backup og meta

Paano Malalaman kung Mabisa ang Birth Control Pills?

Paano Malalaman kung Mabisa ang Birth Control Pills?

Maraming mga babae ang nagtataka kung posible bang mabuntis matapos gumamit ng birth control? Dito papasok kung paano malalaman kung mabisa ang birth control. Sa pag-alam ng mga senyales at side effects ng birth control, makikita mo kung ang pill na iniinom ay akma para sa iyo.

Paano Malalaman kung Mabisa ang Birth Control

Gumagana ang birth control sa pamamagitan ng pagbabawal sa proseso ng ovulation, at pag-iwas sa paggalaw ng sperm sa pamamagitan ng pagpapakapal ng cervical mucus. Mula rito, naiiwasan ang pagtatagpo ng egg at sperm.

Ang paggamit ng oral contraceptives ay 99% na epektibo kung gagamitin nang perpekto. Ang perpektong paggamit ng contraception dito ay nangangahulugan na ginagamit mo ang birth control sa parehong oras kada araw, at hindi makaliligta ng kahit isang dose. Ngunit kung uminom ka ng pill sa ibang oras kada araw o aksidenteng nakaligtaan ang isang araw, ito ay 91% lamang na epektibo sa pag-iwas na mabuntis.

Bagaman ang percentage ng pagiging epektibo ng birth control pills ay masyadong mataas, maaari ka pa ring mabuntis. Ang hindi matagumpay na contraception ay ang kadalasang resulta ng pagkalimot sa pill o mas marami pa sa parehong pagkakataon. Kung ang iyong katawan ay hindi nagkaroon ng constant supply ng hormones, maaari kang magsimulang mag-ovulate. Kaya’t kung ikaw ay nakipagtalik nang walang backup birth control, ang tsansa ng pagiging buntis ay tataas.

Kung nagdududa, mainam na magsagawa ng emergency contraception sa lalong madaling panahon. Sa ideal, ito ay sa loob ng 12 oras matapos makipagtalik para sa mas mainam na proteksyon laban sa hindi inaasahang pagbubuntis. Kung gumamit ka ng birth control pills araw-araw, kailangan mo ring pansinin ang iyong menstrual cycle. Ang senyales na mabisa ang iyong contraception ay kung mayroon ka pa ring regla kada buwan o kung ito man ay huli ng ilang araw. Kung hindi dumating ang iyong regla matapos ang higit isang buwan, kailangan mo nang magpatingin sa doktor upang kumuha ng eksaktong diagnosis sa sanhi nito.

Ano ang side effects ng birth control pills?

paano malalaman kung mabisa ang birth control

Upang hindi malito sa mga senyales ng matagumpay na contraception sa mga senyales ng pagbubuntis, kailangan mo ring maging malay sa mga side effects ng birth control pills. Dahil ang side effects ng oral contraceptives ay maraming mga pagkakatulad sa mga unang senyales ng pagbubuntis. Ilan sa mga karaniwang side effects ng oral contraceptives ay kabilang ang:

1. Nagiging sanhi ng birth control pills ang missed periods

Ang paggamit ng oral contraceptives ay maaaring may epekto sa iyong menstrual cycle. Maaaring mas kaunti ang dugo kaysa sa karaniwan, na nangyayari kung ang fertilized egg ay nakakapit sa uterus. Ang paggamit ng birth control pills ay maaaring maging sanhi ng biglaang pagdurugo sa gitna ng iyong period o maaari itong maging sanhi ng delay period. Ang missed period ay isang senyales na madaling akalaing senyales ng pagbubuntis.

2. Ilan sa birth control pills ay nagiging sanhi ng pagduduwal

Ang status morning sickness ay nakakasuka at ito ay karaniwang sintomas ng pagbubuntis. Gayunpaman, ang paggamit ng birth control pills ay maaari ding maging sanhi ng parehong mga sintomas. Kung ang iyong pagduduwal ay hindi nawala, kailangan mong agarang magpatingin sa antenatal clinic.

3. Maaaring maging sanhi ito ng breast tenderness

Sa pagprogreso ng iyong pagbubuntis, ang iyong suso ay magiging mas malambot. Gayunpaman, ang hormonal birth control pills ay maaari ding maging sanhi ng sintomas na ito.

4. Ang mga tiyak na birth control pills ay sanhi ng fatigue at sakit ng ulo

Ang fatigue ay malala at karaniwang sintomas ng pagbubuntis. Gayunpaman, kung gumagamit ka ng birth control pills, ito rin ay nakapagpapabago ng lebel ng hormones sa katawan, na nagiging sanhi ng parehong sintomas ng fatigue at sakit ng ulo.

Ano ang iba pang mga posibleng sanhi ng mga ganitong side effects?

Bilang karagdagan sa pagiging malay sa mga senyales ng matagumpay na contraception at ang side effects ng birth control pills, kailangan mo ring maging malay sa mga posibleng sanhi ng iyong side effects, kabilang ang:

1. Sexually Transmitted Diseases (STIs)

Ang birth control pills ay nakatutulong na makaiwas sa pagbubuntis sa karamihan ng mga kaso ngunit hindi pumoprotekta laban sa sexually transmitted infections (STIs). Ilan sa mga sakit ay maaaring maging sanhi ng cramping, pagdurugo, at pagduduwal.

2. Cancer

Ilan sa mga cancers, kabilang ang cervical o endometrial cancer ay maaaring maging sanhi ng mga sintomas na madaling akalaing pagbubuntis. Ang mga sintomas na ito ay kabilang ang:

  • Pagdurugo
  • Pagkaduduwal
  • Sakit
  • Pagod

3. Uterine fibroids o cysts

Ang fibroids o cysts ay abnormal na tumors na maaaring tumubo sa wall ng uterus o ovaries. Karamihan sa mga tao na may ganitong kondisyon ay nakararanas ng hindi karaniwan at madalas na labis na pagdurugo. Gayunpaman, ang ibang mga sintomas tulad ng pagduduwal, sakit, at labis na ihi ay maaaring lumabas bago mangyari ang pagdurugo.

Nawa’y ang mga impormasyon sa itaas ay nabigyan kayo ng malinaw na paliwanag sa side effects ng pagkonsumo ng birth control.

Key Takeaways

Sa pag-alam kung paano malalaman kung mabisa ang birth control ay makatutulong sa mga kababaihan na maiwasan ang pagbubuntis. Ang pag-alala sa mga posibleng sintomas at side effects ay makatutulong din sa mga babae upang magdesisyon kung anong pamamaraan sa birth control ang akma para sa kanila.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

02/27/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin ang 8 Side Effects ng IUD na Dapat Mong Ikonsidera

Male Birth Control: Alamin Kung Ano Ang Vasectomy Dito


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement