto. Ang gamot na ito ay hindi angkop para sa mga sanggol o maliliit na bata, matatanda, buntis at nagpapasuso.
- Malathion: Isang prescription-based lotion ang malathion na kailangan mong ipahid sa apektadong lugar at banlawan pagkatapos ng ilang oras.
- Ivermectin: Ang gamot na ito ay ginagamit bilang single dose ng dalawang tabletas, na may opsyon na mag-take ng isa pang dose pagkatapos ng 10 araw. Ito ay kung ang unang dose ay hindi epektibo.
- Eyebrow and eyelash treatments: Kung nakakita ang doktor mo ng mga kuto sa ari sa mga pilikmata o kilay mo, bibigyan ka ng petroleum jelly. Hihilingin sa iyo na gamitin ito nang maingat sa tulong ng cotton swab sa gabi at banlawan ito sa umaga. Siguraduhing gamitin mo ito nang maingat dahil maaari itong maging sanhi ng pangangati sa mga mata kung ginamit nang hindi tama.
Bilang mahalagang habit, tiyaking laging malinis ang iyong pubic hair, buhok sa kilikili at buhok sa mukha. Panatilihing malinis ang mga ito at humingi ng medikal na tulong kung makakita ka ng anumang kuto o makaranas ng anumang pangangati. Tandaan na ang pag-ahit ay hindi makakatulong sa paggamot sa mga kuto na ito.
Mga Pagbabago sa Pamumuhay Upang Pigilan ang Pag-ulit
Dahil ang mga kuto sa ari ay kadalasang direktang kumakalat mula sa tao sa iba’t ibang paraan, tiyaking iwasan mo ang ilang bagay, gaya ng:
- Pag-share ng mga damit, kumot, tuwalya at maging toilet seat.
- Maging matalino sa pagpili ng sexual partners.
- Iwasan ang pakikipagtalik sa isang infected na tao.
- Labahan ang mga damit sa mainit na tubig at high heat drying cycle. Ang mga bagay na hindi washable ang maaaring i-dry clean o selyuhan sa isang plastic bag at itago ito sa loob ng 2 linggo.
- Iwasan o limitahan ang paggamit ng mga fumigant spray o figs dahil maaaring hindi ito nakakatulong sa pagkontrol ng mga kuto ngunit maaaring nakakalason kung malalanghap.
- Panatilihing malinis at tuyo ang infected area.
- Gumamit ng mga gamot na inirerekomenda ng iyong doktor.
- Gumamit ng malinis na underwear at damit pagkatapos ng treatment.
- Kung ikaw ay infested, ipaalam sa lahat ng sexual partners na sila ay nasa panganib ng infestation at dapat magpagamot kaagad.
- Kung may anumang STD at STI, humingi ng medikal na tulong para makita ang mga kuto sa ari.
Home Remedies Para sa Kuto sa Ari
Pwede mong subukan ang home remedies na ito para magamot ang kuto sa ari:
- Olive oil: Ang olive oil ay may potent nutrients na maaaring maka-suffocate ng mga kuto at maiwasan ang mga ito na bumalik. Isang pag-aaral ang nag-rank sa olive oil na pinaka-epektibong remedy. Mag-apply lamang ng olive oil pagkatapos kumonsulta sa iyong doktor.
- Tea tree oil: Ang tea tree oil ay may antimicrobial properties na maaaring epektibong makaalis ng crab lice. May ilang pag-aaral na nagmumungkahi na ang tea tree oil ay maaaring epektibong home remedy. Ngunit kailangan ito ng higit na pananaliksik para kumpirmahin ang pagiging epektibo nito.
- Mayonnaise: Bagamat sikat na ginagamit ang mayonnaise sa paggamot sa kuto matapos maipalabas ito sa US version ng ‘The Office’, naniniwala ang ilang mananaliksik na maaari nitong puksain ang mga kuto at gawing mas madali sa isang tao na suklayin ng kaniyang buhok. Sinasabi rin ng ilang mga tao na ang mayonnaise ay nakatulong na mapagaan ang pangangati at scalp irritation dahil sa mga kuto. Gayunpaman, ang mga mananaliksik ay nagsasagawa ng ilang mga pag-aaral sa pananaliksik upang patunayan ang pagiging epektibo ng mayonnaise.
- Coconut oil: Ang langis ng niyog ay hindi lamang nakakatulong sa paggamot sa dry skin at buhok kundi pati na rin sa pag-alis ng pubic lice.
- Anise oil: Ang anise oil ay maaaring maka-suffocate ng mga kuto tulad ng olive oil. Sinasabi ng isang pag-aaral na ang anise oil ay isa sa mabisang natural na panlunas sa mga kuto sa mga bata. Makakatulong sa iyo ang anise oil na maalis ang mga kuto nang permanente.
Bago gamitin ang mga remedy na ito, dapat laging kumpirmahin ito sa iyong health expert.
[embed-health-tool-bmr]