backup og meta

Nahihirapan Mag-Orgasm? Heto Ang Posibleng Dahilan

Nahihirapan Mag-Orgasm? Heto Ang Posibleng Dahilan

Ang female orgasms  ay maaaring mag-iba sa bawat tao. Ang ilang mga kababaihan ay madaling mag-orgasm sa oras ng pakikipagtalik, habang ang iba ay mas gusto ang ilang mga posisyon. Gayunpaman, may ilang mga kababaihan na hindi maka-climax sa lahat, o nahihirapang makamit ang orgasm. Ang karaniwang tanong para sa mga babaeng ito ay “Bakit ako nahihirapan mag-orgasm?”  

Ano nga ba ang dahilan kung bakit ito nangyayari? May kinalaman ba ito sa kanilang katawan, o ang pagkamit ng climax ay isang bagay na nangangailangan ng “practice” para mangyari ito? Alamin ang mga sagot sa mga ito at matuto nang higit pa tungkol sa anorgasmia sa mga kababaihan. 

Bakit ako nahihirapan mag-orgasm?

Sa teorya, ang pagkamit ng climax ay dapat na straightforward. Nangyayari ito pagkatapos ng ilang sexual stimulation, at maaaring makamit sa pamamagitan ng pakikipagtalik o masturbation. Ngunit paano kung masyadong matagal bago ito mangyari, at ikaw o ang iyong kapareha ay mapapagod lang? Ano kaya ang dahilan nito?

Ang kondisyong ito ay kilala bilang anorgasmia, o isang orgasmic dysfunction. Ito ay tumutukoy sa isang sitwasyon kung saan ang isang babae ay hindi makakamit ang kasukdulan kahit na siya ay sexually excited. Kung madalas itong mangyari, maaaring tuluyang mawalan ng interes sa sex ang isang taong may anorgasmia. Maaaring maramdaman nila na ito ay isang chore, hindi na ito kasiya-siya, o sila ay ma-frustrate dahil nahihirapan mag-orgasm.

Ayon sa statistics,  tinatayang nasa 10%-15% ng mga kababaihan ang hindi kailanman nagkaroon ng orgasm. Medyo mataas na numero ito, kaya mahalagang malaman ng mga kababaihan kung paano sila makakapag-orgasm nang mas madali.

Bakit Hindi Makamit ng Ilang Babae ang Orgasm?

Ang pag-unawa sa kung paano gumagana ang orgasms ay makakatulong sa mga tao na mas maunawaan kung paano ito makakamit. Maaaring isipin ng mga tao na ito ay kasing simple ng pag-stimulate sa vagina, pero mas komplikado pa ito doon. Ang utak at katawan ay kailangang magtulungan para makamit ang sekswal na kasukdulan.

Halimbawa, kung ang isang babae ay na-stress, pagod, may mga negatibong karanasan o kahit na trauma tungkol sa sex, maaaring mahirapan silang makamit ang orgasm. Ito ay maaaring dahil sa katotohanang wala sila sa tamang “headspace”. Kaya kahit na sila ay stimulated physically, at nasisiyahan sila sa sekswal na aktibidad, kung ang kanilang utak ay hindi naka-sync, hindi sila maaaring magkaroon ng orgasm. 

Sa kaso ng anorgasmia, maaaring maramdaman ng  babae na halos handa na siyang magkaroon ng orgasm, pero sobrang matagal bago ito mangyari. Sa kalaunan ay maaari siyang makaramdam ng pagod o frustration, at nahihirapan mag-orgasm.

Ang ilang mga kababaihan ay maaaring magkaroon din ng pagkabalisa, o natatakot na ang kanilang kapareha ay baka hindi interesado sa kanila sexually. Ang lahat ng mga bagay na ito ay maaaring maging salik kung bakit nahihirapan mag-orgasm.

Ito ay Maaaring Dahil sa Hindi Sapat na Stimulation

Ang isa pang posibleng dahilan kung bakit nahihirapan mag-orgasm ang isang babae ay dahil hindi sila sapat na stimulated. Ang katotohanan, karamihan sa mga kababaihan ay hindi nag-oorgasm sa sexual penetration lang. Hindi tulad ng mga lalaki, na madaling mag-climax sa pamamagitan ng pagpapasigla sa ari. Ang mga babae kung minsan ay kailangan ng clitoral at hindi lamang ng vaginal stimulation para makamit ang isang orgasm.

Ano ang Magagawa Mo Tungkol Dito

Narito ang ilang bagay na maaari mong gawin sa anorgasmia sa mga kababaihan:

  • Alamin ang iyong mga erogenous zone. Ang ilang mga halimbawa ay ang iyong G-spot, klitoris, suso, at iba pang sensitibong bahagi ng katawan. Ang pagpapasigla sa mga ito ay maaaring mas mapadali na mag-orgasm.
  • Kung umiinom ka ng gamot para sa depression o pagkabalisa, maaaring makaapekto ito sa iyong buhay sa sex. Subukang makipag-usap sa iyong doktor para makita kung maaaring baguhin ang iyong reseta.
  • Ang pagbabawas ng timbang at pag-eehersisyo ay maaaring gawing mas madali para sa ilang kababaihan na makamit ang orgasm. 
  • Kung nahihirapan ka sa mga alalahanin, trauma, o na-stress habang nakikipagtalik, ang therapy ay maaaring magpabuti sa iyong sex life.

Naitanong mo na ba na:  bakit ako nahihirapan mag-orgasm? 

Anuman ang maaaring sanhi ng anorgasmia, ang mahalaga ay huwag itong hayaan lang. Ang sex at sekswalidad ay mga mahalagang aspeto ng ating kalusugan. Anumang mga problema na maaaring mayroon ka sa panahon ng pakikipagtalik ay dapat matugunan.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Orgasmic dysfunction in women: MedlinePlus Medical Encyclopedia, https://medlineplus.gov/ency/article/001953.htm, Accessed November 3, 2021
  2. Anorgasmia in women – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/anorgasmia/symptoms-causes/syc-20369422, Accessed November 3, 2021
  3. What can cause orgasm problems in women? – NHS, https://www.nhs.uk/common-health-questions/sexual-health/what-can-cause-orgasm-problems-in-women/, Accessed November 3, 2021
  4. There’s Help for Women Who Can’t Achieve Orgasm – Cleveland Clinic, https://health.clevelandclinic.org/theres-help-for-women-who-cant-achieve-orgasm/, Accessed November 3, 2021
  5. Difficulty reaching female orgasm | healthdirect, https://www.healthdirect.gov.au/difficulty-reaching-female-orgasm, Accessed November 3, 2021

Kasalukuyang Version

06/14/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Iba't-ibang Uri Ng Contraception

Sex vs. Gender: Ano Ang Pagkakaiba Ng Dalawang Ito?


Narebyung medikal ni

Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement