backup og meta

Allergy sa Semilya: Posible bang Mangyari ito?

Allergy sa Semilya: Posible bang Mangyari ito?

“Allergic ba ako sa semilya ng aking karelasyon?” Ito ay mukhang kakaibang tanong dahil kadalasan ng mga allergy ay galing sa pagkain, dumi o pollen. Ngunit ang allergy sa semilya, o semen allergy ay tunay. Bakit may ganitong uri ng allergy ang ibang tao? Ano ang mga sintomas nito? At ano ang dapat gawin tungkol dito?

Semen Allergy: Allergic ba ako sa Semilya ng Aking Karelasyon?

Ang semen allergy ay kung ang tao ay may allergic reaction sa semen. Hindi ito allergy sa mismong semilya, ngunit sa proteins na mayroon ang semen. Ito rin ay tinatawag na human seminal plasma protein hypersensitivity (SPH).

Hindi pa klaro kung gaano karaming tao ang mayroong allergy sa semilya. Dahil ito ay bibihirang kondisyon, ang ilang mga tao na mayroon nito ay maaaring mahiya sa pag-amin. 

Dahil ito ay bihirang kondisyon, hindi rin uncommon na magkamali sa diagnosis. Kadalasan ang mga sintomas ay napagkakamalan na vaginitis, na pamamaga ng ari ng babae o minsan ay sexually transmitted disease o STD.

Kadalasan ay ang mga babae ang may allergy sa semen. Gayunpaman, may mga bagong pag-aaral na nakita na may mga lalaki ring allergic sa sarili nilang semen.

Allergic ba ako sa Semilya ng aking Karelasyon? Paano ko ito Malalaman?

Ang mga sintomas ng semen allergy ay iba-iba sa depende sa tao. Ang mga pinaka karaniwang sintomas ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • Mahapding pakiramdam sa ari ng babae
  • Hives sa tiyak na bahagi o sa buong katawan
  • Hirap sa paghinga
  • Pamamaga
  • Anaphylaxis o ang mas malalang allergic reaction
  • Asthma attack, partikular sa mga kababaihan na mayroon nang asthma

Sa ibang mga kaso, ang mga pasyente ay mas nakararanas ng mga sintomas sa ilang parte lamang ng katawan. Gayunpaman, posibleng makaapekto sa buong katawan ang mga sintomas, partikular na sa mga malalang kaso.

Madalas na nangyayari ang semen allergy sa mga taong unang beses nakipagtalik. Bagaman posible rin ito na biglang maranasan matapos magkaroon ng iba’t ibang karelasyon, o kahit na sa matagal na karelasyon.

Kung pinag-iisipan mo kung “Allergic ba ako sa semilya ng aking karelasyon?” posible na nangyayari lang ito mula sa iyong karelasyon. Sa ibang pagkakataon, ang babae ay mayroon lamang allergy sa semilya ng kanilang karelasyon ngunit hindi sa semilya ng ibang lalaki. Kaya’t hindi madaling malaman kung ikaw ay may semen allergy o wala.

Gayunpaman, isang paraan para malaman ay kung hindi mo nararanasan ang mga sintomas kapag ang iyong karelasyon ay gumagamit ng condom ngunit nararanasan mo ito kapag hindi sya gumagamit ng condom. 

Semen Allergy at Pagpaplano ng Pamilya

Ang pagkakaroon ng allergy sa semilya ay maaaring maging mahirap lalo na kung ikaw at ang iyong karelasyon ay nais magkaroon ng anak. 

Ang kadalasang ginagawa ng mga magkarelasyon ay tumungo sa doktor para sa tulong medikal, tulad ng artificial insemination, o in vitro fertilization. Sa ganitong paraan, makakasiguro na hindi makararanas ng allergic reaction.

Ano ang Gagawin sa Semen Allergy?

Kung sa tingin mo na ang sagot sa tanong na “Allergic ba ako sa semen ng aking karelasyon?” ay oo, kumonsulta sa iyong doktor. Sila ay magsasagawa ng mga test kung ikaw ay meron o walang allergy sa semilya. Kahit na ikaw ay ma-diagnose ng semen allergy, huwag mangamba. Maaari mo pa ring ma-enjoy ang sex life at buhay may pamilya.

Narito ang mga bagay na maaari mong gawin tungkol sa allergy sa semilya:

  • Gumamit ng proteksyon kung nakikipagtalik upang maiwasan ang contact sa semilya ng karelasyon
  • Sa ibang mga kaso, ang paggamit ng antihistamine bago makipagtalik ay makatutulong upang maiwasan ang allergic reaction
  • Ang prosesong tinatawag na subcutaneous desensitization ay maaaring gawin upang mapaghusay ang iyong tolerance sa katawan laban sa semen. Ito ay kadalasang epektibong porma ng lunas, ngunit kailangan gawin ng 2-3 na mga linggo.
  • Kung ikaw ay nasa isang relasyon, at kung allergic ka sa semen ng iyong kapareha, maaari kang sumangguni sa couples therapy

Tandaan, hindi dapat ikahiya ang semen allergy. Huwag matakot na magtanong sa doktor, “Allergic ba ako sa semen ng aking karelasyon?” Mainam na maging bukas at tapat sa iyong doktor upang mabigyan ng tulong na kinakailangan sa iyong kondisyon. Ang paghahanap ng tulong ay makatutulong sa iyo na gumaan ang pakiramdam, at maligtas ka sa posibleng malalang allergic reaction.

Alamin ang marami pa tungkol sa Sexual Wellness dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Allergic to semen? | Go Ask Alice!, https://goaskalice.columbia.edu/answered-questions/allergic-semen-1, Accessed January 18, 2021

Semen allergy: A cause of infertility? – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/infertility/expert-answers/semen-allergy/faq-20058370#:~:text=In%20rare%20cases%2C%20people%20have,in%20the%20outer%20genital%20area., Accessed January 18, 2021

What is a sperm allergy? | ISSM, https://www.issm.info/sexual-health-qa/what-is-a-sperm-allergy/, Accessed January 18, 2021

Could I Be Allergic to Sperm?, https://thewell.northwell.edu/dear-doctor/could-i-be-allergic-sperm, Accessed January 18, 2021

Semen contact allergy | DermNet NZ, https://dermnetnz.org/topics/semen-contact-allergy/, Accessed January 18, 2021

Kasalukuyang Version

03/23/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Rashes sa pepe: Ano Ang Maaaring Sanhi Nito, at Paano Ito Ginagamot?

Maligo Bago Mag-sex, At Pagkatapos Mag-sex, Kinakailangan Ba?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement