backup og meta

Ano ang mga contraceptives na puwedeng gamitin sa halip na condom?

Ano ang mga contraceptives na puwedeng gamitin sa halip na condom?

Ang mga lalaki at babae ay may maaaring gamiting mga contraceptives sa halip na condom sa oras ng pakikipagtalik. Kapag ginamit ng tama ang condom, mapoprotektahan ang partner mula sa pagkakaroon ng sexually transmitted infections (STIs) na maaaring humantong sa mga sexually transmitted disease (STDs). Gayundin ang aksidenteng pagbubuntis. Bagama’t maraming mga iba’t-ibang contraceptive sa merkado, mahalagang malaman na hindi lahat ng alternatibo ay makakapigil sa mga STI. 

Bakit gumagamit ng condom contraceptive?

Ang mga allergy sa latex ay isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit available ang mga opsyon na latex-free sa merkado. Maaaring magkaroon ng mga komplikasyon tulad ng pamamaga at kahirapan sa paghinga. Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa, ang mga babae ay mas malamang na magka-allergy sa latex kaysa sa mga lalaki. Narito ang iba’t-ibang mga contraceptives.

Ang mga sumusunod ay latex-free alternatives:

  • Polyurethane and polyisoprene-based condoms. Ang mga may allergy sa latex ay maaari pa ring gumamit ng mga contraceptive na polyurethane at polyisoprene rubber para sa safe sex.
  • Lambskin condoms. Ang mga condom na balat ng tupa na meron online ay maaaring gamitin bilang alternatibong contraceptive para sa mga may allergy sa latex. Pero hindi mapipigilan ang mga STI sa paggamit nito dahil masyadong malapad ang kanilang mga pores. Pinapataas nito ang posibilidad na makapasok ang impeksyon.
  • Female condoms. Ito lamang ang mga alternatibong contraceptive na maaaring isuot ng taong may vagina. Ito ay kasing epektibo ng mga regular na latex condom.

Hormonal contraception

Ang mga hormonal contraceptive ay ligtas na kasama sa iba’t-ibang contraceptive sa halip na condom sa pakikipagtalik. Mayroon silang alinman sa estrogen o progestin na inilabas upang ihinto ang obulasyon sa loob ng isang yugto ng panahon at sa huli ay pumipigil sa pagbubuntis.

  • Pills. Ang pills ay ang pinakakaraniwang paraan ng birth control. Maaaring kumunsulta sa isang propesyonal bago mag-take nito upang malaman kung aling opsyon sa tableta ang mas angkop para sa iyo.
  • Patches. Ang mga patch ay parang maliliit na bandage na isinusuot sa tiyan o ibabang bahagi ng katawan. Ito ay isang iniresetang paraan ng hormonal contraception na nilalayong ilagay sa unang 21 araw ng iyong menstruation.
  • Ring. Ang ring ay prescribed hormonal contraceptive na gawa sa plastik. Ito ay  ilalagay sa loob ng vagina sa loob ng tatlong linggo. Kapag nagsimula na ang menstrual cycle, dapat tanggalin ang singsing at palitan ng isa pa kapag natapos na ang regla.

Non Hormonal contraception

Hindi tulad ng mga hormonal contraceptive, ang mga non hormonal contraceptive ay walang mga side effect na nauugnay sa hormonal changes. Gaya ng mas mataas na panganib ng breast cancer, clots, at maging ang pagsisimula ng mood swings. Ang mga babaeng kasalukuyang may mga medikal na isyu tulad ng breast cancer ay hindi maaaring gumamit ng hormonal contraception. Ito ay dahil maaaring magkaroon ng masamang epekto ito.

Barrier method contraception

Ang barrier method ay humaharang sa anumang semilya papunta sa matris. Halimbawa nito ang mga condom ng lalaki at babae. Ang mga sumusunod ay mga alternatibong paraan para sa iba’t-ibang contraceptive:

  • Diaphragm ay dome-shaped reusable na birth control na ipinapasok sa vagina isang araw bago ang pakikipagtalik.
  • Cervical Caps ay maliit na prescription silicone na ipinapasok sa vagina na may kaunting spermicide.
  • Sponges ay malambot, bilog na plastik na foam na binabad ng husto sa spermicide bago makipagtalik. Ang sperm ay namamatay sa sponge pagkatapos ng ejaculation.

Ano ang mga panganib ng natural contraception methods?

Ilan sa mga natural na paraan ng contraception ay pag-observe sa cervical mucus para malaman kung kailan pinaka-fertile ang babae  sa kanyang menstrual cycle. Ito ay kilala rin bilang fertility awareness method o FAM. At kasama sa iba’t-ibang contraceptive.

Para sa mga may bagong sexual partners, maaaring pumasok sa isip ang mga natural na paraan ng contraception. Mahalagang tandaan na karamihan, kung hindi, lahat ng homemade na contraceptive ay talagang mas makakasama kaysa sa mabuti.

Ang paggamit ng mga homemade na alternatibong condom ay isang masamang ideya para sa iba’t-ibang contraceptive. At maaari pang magkaroon ng panganib na magkaroon ng mga STI o iba pang uri ng mga impeksyon. Ang ilan ay maaari ring makapinsala sa ari at mag-iwan ng microscopic tears. Pati na rin limitahan ang daloy ng dugo sa ari ng lalaki.

Mga bagay na hindi mo dapat gamitin bilang makeshift condom:

  • Mga plastic bag
  • Plastic wrap
  • Mga lobo
  • Anumang uri ng foil

Ang pag-pull-out o withdrawal method ay maaaring may mataas na statistics na maiwasan ang pagbubuntis. Ngunit hindi nito mahahadlangan ang mga posibleng STI. Ito ay isang mapanganib na pamamaraan dahil ang tamang timing ay dapat magawa para ito ay maging matagumpay.

Anong iba’t-ibang contraceptive ang  puwedeng gamitin sa halip na condom?

Bagama’t maraming posibleng opsyon at pamamaraan para sa contraception, mahalagang kausapin ang iyong kapareha tungkol sa iba’t-ibang contraceptive. Pag-isipan ang mga kadahilanan tulad ng risk sa mga STI, lifestyle, at pagpayag na uminom ng tuluy-tuloy na gamot para sa ilang methods. Maaari ka ring makipag-usap sa isang propesyonal tungkol sa mga alternatibong condom para sa ikabubuti mo at ng partner mo.

Konklusyon

Ano ang iba’t-ibang contraceptive ang  puwedeng gamitin sa halip na condom? Proteksyon mo at ng partner mo ang condom. Ito ay kapag ginamit ng tama. Maaaring gamitin ang mga contraceptive alternative para sa mga allergic sa latex, at sa mga may sapat na oras para sa tuluy-tuloy na gamot na kailangang i-renew tulad ng birth control. Maraming iba’t-ibang contraceptive na available sa merkado. Ngunit mahalagang tandaan na hindi lahat ng mga ito ay makakapigil sa mga sexually transmitted infections (STIs).

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Contraception, https://www.cdc.gov/reproductivehealth/contraception/index.htm Accessed October 19, 2021 

Contraception – choices, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/contraception-choices Accessed October 19, 2021

Safe sex, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/safe-sex Accessed October 19, 2021

Have a Latex Allergy? Here Are 4 Safe Non-Latex Condom Options, https://health.clevelandclinic.org/have-a-latex-allergy-4-safe-condom-types-for-you/ Accessed October 19, 2021

Kasalukuyang Version

07/31/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Male Birth Control: Alamin Kung Ano Ang Vasectomy Dito

Paano Malalaman kung Mabisa ang Birth Control Pills?


Narebyung medikal ni

Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement